The Insecurities of a Campus Crush

18 0 0
                                    

The Insecurities of a Campus Crush

 

(Prologue)

Campus crush(es). Kinawiwilihan, ini-istalk, tinitilian, sinusundan, sali mo na rin ang sinisiraan dyan eh kahit baliktarin pa ang mundo, sikat at mala-artista pa rin ang estado. Kaliwa’t kanan ang natatanggap na paghanga dahil sa angkin na kagwapuhan at kagandahan, swag, sex appeal, charm, yaman, bla bla bla.

Pero naniniwala ka ba talaga dun?

Na sa bawat oras nakukukuha nila ang atensyon ng lahat (lalung-lalo na sa kapwa nilang campus crush)?

Na karapat-dapat silang kinaiingitan?

Na sobrang wiling-wili sila sa sarili nilang kagandahan?

Na masaya silang naging kilala't ginagawang idolo?

Na dahil 1000+ likes na ang pictures nila sa fb?

Na dahil 1000+ na ang twitter/insta followers nila?

Na wala na silang maihihiling pa dahil nasa “kanila na ang lahat?”

Eh porke’t maganda/gwapo nasa kanila na ang lahat agad?

Di ba pwedeng sa panlabas muna?

Eh at paano kung may nakakahiyang pangyayari?

Paano kung nadulas sila dahil di napansing nagmo-mop pala si manong Kiko?

Eh Ikaw? Gusto mo pa rin ba maging campus crush?

Di man pansin ng lahat, nasa loob pa rin ang kulo. Kahit gwapo’t maganda, may sari-sariling mga isyu pa rin iyan. Di nga lang obvious sa lahat, gaya rin sila ng kahit sinuman. Naiingit, naiinis sa sarili, gusto maging si ganito, si ganyan… at marami pang iba.

Ako si Rika Miyazawa. Isang transferee student mula sa Japan. Half Filipino at obviously, half Anim- este Hapon. Sabi ng mama ko, maganda raw ako. Eh dahil nga ina ko, naniwala naman ako agad-agad. “Kawaii desu ne~!” araw-araw niyang inireremind sa akin, sabay hila sa mapupula kong pisngi.

Pagdating ng high school, pinagpasyahan ni mama at papa na sa Pilipinas na ako magpatuloy ng pag-aaral. Eh dahil medyo 'boyish' ang personalidad ko, napaghiligan ko ang sports kaya sumali ako sa Volleyball Varsity club at bago ko pa na-realize, naging insta-Campus Hottie agad ako sa sikat na paaralan ng Knight University. With all honesty naman, di ko talaga ineexpect na darating sa puntong ganoon. Nagmula sa arawng yun, lunod na lunod na ako sa atensyon ng mga estudyante. Kasabay ng mga left and right, up and down na paghanga, eh kahalo naman din dito ang mga kahit anu-ano na lang na mga malisyosyo at gawa-gawang istorya to the moon and back.

Kitams? Isang dulot na rin ng rejection ay ang face value... yung tipo bang maraming na-iinsecure kaya bwelta here, bwelta there. Kahit sino namang maganda’t gwapo sa mundo na sikat, ay agad talagang nakikitaan ng mga masasamang elemento na di alam kung san ba nanggaling. 

Oo na, agree na ako sa "na sa'yo na ang lahat."

Some good and many bad vibes in one. Gudluck to me! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Insecurities of a Campus CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon