I Saw The Sign (oneshot)

65 2 4
                                    

I Saw The Sign

A one-shot by whatsseob

(Almost everything is based on real life | Continuation of 'Waffle')

“In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit.”

“Amen.”

I looked at the priest in front of me as he started the whole mass. I constantly looked at the door, trying to search for my friend na kanina ko pa hinihintay. Sabi ko kasi sa kanya, sasamahan niya akong magmisa ngayon. Pero bakit wala pa siya?

Pinaupo na kami nung pari. At wala pa rin yung kasama ko. Malapit ng mag-Gospel part wala pa rin siya…

Suddenly, I saw someone from the corner of my eyes. She was familiar. But she’s not my friend. Instead, I saw the last person I wanted to see. Yung girlfriend ng taong mahal ko.

And you know what, dun pa siya umupo sa harap kong row. Malayo nga lang siya kasi nandun ako sa other end. I glanced at her and she looked like she was waiting for someone else.

Expected ko na kung sino yung hinihintay niya. Yung taong mahal ko. Yung taong mahal niya. Yung taong mahal naming dalawa. And he finally came. He sat beside her. Syempre, alangan namang sa tabi ko diba?

Lord, bakit ganito? Hindi na po ako makahinga. Bakit niya po ginagawa sakin ‘to? Bakit niyo po ako ginaganito?’ Pagtatanong ko kay Lord sa isip ko.

Seriously, nahihirapan na akong makahinga. Then yung lalamunan ko sumisikip. May mga luha na ring nagfoform sa mga mata ko. Pero hindi ako pwedeng umiyak dito. Mukha akong tanga, diba? Ayoko namang magmukhang tanga sa harap niya. Nakakahiya.

I looked at him and secretly smiled to myself. Grabe. I can’t imagine na makikita ko pa uli siya ngayon.

It’s been a long time since last ko siyang nakita. Eh pano ko naman kasi siya makikita kung iba na yung school niya. Last year madalas ko siyang makita kasi senior siya sa school namin. Eh ngayon, college na siya. Di ko na siya madalas makita.

I remember one time nung may fair sa school namin and we were selling waffles. He’s my waffle. He’s my Kuya Rawr… Wala yun lang yung tawag namin sa kanya eh. Hahahha. Basta, kapag naaalala ko yun, napapangiti ako. It makes me smile.

One more time, bigla ko siyang nakita sa school namin. Bumisita kasi siya. Suddenly, I just felt tears flowing down my face nung narealize ko na siya nga talaga yung nakita ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiyak na lang ako nung nakita ko siya. Namiss ko na kasi siya eh. Kahit malapit lang yung bahay niya samin, namimiss ko pa rin siya. Kasi bihira ko na lang siyang makita.

Well, he’s a tall guy with a fair complexion. And he has this very charming eyes that when you started to look at them, you’ll never going to escape from them. Grabe. Hindi nakakasawang tignan yung mata niya. Medyo may pagka-chinito eh. Lalong lalo naman yung ngiti niya. That’s why I fell for him. Just by looking at him, I fell for him. Gravity brought me closer to him…

Everyone stood up. I looked at them and they were just chatting with one another. Ang cute nilang tignan. Pero mas cute kami kapag kami yung ganyan. :P

Nakaka-inggit talaga yung babaeng yun. Buti pa siya, kasama niya yung taong mahal niya… Kasama niya yung taong mahal ko.

I was really surprised nung bigla silang nagmove sa may harap ko. Katapat ko na silang dalawa. Meron kasing tumabi kay Kuya Rawr and so napausog sila. Bakit ganon?

Lord. Bakit naman ganon oh? Nahihirapan na ako dito, papahirapan niyo lalo ako. Tama na Lord. Naiiyak na ako. Di ko na kaya.’

Ang hirap naman kasi ng ganito diba. Yung makikita mo yung taong mahal mo, may kasamang iba. Kasama niya yung taong mahal niya. Eh sino kasi ako diba? Isang hamak na tanga na nagmamahal sa taong alam ko naman, from the start, na may mahal na iba. Hindi ko alam kung bakit pero lagi na lang ganito yung nangyayari sakin. Lagi na lang akong nagmamahal at nagpapakatanga sa isang lalaki na alam kong may mahal ng iba. Hindi ko alam. Pero sa kanila ako nafa-fall.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Saw The Sign (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon