Wala akong ibang masasabi kundi: Tanggapin mo nalang. Tanggapin mo nalang ang naging resulta ng lahat. Tanggapin mo nalang na kailangan mong magpatuloy. Kailangan mong magpatuloy dahil maniwala ka, wala rin namang magandang kahihinatnan ang pagkalugmok sa kalungkutan. Kailangan mong ipagpalutoy ang nasimulan mong laban. Laban na nakadepende sa iyo at hindi sa ibang tao. Laban na mas kailangan mong pagtuonan ng pansin.
Hindi magiging madali ang pag-ahon mula sa nararamdaman mong panghihinayang pero sana isaalang-ilang mo sa iyong isipan na maaaring malaki ang mawala sa iyo kung hindi ka magsisikap na kumawala sa panghihinayang mo.
Tanggapin mong may pahina na naman ng libro ang nagsara. At ngayon, kailangan mo nang umabante sa isa.

BINABASA MO ANG
SULAT PARA SA'YO
De TodoYes, para sa'yo. Mga sulat para malaman mo na kahit ano mang paghihirap ang iyong nararanasan, may nagmamahal at nakakaintindi sa'yo.