Distance

34 2 0
                                    

( Jannirah's POV )

Nang maka uwi ako sa bahay nagkulong agad ako sa kwarto hanggang sa nakatulog .

Ginising lang ako ni nana para pakainin at bumalik na sa pagkakatulog .

Nagising akong 7:00 , 8 kasi klase namin .

Narating ko ang school nang 8:01 , late na ako .

Pumasok ako sa room namin at nakita ko ang teacher namin sa harap .

* goodmorning po *

bati ko sa kanila .

* goodmorning too , ikw ba yung bagong transfer ? *

tanong nong teacher .

* opo *

sagot ko .

* come here , introduce your self *

sabi nong teacher at pinapapunta ako sa harapan .

* hi everyone , im Jannirah Marz Lopez , 15 years old *

Nakayuko kong sabi .

* okay class , she's your new classmate . Bigyan nyo sha nang upuan dyan *

sabi nong teacher at bumaling sa'kin .

* sige na hija *

nakangiting sabi nang teacher .

* thank you maam *

pasasalamat ko at palinga-linga sa classroom kung may upuan pa ba .

* dito ka nalang miss oh *

may nagsalita sa likuran , lalaki sha at sha lang naka upo don . Tumayo sha at  kumuha nang isang upuan at inilagay nya sa tabi nya .

Bali dalawang estudyante bawat table .

Yung table namin is 2nd table from the last . May dalawang lalaki pa kasing naka-upo sa likuran namin .

Lumapit ako don sa ini-offer na seat sakin .

Nakangiti lang yung lalaki .

* hi , Makoy ^_^ *

he extended his hand .

* Jannirah *

sabi ko sabay shake hands at umupo .

Nakinig nalang ako do'n sa teacher namin .

After nyang magturo nag break na kami . Pero wala akong planong lumabas .

Tapos yung ibang mga kaklase kong babae ang sasama nang tingin sa akin , hindi ko naman alam kung bakit .

Kukunin ko na sana yung headphone ko nang may biglang nagsalita .

* ahh , Jannirah ? sila pala mga kaibigan ko *

Tinuro nong seatmate ko yung dalawang lalaki sa likuran namin .

Ngumiti naman yung isa at yung isa parang walang paki alam .

* Raphael pala , at ito naman si Vander , pasensya mailap yan sa babae at masungit *

nakangiting sabi ni Raphael .

Tumango nalang ako .

* by the way pupunta kaming cafeteria , gusto mo bang sumama ?

( Makoi )

* ahh , hindi na .. kayo na lang *

( ako )

* sige na Jannirah *

( Raphael )

* ehh , kasi- *

naputol yung sasabihin ko sana kasi biglang nagsalita si vander .

* kung ayaw 'wag na pilitin *

( Vander )

* ano ka ba , nahihiya lang 'tong si Jannirah *

( Makoi )

* Sige sama na lang ako *

( ako )

* sasama naman pala , pinatagal pa *

mahinang sabi ni Vander at naunang naglakad .

* 'wag mo nang intindihin 'yon Ja ha ? *

sabi ni Raphael , nagulat naman ako sa tawag nya sa'kin .

Pagdating namin sa cafeteria , ang daming nakatingin samin , may mga nagbubulungan din at may nagtitilian . Kung sabagay gwapo naman talaga 'tong mga kasama ko .

whos that lucky b**ch na kasama nang 3 stars ?!

bagong transfer ata 'yan eh .

classmate nila Vander 'yan .

pero bakit kasama nya sila ?

okay lang yan noh ! mukhang hindi naman babae 'yan .

ay oo ! she looks like a tomboy .

eh ? thats pretty nice if shes tomboy talaga , para she wont make landi to the 3 Stars .

yeah right . hhaha .

ilan 'yan sa mg bulungan na narinig ko .

* don't mind them okay ? *

nakangiting sabi sakin ni Mark .

Tumango nalang ako .

Umupo kami do'n sa table na pang apat , na parang espesyal .

May nakalagay pang 3 Stars .

* ano gusto mo ? ako nalang bibili para sayo *

pagtatanong ni Mark .

* Pasta nalang at ice tea *

maikli kong sagot kay Mark at nag abot nang pera .

Ako lang yong naiwan sa table dahil kumuha na silang tatlo nang makakain .

Marami pa ring nagbubulungan kaya nag headphone na muna ako .

Ilang minuto pa dumating na silang tatlo .Kumain na rin kami .

* ah , Jannirah tanong ko lang ha ? ikaw ba 'yong babaeng umiiyak sa tapat nang door nang music room kahapon ? *

muntik naman akong mabilaukan sa tanong ni Mark .

* oh , okay ka lang ba ? *

tanong ni Mark .

Tumango na lang ako .

* i-ikaw ba yung nakasalo sakin ? *

tanong ko kay mark .

* oo , bakit kaba umiiyak no'n ?

tanong nya ulit .

Medyo matagal bago ako nakasagot .

* ma---may naalala lang akong tao dahil don sa kanta *

nakayuko kong sabi kasi parang naiiyak na ako .

* p-pasensya na ha ? *

sabi ko sabay angat nang tingin , nugulat ako kasi lahat pala sila nakatingin sakin , pati si Vander kay yumuko ulit ako .

* ano kaba , okay lang 'yon noh , 'wag mo na intindihin yon *

sabi bi Mark kaya nag-angat na ako nang tingin , kaya lang nakatingin parin sakin si Vander , pero nag iwas na din agad sha nang tingin . Ngumiti naman si Mark at Raphael .

* tara na nga sa classroom *

pag-aaya ni Raphael . Tumayo na rin kami . Si Vander nauna na maglakad at nakapamulsa .

Kami naman tatlo eh , nag-uusap lang habang naglalakad .

( AN )

short update muna =)

tamad ako eh ^_^

<3 Seyrah ^_^

Ordinary Girl and The Bad Boy .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon