"Binalaan ako ni Daddy na kapag hindi ako aalis ay hinding hindi ka niya matatanggap para saakin kaya sinunod ko ang gusto niya. Nung bumalik ako ay wala na akong naging balita kung nasaan ka."
"Bakit hindi mo ako hinanap?"
"Hinanap kita at nalaman ko na sa Ateneo ka nag aar--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya agad ito.
"Alam mo naman pala kung nasaan ako pero bakit hindi mo ako pinuntahan? Nag hintay ako. Putangina naman Eunice oh. Apat na taon kitang hinintay!" Sigaw niya. Nakita kong nag bago ang kanyang ekspresyon. Galit siya. Galit siya saakin. Galit na galit.
"Apat na taon?" Pagtataka ko.
"Paanong apat na taon mo akong hinintay. Diba may girlfriend ka" pagtutuloy ko.
"Anong girlfriend ang pinagsasabi mo? Wala akong ibang minahal bukod sayo."
Napahagulgol ako dahil sa sinabi niya. Nagsinungaling si Kayla saakin.
"Si Kayla ang nagsabi saakin kung nasaan ka at sinabi niya rin na wag ko ng guluhin ang buhay mo dahil masaya ka na sa bago mo. Sinunod ko yun para makalimutan mo na ako ng tuluyan at maging masaya na nga kayo ng bago mo." Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko
"Si...Kayla ang nagsabi sayo?. Fuck her! Sino siya para sabihin yun sayo? Wala akong naging iba. Ikaw lang... Ikaw parin hanggang ngayon."
Yumuko nalang ako at hindi na muling nag salita.
"Teka. Paano mo siya nakilala? Sabi niya hindi ka niya kilala" sabi ni Ras.
Nagtaka ako sa sinabi niya. Dahil matagal na kameng mag kakilala ni Kayla. Simula grade 1 ay mag kaibigan na kame. Isa siya sa mga matatalik kong kaibigan.
"She's my bestfriend. Pero hindi na siguro"
Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sakanya at bakit niya saakin nagawa yun. Ayaw niya na ba saakin? Ayaw niya na ba akong maging kaibigan? Siguro nga.
"Hayaan mo na siya. Ang mahalaga ay nagkita parin tayo kahit na sinubukan niya tayong pigilan"
"Pero... Paano niya nagawa saakin ito? Sobrang malapit kame sa isa't isa pero bakit? Ano ang dahilan niya?.. Hindi ko siya maintindihan. Lahat ng sikreto ko ay alam niya at lahat ng sikreto niya ay alam k-" napatigil ako dahil may biglang pumasok sa isip ko.
"Hindi nga siguro" bulong ko sa sarili ko.
"Anong ibig mong sabihin Eunice?"
Hindi ko nga siguro alam ng sikreto niya dahil minsan lang siya mag kwento. O lahat ng kwento niya saakin dati ay kasinungalingan lang.
"Eunice.."
Inisa isa ko ang lahat ng naalala kong dahilan niya at ngayon ko lang narealize.
Hindi niya ako tinuring na totoong kaibigan. Lahat ng yun ay palabas niya lang. Ang tanga ko kung bakit hindi ko naisip yun. Nabulag ako sa kabaitan niya at sa mga ginagawa niya para saakin. Akala ko tapat siya sa akin pero hindi pala.
"Eunice, ano bang iniisip mo at tulala ka jan?" Nagbalik ako sa huwisyo ko dahil nagsalita si Ras
"H-ha?..Ah..Wala" sabay iling ko.
"Tara na" anyaya ni Ras
Tumango lang ako at lumakad na. Hinawakan ni Ras ang kamay ko at pinag saklop niya ang aming mga daliri. Hindi ko matago ang saya at kilig na nararamdaman ko. Ang lalakeng minahal ko noon at minamahal ko parin ngayon ay nasa tabi ko na.
Pero sa kasiyahan kong ito ay may naging kapalit. Yun ay nawalan ako ng kaibigan at pinili niya akong iwan.
Bumalik kame sa gym dahil hindi pa tapos ang laro nila. Umupo ako sa tabi ni Denise. Nakita kong pumasok na si Ras nilapitan siya ng kanilang coach. Tingin ko ay pinagalitan siya dahil umalis siya bigla kanina. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Parang hindi lang siya napagalitan.
