My Vocation Story

350 3 0
                                    

Una sa lahat, Gusto ko munang magpasalamat sa mga taong nagmamahal,sumusuporta,naging kaaway,naging bestfriend, at sa lahat . Maraming Salamat . At Sorry sa mga taong nasaktan, at nakaaway ko.

Ganito kasi yan. Sisimulan ko sa aking pagsasakristan. Noong sumali ako sa pagsasakristan syempre na enjoy ko . kasi noong una parang wala namang nangyare pero noong paglipas ng ilang taon, ay doon ko na realize ang paglilingkod . Kasi ang hangarin ko noon mag lingkod lamang sa kanya kahit sa sandaling oras . Pero hindi ko namamalayan ang iba ay natatambakan na ako sa iskedyul , kaya minsan kahit may exam ako sa halip na mag review pag may skedyul ako sa simbahan ay magseserve paren ako. Kasi yun ang tungkulin ko bilang isang tagapaglingkod . Ang pagsasakristan ko ang unang tawag sa aken ng Panginoon . Ang una kong bokasyon.

Ngayon, Ako ay 4th Year HS na ay dapat pagisipan ko na ang magiging pangarap ko. Kasi marami akong pangarap.

Pangarap kong maging doktor,Maging Piloto,Maging Pari, marami pa .

Ngayon , Kung magpapari talaga ako eh Bakit Hindi ? 

sa totoo nyan ang papari ay wala sa listahan ng mga pangarap ko. si God mismo ang naglagay nyan sa listahan ko .

Hindi naman sa walanag babaeng nagkakagusto sa akin kaya ako ay magpapari , kundi syempre aantayin ko ang tawag ng Dyos, tulad ni Kuya Jeff , IT dapat ang kurso nya pero noong tinayag sya ng Dyos ay Pumasok sya sa seminaryo . Kaya yun ay biglaan para sa akin . Pero hindi naman ako sa naiinggit , Kundi gusto kong maabot ang tunay na pinapangarap ko sa buhay at malaman ang katotohanan ng aking kwento ng buhay . Actually nga noong September 2013 nagkaroon ng Vocation Jamboree sa Mater doon palang nagsimula ang bokasyon ko .

Oo. Alam kong mahirap ang buhay seminarista. Dahil maraming gagawin, hindi lang puro dasal at aral .

Buong oras at Buhay Ko ang iaalay para lang sa Dyos , sa aking kapwa at sa lahat .

Noong March 14-16 ,2014

 ay nagkaroon ng search - in at interview sa Seminary , doon ay upang matignan kung handa na ako sa aking bokasyon. Doon mahirap at masaya, mahirap dahil maraming gawain, dahil doon HINDI MO HAWAK ORAS MO at masaya dahil marami akong naging kaibigan. Pero may lungkot din dahil napawalay ako sa aking magulang at sa mga kaibigan, Pero ayus lang basta kung masaya sila ay okay na ako. Ngunit sa kabila nun nabigo din ako nong mga araw na yun dahil hindi ko naipasa ang interview doon pero ayus lang dahil siguro hindi pa ako handa na tahakin ang bokasyon ko. Pero sinasabi ko sa inyo, na hindi sa lahat ng oras ay dapat mong tahakin agad ang misyon , dapat mo munang pagaralan at paghandaan ito.

Ngayon, Ilang buwan na lang at graduation na dapat makapagisip na ako para sa bokasyon ko :)

Maraming Salamat at God Bless

In Cristo Et Maria,

+Marco M. Abrahan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Vocation StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon