Chapter 24

1.5K 34 1
                                    

Bakit Bestfriend Ko Pa?

< Dave's POV >

1 week na ang nakalipas, nakalabas na ko ng hospital. Matapos kong magpagaling, Medyo kumikirot pa ang mga sugat ko pero atleast nakalabas na ko..

Deep inside.. Nasasaktan parin ako ng hindi ko na kasama si Jessica... Ang akala ko eh siya yung unang makikita ko kapag gising na ko p-pero.. Wala. Si Isabel at Evan ang nakita ko.. Hindi na kasi ako sanay kapag wala siya k-kasi siya lang palagi ang nagpapaintindi sakin tas kapag nandiyan siya mas lalo akong sumasaya.

Kasama ko ngayon si Isabel. Kakadating niya lang sa bahay ko at may dala siyang pagkain.. Hindi ko nga alam kung bakit alalang alala siya sakin tas palagi siyang bumibisita sakin.. Parang- may nag-iba sa kaniya eh.. Parang nafefeel ko na gusto niya kong makita palagi.

"Sabel, hindi kana dapat nag-abala pa. Nandiyan naman sina manang para paglutuan ako. Uh- magaling na ko. Kaya ko narin yung sarili ko." Sabi ko sa kaniya. Tumango siya at ngumiti.

"Uh ganun ba?.. M-masyado ba kong makulit para bisitahin ka? Dave, kung ganun eh- aalis na lang ako. Gusto ko lang sana malaman kung nakakain kana ba ng maayos." Huh? Kung tutuusin kayang-kaya ko ang sarili ko. At bakit masyado siyang concern para sakin? H-hindi naman niya dapat isipin yun kasi magaling na ko.. Okay na ko.. Bakit parang gusto niyang palabasin na.. na parang kami?..

"Isabel a-ayoko namang palayasin ka agad-agad.. Nagtataka lang naman ako kung bakit sobrang concern mo sakin kahit na magaling na ko." Napa buntong hininga siya at... "Ah k-kasi.. Dave, napapaisip ako minsan kung-.... Uh- kung may gusto ka parin ba sakin?.." Nagulat ako sa sinabi niya at ni hindi ako makasagot sa tanong niya. Habang siya nama'y tinignan ako na parang nahihiya.

"Uh- sorry.. H-hindi ko na dapat tinanong yun. ( napatawa siya ng mahina pero alam kong sarcastic lng yun) ... A-alam ko na ang isasagot mo. Ts napaka tanga ko talaga minsan.. So-sorry.. Alam- ko namang si Jessica na ang gusto mo k-kaya.. kaya susuportahan na lang kita bilang kaibigan mo.. ( may tumulong luha sa pisnge niya at agad niya namang pinunasan yun) ... Ayt- wag mong isipin na umiiyak ako kasi- napuwing lang ako noh.. G-gusto ko sanang malaman mo na... I'm always here for you anytime." Naaawa ako sa kaniya.. Hindi ako makapagsalita kasi baka masaktan ko lang siya sa maaaring masagot ko.. Nakikita kong namumula na yung pisnge niya.. at naglalakad na siya palabas ng pinto saka ko tinawag ang pangalan niya.

Bakit Bestfriend Ko Pa? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon