Umagang-umaga pa lang babad na sa panonood ng TV nating mga batang 90’s. Sino ba naman ang hindi maiinganyong manood kung umaga palang kaharap mo na ang napacute na mga nagsasalitang Oso na sina Amy, Lulu at Morgan, nagsasalitang Daga na si Doding Daga at higit sa lahat nagsasalitang mga Saging na nakapantulog pa, Sina B1 at B2. Siyempre alam kong alam nyo kung ano ang palabas na yan, Ang Banana’s in Pajamas. Siguradong na aalala nyo po ang kanta nila.
♫Sina B1 at B2 laging magkasama . Sa lahat ng oras, sila ay Masaya
Kaibigang Oso ang kalaro nila. Sila ay sama-sama kahit na may problema!♫At ang hindi malilimutang linya nina B1 at B2
B2: Naisip mo ba ang naisip ko B1?
B1: Sa palagay ko nga B2?
Both: Operation Baligtarin ang Damit.. (siyempre iba-iba ang sinasabi nila. Hehe)Kung merong B1 at B2 meron din namang Sesame Street, Blue’s Clues, Teletubbies, Bear in the Big Blue House at siyempre ang sikat na sikat pa rin hanggang ngayon na si Dora the Explorer.
Hindi pa diyan nagtatapos ang kasiyahan tuloy-tuloy na yan hanggang sa Remi Nobody’s Girl na nagtatanghal sa kalye kasama Si Ginoong Vitalis, mga asong sina Dolce, Zelbino at Capi. Isama pa ang napakatalinong unggoy na si Jolicoeur. Hindi kumpleto ang panonood ng Remi kung hindi kakanta ng Aking Ina.
♫Aking Ina, Mahal kong Ina.
Pagmamahal mo aking Ina.
Yakap mo sa akin, hinahanap ko.
Init ng pag-ibig, Kumot ng bunso.
Sa gitna nang pagkakahimbing,
Yakap mo ang gigising... ♫Siyempre hindi pa natatapos diyan ang makabagdamdamin at tagos sa pusong palabas. Katulad ng Sarah ang munting Prinsesa na kapag inaapi si Sarah ay kulang nalang sabunutan at patayin natin nang dahil sa galit ang napakamalditang si Lavinia at ang kanilang mapangmataas na guro na si Ms. Minchin. Kung may munting prinsesa meron din namang munting prinsipe at iyon ay si Cedie. Hindi rin naman magpapahuli si Mary at ang Lihim na Hardin kasama ang kanyang pinsang si Collin. Si Heidi na nakatira sa kanyang Lolo Alps kasama si Peter at mga nakakaaliw na mga kambing. Ang napakapilyong magkaibigang sina Tom Sawyer at Huckleberry Finn. Sinamahan din natin sa pagtupad ng mga pangarap niya si Romeo, atin ding sinamahan sa paglalakbay ang Kambal ng Tadhana na sina Julio at Julia.
Mga magkapareha sa palabas na kahit cartoons o anime lang ito ay kinikilig pa din tayo kapag magkasama sila. Kahit hindi pa natin alam ang ibig sabihin ng salitang “kilig” noon dahil sa ating kamus-musan. Una na sa listahan sina Judie at Jervis ng Daddy Long Legs na nagpakilig ng todo sa ating batang 90’s. Sina Usagi at Mamoru ng Sailormoon. Kahit na sina Red Ranger at Pink Ranger at hindi rin natin tinatanan sa ating Match Making. ( Infairness kilig na kilig ako sa kanila noon.) Sina Erika at Richard ng Daimos. Miaka at Tamahome or Miaka at Hotohori ng Fushi gi Yuugi depende nalang sa kung sino ang gusto mong makatuluyan ni Miaka. ^_^ Ang mga piloto naman ng Voltes V na sina Steven at Jamie. Kyaaa!! Nakakakilig talaga!
