LIN: XXIX

130 12 0
                                    

Chapter XXIX: "THE RETURN OF THE COMEBACK"

Hi?

Magandang araw?

Natatandaan nyo pa ba ako?

Si STALKER? Remember?

Di ko na kayo papahirapan pa, ako to si Dan. Ano? Naalala mo na? Ok na?

Natatandaan nyo pa ba yung nangyari last chinese new year?

Matagal-tagal nadin nang huli akong nagpakita. Wala na kong balita at wala rin akong kaalam-alam ngayon sa mga kasalukuyang nagaganap.

Nawala ako dahil nagpagaling ako. May sakit kasi ako, na kapag hindi nagamot may di magandang maidudulot sa ibang tao.

Gusto nyong malaman?

FLASBACK

Yung time na nandun kami sa mall, umamin ako na ako si Deil Angelo Romer De Ayala.

Hindi na ko nakapagpaliwanag pa. Umalis si Erl at hinila naman ako ni Hilda sa isang cafe. Iniwan nalang namin si Boy doon.

Gusto kong manood ng mall show para masaksihan ko lahat. Pero heto kami ni Hilda, tahimik na nakaupo. Ilang sandali pa, di ko na tiniis. Nagsalita na ko.

Dan: Bakit mo ko dinala dito? Aalis na ko, manonood pa ko.

Napabuntong hininga naman si Hilda at nagsalita.

Hilda: Hindi mo sya mahal.

Akmang tatayo ako nang natigilan ako sa sinabi nya. I knew she was refering to Lin.

Dan: A-ano? A-anong s-sinasabi mo dyan?

Hilda: Hindi mo MAHAL SI LIN.

Dan: Mahal ko sya, at alam ng lahat 'yon! Hindi mo ako naiintindihan.

Hilda: ako ang hindi mo naiintindihan. You're obsessed!

that moment, parang nagreplay yung huling linya nya.

You're obsessed!

You're obsessed!

You're obsessed!

Dan: nagmamahal ako! Hindi ako obsessed!

Hilda: You don't understand! You're not well Dan. But it doesn't mean na baliw ka. Kailangan mong magparehab before it's too late.

Napakunot ang noo ko.

Dan: wala akong panahon sa mga jokes mo Hilda.

Hilda: I can't let you slide this time. Kung nung elementary at highschool pinabayaan kang maging stalker ngayon tigilan mo na yan.

Dan: Wala akong ginagawang masama at alam mo yun Hilda!

Hilda: Wala pa Dan. Wala pa. Look, I'm not only saving Polinda but you as well.

Tumingin ako sa ibang direksyon. Nabalutan nanaman kami ng katahimikan.

Mali ba yung ginagagawa ko? Nagmamahal lang naman ako ng tao na hindi naman ako ang mahal.

Ngayong araw na ito, magkikita na sila ni Alden. Ngayong araw na ito, magsisimula na ang kalbaryo ko bilang epal.

Sino nga ba ako para hadlangan sila? Iniisip siguro ni Hilda na makakagawa ako ng kabaliwan kapag hindi ko napigilan ang sarili ko.

At the back of my mind, tama naman talaga si Hilda.

Hilda: iniisip mo na siguro ang mga pwedeng mangyari diba?

Tumango lang ako, magaling magbasa ng isipan si Hilda.

Hilda: masasaktan ka lang sa bandang huli, kaya hangga't maaga pa. Itama mo na lahat ng mali.

Ito nanaman yung mga salita ni Hilda na may malalim na pinaghuhugutan. Di ko na pinansin yung sinabi nya.

Napabuntong hininga nanaman sya at muling tumingin sakin.

Hilda: wala naman kasing Dan Romer na nag-eexist sa mundong to. Gawa-gawa lang sya ni Deil. Diba med student ka? Alam kong naiintindihan mo na ngayon. Pero di mo lang maamin dahil nasasaktan ka. Truth hurts no? Dapat pagbalik mo dito wala ng Dan. Dahil si Dan ay isang sinungaling, duwag at impostor.

Tumayo si Hilda

Hilda: kahit kailan hindi ka niloko ni Lin. Naging totoong kaibigan sya sayo. Alam kong kahit ga'no ka pa ka-gago matatanggap ka parin nya. Makonsensya ka naman. Hindi lahat ng tao kagaya nya. Ang totoong nagmamahal, hindi humihiling ng kapalit.

Tumungo lang ako, di ko namalayan na may tumulong luha sa isang mata ko. Agad ko namang pinunasan.

Hilda: nga pala, advance happy birthday.

May bumati na agad sakin.

Dan: salamat, after ng birthday ko, aalis na ko.

Hilda: good. Wala akong regalo kasi hindi naman si Deil ang kaharap ko. Saka nalang yung gift pagbalik nya. Sige, una na ako.

She tapped my shoulder and walked away.

Di na ko nakaalis sa pwesto ko. Tama na Dan, tama na.

Nung nagbeach kami, birthday ko no'n. Masaya dahil kahit papaano naiparamdam ko na mahal ko sya. Alam kong huli na yon.

Dun ko rin nalaman na anumang oras pwedeng mawala si Alden.

Pero, buo na ang pasya ko. Gusto ko pagbalik ko, wala na kong pagsisisihan pa. Gusto ko pagbalik ko masasabi ko na mahal ko talaga sya.

Time goes by so fast. Still, di parin ako stable. Nakatanggap nalang ako ng tawag mula kay Klein.

Namatay na daw si Alden.

Klein: Hey?

I think, kailangan ka nya.

.

.

.

It's too late, He's gone. I don't know what to do.

I need to LIE.

kung anu-ano nalang ang sinabi ko kay Klein. Ayoko pa kasing umuwi at sa mga sinabi ko talagang ewan ko nalang.

Makalipas pa ang ilang linggo. May bisita daw ako.

Takte, parang ramdam ko na kung sino.

Pagkakita ko sa kanya nasabi ko nalang

Dan: Long time no see

Yung expression ng muka nya wala paring pagbabago.

Pero mas nagulat ako sa sumunod na ginawa nya

*PAK!*

Patola naman oh! Ngayon na nga lang ulit kami nagkita tapos sasapakin nya lang pala ako.

Teka? Ako? Sinapak nya!

Nyeta, magpapaparty ako

Gulat na gulat talaga ako, hindi naman masakit yung suntok nya pero napaurong talaga ako sa gulat kasi never talaga nanapak to eh, siguro ako unang unang sinapak nya sa tanang buhay nya.

Nanlaki nalang mata ko. Natulala pa ko.

Dan: Bakit mo naman ako sinapak

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Klein?

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon