Last Day

10 3 15
                                    

 Dear diary,  

  Hindi ako nakita nila mama at papa kaninang umaga dahil nauna silang umalis. Naglagay nalang sila ng papel sa may ref na isarado ko nalang daw ang gate kapag aalis na ako. 

Pinagpatuloy ko ang pagwo-workshop ko kahit takot na takot ako. Nagtext saakin kanina si kuya Alvin na hindi na daw niya muna ako masusundo dahil daw yung asawa niya ay nasa ospital at kailangan daw siya nito. Naiintindihan ko naman iyon. 

Lumabas ako nung brake. Hindi na ako natakot at balewala nalang saakin iyon. Bumili ako ng pagkain ko sa kalapit na tambayan nung mga tambay. 

Kinausap nanaman nila ako pero ngayon ay hindi na sila nakakakalot. Maaliwalas lang ang mukha nila at hindi din sila nagiinom ngayon. Nakaupo lang sila doon at magkekwentuhan bago nila ako kausapin. 

Tinanong nila kung anong oras daw ba yung workshop. Sinagot ko naman ng matamlay. Pagkatapos nun ay bumalik na ulit sila sa pwesto nila. 

Hindi ko alam kung bakit ko sinunod ang mga rapist na iyon na bumalik ako. Alam ko na natakot ako sa sinabi nila kaya siguro bumalik ako. 

Nakita ko ulit sila. Ginawa nanaman nila ang ginawa nila saakin kahapon pero sandali nalang iyon dahil nung nagsisisigaw ako dahil sa sakit ng hawak sa braso ko at sa mga suntok na ginawa saakin, may nakarinig sa sigaw ko at nagpapasalamat naman ako dahil kahit papaano may nakarinig saakin. 

Pero hindi ko inakala na ang sasagip pa pala saakin ay ang mga tambay. Lima silang tambay at kumpleto sila ngayon. Sinuntok nila ang tatlong lalaki tapos yung isang tambay lumapit saakin at nilagyan ako ng tapis. 

Iyak lang ako ng iyak at pasalamat ng pasalamat. Pinatahan ako ng laging kumakausap saakin. Nakita ko din siya na paiyak na. Hindi ko alam kung bakit siya ganun. 

Tinanong nila kung asan mga magulang ko. Sinabi ko na nasa office sila pero dahil may cellphone naman ako, tinawagan nila iyon at pinapunta sa lugar. Agad naman dumating sila mama. 

Agad naman nila akong niyakap pagkababa nila ng sasakyan. Sorry ako ng sorry sa kanila. Ang tanging naririnig ko lang kay mama ay "Tahan na andito na si mama", "Tahan na anak ligtas ka na" umiiyak na rin siya habang sinasabi niya iyon. 

Si Papa naman kinausap niya ang mga lumigtas saakin. Sabi nung lalaking laging kumakausap saakin, narinig daw nilang naguusap yung tatlong lalaking iyon tungkol sa isang babaeng nirape nila. Naalarma agad siya nun. Nakita niya raw kasi akong naglalakad one time pauwi kaya inisip niya na baka ako iyon. Kaya niya pala ako tinanong kung anong oras ang workshop para mabantayan ako. At tama nga. Kaya kahit liblib itong lugar natunton nila dahil alam na nila ang mangyayare. 

Nagpasalamat naman sina mama at papa sa mga tambay. Syempre ako din todo pasalamat ako sa kanila at syempre pati sa Panginoon. 

Tinanong ko kung bakit nila ako dati tinanong ng kung ano ano. Sabi nila laro lang daw nila yun at lasing daw sila nung panahong iyon. Lahat ng babaeng dumadaan ay tinatakot nila at kapag nagtagumpay na matakot ang babae, may premyo. Nang hingi naman sila ng tawad saakin. Tinanong ko naman yung lalaking laging kumakausap saakin bakit mangiyak ngiyak na siya kanina. Sabi niya kasi yung kapatid niya daw na kasing edad ko ay narape din at pinatay kaya natakot siya na baka mangyare ulit iyon saakin. 

Sa ngayon ay nasa kulungan na ang mga nang rape saakin. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at hindi niya ako pinabayaan kahit ganun na ang nangyare. 

Humingi din ako ng tawad sa mga tambay dahil hinusgahan ko agad sila. Hindi ko aakalain na ang akala kong tao na masama ay siya pa ang magliligtas ng aking buhay. 

Love, 

Klea         

~~

Yaaaay! Natapos ko din to myghad. Nahanp ko na kasi yung phone ko na pinaglagyan ko nito => Grade 7 ko ginawa to tapos grade 10 na ako ngayon HAHAHA lol. 

Dinidadicate ko nga po pala itong story na to kay Shane Angela Aco dahil siya ang unang nakabasa nito noong ginagawa ko pa lamang ito at hanggang ngayon ay nakasuporta padin siya sakin yay!! Basahin niyo din mga story niya guys Jinyus yung username niya ♥ 

Hi nga pala kay Stephanie Lacey! Iloveyou! Hihi ♥

Ang diary ni KleaWhere stories live. Discover now