"Ay ay ano yon ha? At saan kayo galing?" Tanong ni Denise saakin nung nakita niyang nginitian ako ni Ras.
"...Okay na kame" nahihiya kong sabi pero hindi ko maitago ang saya ko
"O-okay na kayo? As in kayo na ulit? Omg Euniiiice" Tili ni Denise at hindi mapakali dahil kinikilig
Bahagya kameng tiningnan ng mga nasa tabi namin. Parang nabubwisit sila sa naging tili ni Denise.
"Paano?" Tanong niya
"Nag usap lang kame" tipid kong sagot
Nakita kong nakashoot si Ras at tumingin saakin. Ngumiti nalang ako.
"Anong pinagusapan niyo?" Tanong niya ulit
"Si Kayla.."
"Ha? Anong kinalaman ni Kayla sa relasyon niyo?"
"Naalala mo nung sinabi niya na nasa Ateneo si Ras at wag ko na raw pakealaman si Ras dahil masaya na siya?"
"Oo naman. Hindi ko yun makakalimutan no!."
"Wala palang naging iba si Ras. Niloko niya lang tayo."
"What?..Bakit niya nagawa yun sayo?" Tanong ni Denise
"Hindi ko alam"
Nanood nalang kame ulit ng laro nila Ras. Hindi parin mawala sa isip ko kung bakit ni Kayla nagawa saakin yun.
Bumuntong hininga ako "Bahala na nga siya." Sabi ko naman sa sarili ko.
Natapos na ang laro nila Ras at lumabas na kame ni Denise. Hinihintay namin si Ras at magpapaalam na aalis na.
Nagsilabasan na ang mga players at nang makita ko si Ras ay kumaway ako, agad naman niya akong nakita at lumapit.
"Uwi na kame ni Denise" sabi ko ng nakalapit na siya
"Agad agad? Bonding muna tayo tagal nating di nag kita e" sabi niya at napatingin kay Denise
Tiningnan ko naman si Denise na nakatingin sa ibang mga players mukhang pinapantasyahan niya ang mga ito. Ang iba ay nagtanggal ng mga damit dahil basang basa ito. Ang iba naman ay uuwi na ata.
"Denise" tawag ko sakanya pero parang wala siyang naririnig
Binatukan ko siya at natauhan naman ito.
"Ha? Ano?" gulat niyang tanong
Napa tawa nalang kame ni Ras dahil sa mukha niya. Para siyang nakakita ng multo na gwapo.
"Hindi mo narinig si Ras?" Tanong ko. Mukha ngang di niya narinig kaya inulit ito ni Ras
"Bonding muna tayo" ulit ni Ras na nakangiti habang pinag mamasdan ang aking kaibigan
"Ha? Ahh sige...sige" sabi ni Denise na para bang wala siya sa kanyang sarili dahil sa mga nakikitang katawan sa harapan niya
Hinila na namin si Denise at nagpunta muna sa cr dahil magpapalit raw muna si Ras ng damit.
Habang nag hihintay ay hindi matigil tigil si Denise sa kakakwento ng mga nakikita niyang gwapo kanina.
"Nakita mo ba yung kanina? Ang DAMING gwapo" inemphasize niya talaga ang salitang "daming". Tingin ko e may crush nanaman 'to sa isa sa kanila.
Tiningnan ko ang pinto ng cr ng boys nag babaka sakaling lumabas na si Ras pero wala pa. Ang tagal niya namang mag bihis. Bigla akong hinila ni Denise para pakinggan nanaman ang kwento niya. Tatango tango nalang ako sa mga sinasabi niya saakin.
"Crush ko na yung 12 dun. Sino nga ba yun?" Sinasabi ko na nga ba kada may basketball game dito sa school namin e lagi siyang may nagugustuhan
"Aba malay ko" sagot ko sabay tingin ulit sa pinto ng cr.
Biglang lumabas si Ras na nakabusangot ang mukha at hawak hawak ang kanyang cellphone. May binabasa siya mula dun.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ko sakanya
"Ha? Wala.. wala" nagulat siya sa tanong ko at nang napagtanto niyang nakatingin ako sakanya ay ngumiti siya
"Tara na?" Tanong ni Ras
Tumango ako bilang sagot at hinila na si Denise.
BINABASA MO ANG
PAIN
Teen FictionHow will you live when your life is full of pain? How will you survive this chapter of your life? Will you still be okay? Or you'll end your life so that you can no longer feel the pain.