"Di ko alam kung masuwerte ba ako at sa mura kong edad ay naranasan ko nang umibig. Dati pag-aaral lang at paglalaro ang pinagtutuunan ko ng pansin pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Andrew." ~ Ellie
Magkababata, magkalaro, at mag best frien...
Ayokong mahalata ni Andrew na naiinis ako sa kanya. Dahil wala naman akong karapatan na magalit o mainis sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ako masyadong affected sa nangyari. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Parang gusto kong umiyak.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Kanina ka pa tahimik" pamumuna ni Andrew.
"Tahimik naman talaga ako ah" nakangiting sagot ko sa kanya.
Ang hirap mag-pretend sa totoo lang. Di ko alam kung pwede na akong maging artista sa mga arte ko ngayon.
Napangiti si Andrew sa sinabi ko.
"Hindi yon ang ibig kong sabihin. Alam kong tahimik ka. Napapanisan ka na nga ng laway sa sobrang tahimik mo sa klase" natatawang sabi ni Andrew.
Kahit nag papatawa na siya hindi ko pa rin magawang tumawa. Dahil hindi masaya ang araw na ito para sa akin. Tumingin lang ako sa kanya.
"Ang seryoso mo, Ellie." Ibinangga na naman nya ang balikat niya sa balikat ko. Ngumiti ako nang bahagya.
"Naninibago ako sa iyo. May sakit ka ba?" tanong ulit ni Andrew.
"Oo meron..." ang sagot ko.
"ang sakit ng puso ko" ang gusto ko sanang idugtong sa sinabi ko.
"ang sakit ng ulo ko para akong sisiponin" ang palusot ko sa kanya.
"Ah, ganun ba. Uminom ka ng juice at gamot tsaka pahinga ka para hindi na matuloy yan" ang payo ni Andrew sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Gusto kong marinig sa kanya mismo kung totoo ba ang bali-balita sa room. Sinimulan ko na ang pag tatanong.
"Ano ba ang nangyari kahapon? Sabi nila kayo na daw ni Sarah. Hindi ko alam na kayo na pala. Wala kang nabanggit sa akin na nililigawan mo siya. Pero kung totoo yun e natutuwa naman ako para sa inyong dalawa" pinilit kong ngumiti habang sinasabi ko ang mga salitang iyon. Baka makatanggap na ako ng award nito. "And the winner is Ellie Sarmiento, Best Actress!"
"Ah yun ba..." yumuko si Andrew na parang nag-iisip nang isasagot sa akin. Hindi ko na hinintay na mag salita pa siya ulit.
"Dahil kayo na ni Sarah. Hindi nyo na siguro kailangan pa ng tulay. Kaya ayoko na rin mag-report pa sa iyo o sa kanya kung ano man ang sinasabi nyo sa isa't isa. Tsaka, isa pa baka kasi malaman din ng nanay ko itong pinaggagawa ko... mapagalitan pa nya ako" halos hindi na ako makapag-salita ng diretso parang may nakabara sa lalamunan ko at parang papatak na ang luha ko. Ayokong tumingin kay Andrew dahil baka mapansin niya ang nangingilid na luha sa aking mga mata.