Meron din namang pangpamilya na mga palabas na mga anime at cartoons noon kagaya ng Little Women na nakasentro ang kwento sa apat namakakapatid na March, na sina Meg, Joe, Beth at Amy. Ang Von Trapp Family Singers na napakanta tayo ng Do Re Mi. Ang Swiss Family Robinson na pinakita sa atin na kahit ano mang unos ang dumating, basta’t sama-sama ang pamilya makakasurvive pa rin.
Siyempre hindi rin mawawala ang mga palabas na may mga hayop na kasama. Ang kwento nina Nilo at Patrasche ng Dog of Flanders na nagpaiyak sa atin ng timba-timba.Ang kwento ng Bubu Chacha na kung saan ang espirtiu ng aso ay napunta sa laruang sasakyan ng amo niyang si Buddy. Pero ibahin niyo ang pusang si Kuro na isang Cyborg.
Kung techonology naman talaga ang pag-uusapan, malamang tayong mga batang 90’s ay gustong maging kabarkada si Mojacko na nakakalakbay ng kahit saang dimensyon at iba’t-ibang planeta. Ginusto din nating maging bestfriend si Doraemon na may bulsang talo pa ang backpack ni Dora dahil sa napakaraming gamit na nasa loob.
Ang mga batang 90’s na katulad natin, pahiguradong hindi lang sina Batman, Superman, Spiderman, Avengers, at mga Marvel Superheroes ang kilalang mga tagapagtanggol ng sanlibutan. Nauna na diyan ang mga Super Saiyan ng Dragon Ball Z. Na nagsimula talaga mula sa batang si San Goku na natalo ang tinaguriang Prinsipe ng mga Saiyan na si Vegeta at ang alien na si Freeza. Sinubaybayan natin ang paglaki ni Goku hanggang sa siya ay ikinasal kay Che-che at nagkaroon ng anak na sina Gohan at Goten. Hindi pa diyan nagtatapos ang kwento ni Goku dahil tinuloy pa rin ito hanggang sa nagkaroon na rin ng sariling pamilya ang kanyang anak na si Gohan na pinakasalan ang anak ni Mr. Pogi na si Videl. Grabe talaga! Mula sa Simpleng Dragon Ball, naging Dragon Ball Z, Dragon Ball Z Kai, hanggang sa naging Dragon Ball GT. Wohoo!! Grabe talaga. Sa Dragon Ball din natin unang nakita ang mga lumlipad na mga sasakyan. Mula sa Dragon Ball naging uso na din ang mga anime na may mga tournament tournament, kagaya ng Ghost Fighter, Flame of Recca, at Hunter X Hunter.
Nauso rin naman ang mga Sports na mga anime kagaya ng Slam Dunk at Dear Boys na tungkol sa larong Basketball. At lalung-lalo na ang nag-iisang si Ippo Makunouchi na super star sa Boxing Ring.
Siyempre kung merong mga anime, cartoons at kiddie shows meron din namang Educational Shows. Isa na dito ang Sineskwela na kung tungkol lang sa agham at siyensya ay ito na ang panonoorin mo. Math-tinik na ginagawang enjoyable ang most hated subject. Hirayamanawari at Bayani na pinapabalik tayo sa nakaraan upang lubos nating maintindihan ang ating pinaggalingan. At Dahil sa English is the universal language Epol Apple is the best show para matutunan ang salitang English. Kung ang taga ibang bansa ay may fairy tales tayong mga pinoy may Wansapanatym at Mahiwagang Baul na nagtuturo ng kagandahang asal at moral lessons sa mga kabataan.
Ang mga naisulat ko sa itaas ay ilan lang sa nagpapasaya sa atin noon kahit hindi pa uso ang computer noon. Simpleng mga bagay lang na nakaukit na habang buhay sa ating memorya at siyempre pati na rin sa ating mga puso. ^_^
Go mga batang 90’s!!!
BINABASA MO ANG
Batang 90's ka kung.....
RandomPagbabaliktanaw sa mga napakagandang memorya ng ating kabataan. Ang mga isusulat ko dito ay base lang naman sa mga naexperience ko at ng mga kaibigan ko. Childhood Memories