Lakad takbo ang ginawa ko ng makababa ako sa bus na sinakyan ko, siguradong umuusok nanaman ang ilong nang naghihintay sakin doon. Hindi ko naman kasi sukat akalain na pagagawin samin yung makapal na librong iyon, mabuti nalang talaga at na review ko na iyon kung hindi wala akong maisasagot at matatagalan pa lalo ako sa skwelahan.
Nangmakarating ako sa tagpuan namin ay ngiting malawak ang sinalubong ko ngunit napawi iyon ng makita kong wala pa siya. Kumunot ang noo ko, nasan na siya? Sabi niya ay nandito na siya kanina pa. Kanina pa iyon tawag ng tawag sakin. Now, where is he.
"Sly." Napatinuod ako ng marinig ko ang boses niya magmula sa likod ko, lumakas ang kabog ng dibdib ko. I missed his voice, the way he called my name. I miss him. Ilang linggo ko ring hindi narinig iyon, at ayun ang dapat kong alamin.
Lumingon ako sakanya saka ay patakbo ko siyang nilapitan. Ng makalapit na ako ay dinamba ko agad siya ng yakap, hinigpitan ko ang yakap ko. Sa ilang linggong pangungulila ko sakanya ay hindi pa ito sapat, gusto ko ay makasama siya magdamag at yakapin lang siya. Hindi kasi ako sanay ng hindi siya nakikita, lagi kaming nagkikita noon. Na parang ayaw na namin humiwalay sa isa't isa. He's so sweet, he always want to hold my hand. Whispering cheesy lines. Napapikit ako ng maigi, eto nanaman ako.
"I missed you, Aevan." Sabi ko, humiwalay ako sa yakap dahil wala manlang akong natanggap na yakap pabalik, I looked at him. Naka ngiti pa rin ako. Nakatingin lang rin siya sakin gamit ang seryosong mukha niya. Though he's always like that, I'm used to it. Kaya ay hindi na ako nagtataka kung bakit ganyan ang itsura niya ang ipinagtataka ko lang ngayon ay ang kinikilos niya.
Hindi niya ako kinibo, kaya naman ay sinundot ko siya sa tagiliran. Napaigtad siya at huminga ng malalim.
"Van, I said I missed you!" Hinabaan ko pa ang 'you' saka malapad na ngumiti at sinundot sundot ulit ang tagiliran niya. Pero ganon nalang ang gulat ko ng bigla niyang tapikin ang kamay ko palayo, napakagat ako sa ibabang labi ko. Saka ay tinignan ulit siya sa mata. No expression, kahit na alam kong may mali ay ngumiti ulit ako. I smile and act like he didn't do anything.
"Kanina kapa ba dito? Sorry natag-"
"Stop." Saglit akong natigilan sa sinabi niya ngunit hindi ako nag patinag.
"Natagalan kasi may pinagawa pa yung prof namin, did you eat-"
"I said stop, stop Sly." Napatikom na ang bibig ko ng sinabi niya iyon, napatungo ako saka huminga ng malalim dahil parang tinusok ang puso ko. Masyado akong mahina pag dating sakanya, for almost 6years ay dumipende na rin ako sakanya. He's my strength, my hero. Siya lagi ang nandyan kapag kailangan ko ng dadamay sakin kaya naman ay ganito nalang ako nasasaktan sa mga kinikilos niya ngayon, I didn't expected this.
"A-ano bang problema Van? May nagawa ba ako?" Tanong ko ang dami kong gustong itanong. Naguguluhan ako, ayoko ng ganito siya. Sanay ako sa Van na kahit na ang lamig ng aura ay sakin naman ay sweet, kahit ang seryoso niyang aura sakin ay nagagawa niyang mag joke. Pero ngayon iba.
"Sly.."
"Lennox!" Napabaling ang tingin ko sa babaeng naglalakad papunta sa gawi namin, napatikom ang bibig ko. Nagumpisa ng manginig ang mga tuhod ko. This can't be, tell me. Namamalikmata lang ako. Hindi ko siya nakikita.. Pero ganon nalang ang pagwasak ng puso ko ng makita ng dalawa kong mata ang paghalik niya sa labi kay Van. Bumigay ang tuhod ko kaya naman ay napahawak ako sa puno. Mas lalo pang nawasak ang puso ko ng makita kong hinawakan ni Van ang kamay ni Shana. Nagumpisa ng uminit ang sulok ng mga mata ko, gulat sakit. Hindi ko alam, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nabingi ako tanging ang lakas ng tibok lang ata ng puso ko ang naririnig ko.
"Oh, who is she Lennox?" Sabi nito, binaling ko ang tingin ko kay Van. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko at titigan ang mga mata niya, nakatingin rin siya sakin. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya, pero ganyan naman talaga siya. Kaya niyang itago ang nararamdaman niya sa pamamagitan ng expression niya. Van, sabihin mo.. Namayani ang katahimikan saming tatlo, parehas kaming naghihintay ng sagot niya. Pigil hininga rin ang ginagawa ko.
"She's Knox's girl." Parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi niya, napayuko ako at kusang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Halos manginig ang buong katawan ko. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw ng sumigaw. Bakit ganon? Wala naman akong ginawa sakanya, I did everything. Nagawa ko naman lahat sakanya.
"Oh.." Rinig kong sabi ni Shana, halos bumaon ang kuko ko sa palad. Ni hindi ako makatingin sakanilang dalawa. Dahil alam kong mas masasaktan ako.. Hindi ako umimik nakayuko lang ako at hinahayaang tumulo ang mga luha ko. Nakarinig ako ng tunog ng cellphone.
"Wait, I'll just take this call Lennox." Lennox, how sweet. Ng makasiguro akong wala na si Shana ay inangat ko na ang ulo ko. Saktong nagtama ang mata naming dalawa, ni wala akong nakitang gulat sa mata niya ng makita niya akong hilam hilam sa luha. Ilang minuto lang kaming nagkatitigan. Hinihintay ko siyang may sabihin pero nabigo ako, nakatingin lang siya sakin na parang boring na boring siya habang ako ay miserable sa mga nangyare.
"B-bakit?" Lakas loob kong tanong, walang kurap. Pero umaagos parin ang mga luha ko. Hindi ko mapigil, I just can't.. Ng hindi pa rin siya sumagot ay lumapit na ako sakanya saka siya pinaghahampas sa dibdib, hindi ko na alintana kung narinig o nakikita ba ni Shana ang ginagawa ko. Sobrang nasasaktan lang ako. I can't take it anymore. Nahihirapan akong tumahimik lang, I need to know what's happening.
"Van, bakit?! Why are you doing this? Tell me, may nagawa ba ako? May kulang ba ako? Bakit yun yung sinagot mo? Hindi ko alam kung anong nangyayare. Sabihin mo naman oh, Van. Ang sakit sakit na.." Pasigaw kong sabi habang pinaghahampas pa rin ang dibdib niya, hindi niya sinasalag. Ng mapagod ako ay napaupo nalang ako sa damuhan.
"You want to know why? Sly. You didn't notice? Our relationship is just a game. And I just used you to make her jealous so we could be back together, and now. She's back. That's why I'm done with you. We're done. DONE." Bawat salita niya ay parang kutsilyong tumatarak sa puso ko, nabingi ako at nag paulit ulit na nag p-play sa utak ko ang mga sinasabi niya. Game.. So this is just a game. Laro lang, walang feelings sakanya. Umabot kami ng ilang taon na akala ko mahal niya ako, pero yun pala hindi. Ginamit niya ako. Ginamit niya lang pala ako, binigay ko lahat. Walang natira sakin tapos yun pala laro lang. Acting niya lang. Pinilit kong magsalita kahit hirap na hirap na ako.
"L-laro?" Kiming tumawa ako at saka tinignan ulit ang mga mata niya. "Ganon p-pala yun, ang galing m-mo. Hindi ko naramdaman iyon hindi ko napansin. Ang tanga ko. Umabot tayo ng anim na taon na laro lang pala, hindi mo sinabi saking laro lang edi sana nakipaglaro rin ako. EDI SANA HINDI AKO MISERABLE NGAYON! VAN! I GAVE EVERYTHING TO YOU. BINIGAY KO SAYO LAHAT PERO ETO LANG YUNG ISUSUKLI MO?! YOU'RE SO UNFAIR. ALL THIS TIME NILOLOKO MO LANG PALA AKO. S-SANA sana hindi ko sinuway yung mga magulang ko, sana hindi nila ako tinakwil. Sana, nakinig nalang ako kung ganito lang rin naman pala yung mangyayari. Now, what I will gonna do.. Sirang sira na ako. Wala ng natira sakin, kinuha mo na lahat. Wala na.." Unti unting humina ang boses ko. Tanging hikbi ko nalang ang naririnig at mga huni ng ibon, dinama ko ang sakit. Kung pwede nga lang ay humiga dito at magpahinga nalang ay ginawa ko na, Im a mess right now, I'm so drained. Gusto ko nalang mag pahinga.
"Don't worry, you can still use my condo-" Pinatigil ko siya sa pamamagitan ng pagpapakita ko ng palad. Kahit hirap ay pinilit kong tumayo, hinarap ko siya. Saka ay ngumiti ako. Tutal naman wala siyang sinabi, miski sorry. Just a plain "use my condo." Talo na ako una palang. Mas ngumiti pa ako sakanya.
"No need, I can handle myself. Paguwi ko kukuhanin ko na lahat ng gamit ko sa condo mo. Mag hahanap nalang ako ng matutuluyan ko." Huminga ako ng malamin dahil nagsisimula nanamang manginig ang katawan ko. "Thank you for the memories, I'll treasure that. Thank you for all. Salamat, sana.. Sana maging maayos na kayo ni Shana. Don't hurt her, at wag kana rin gumamit ng iba kapag naghiwalay ulit kayo. Wag muna ipadanas sa ibang babae ang nararamdaman ko ngayon. Be a man." Hindi ko inalis ang ngiti ko sa labi kahit na nagsisiagos ang mga luha ko. Ngiti, ngiti lang kahit na sobrang durog na durog na ako. Dahan dahan akong humakbang paatras.
"Goodbye." Tanging nasabi ko nalang at tumakbo na ako paalis, paalis sa buhay niya. Takbo lang ako ng takbo, hindi ko na alam kung saan ako pupunta basta tumatakbo lang ako habang umiiyak. I'm really mad, galit na galit ako. Hindi lang sakanya kung hindi pati sa sarili ko. I'm so stupid, nagsisisi ako. Nagsisi akong siya yung pinili ko kesa sa mga magulang ko. Galit ako sa sarili ko dahil mas pinaniwalaan ko siya kesa sakanila. Ang tanga tanga ko.
Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang tumulo ang mga luha, now that I'm all alone now I have no one. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, I just don't know what I will do right now. Pero ang tanging nasa isip ko lang ay ang panloloko niya sakin at kung paano ako, paano siya. Paano kami..
YOU ARE READING
Believing Your Lies
Romance"I'm so stupid for believing your lies." This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual p...