Chapter 2
Birthmark
"Uh hello? Pwede bang maki upo? Wala kasi akong kakilala dito eh. Maliban sayo."
"Okay lang ano ka ba! Ako nga pala si Nikchima Gronoa, best friend ni CJ." Ako tinanong, siya sumagot? Grabe talaga nito. At bakit CJ? Halos ma ibuga ko na ang iniinom kong juice. Mabuti na lang at napigilan ko.
Ang pangit pakinggan. Parang lalaki. Complete name talaga?
"Huh? Sinong CJ?" Takang tanong ni Rowen at umupo sa tabi ko....? Nikki give me a teasing look. Loko loko talaga ito.
"Si Ciana yun." Sagot ni Nikki na naka ngisi.
"Paanong naging CJ?" Wow ha, ako talaga topic.
"Ciana Jade. Ciana nalang sabi ko naman, ayaw ko ng iba pang nickname." Ako na ang sumagot.
"Okay." At sinimulan na niyang kumain. Okay nanaman?! Bat ang hilig nito mag sabi ng okay!? "So, Nikchima, what do you want to call you?"
"Chi, si CJ lang tumatawag sa akin ng Nikki." Napairap ako sa sinabi Niya.
"Okay," there he go again.
"Bakit wala ka pang kaibigan?" Pag oopen ko ng topic.
"Oo nga, sa gwapo mong yan. Madami ka nang friends. At mas maraming girls," Nikki butted in. Yun talaga?
"Uh, hindi kasi ako marunong makipag kaibigan. At tsaka ayaw ko makihabilo sa mga tao. Okay lang sa akin ng dalwang kaibigan." he explained.
"You mean, us?" Tanong ni Nikki.
"Yeah," maikling sagot nito.
"Tara na sa classroom, malapit ng mag bell. Sama ka nalang sa amin mamayang lunch para naman may kasabay ka." Sabi ko at tumango sila.
Wala sa itsura niya ang hindi palakaibigan. Pati rin kami ni Niks, wala kaming ka close na ka classmate. Nakikipag usap lang kami kapag kinakailangan.
Pagdating namin sa classroom, siyempre tabi na naman kami ni Nikki sa harapan. Pumasok na ang aming guro para sa next subject namin. Chemis talaga. Habang nag tuturo si Sir, itinaas ni Nikki ang kanyang kanang kamay.
"Yes Miss Gronoa?"
"Sir, may I go out?" Paalam nito at tumango naman si Sir. Umalis na nga siya. Tumingin ako sa relo ko, 5 minutes nalang matatapos na ang Chemistry. At wala rin kaming teacher sa next subject. Bakit palagi nalang siyang hindi makapaghintay? Nagkibit balikat nalang ako.
Nang matapos na ang klase namin, nag iisip ako ng pwedeng pag kaabalahan. Ang tagal kasi ni Nikki. Hinalungkat ko ang aking bag at kukuha sana ako ng papel para gumuhit ako ngunit lumipad iyong tingin ko sa Journal. Anong meron nito? Lagi na lang sumusulpot sa paningin ko. Di ko naman naalalang linagay ko ito sa bag. Pero hindi na mahalaga iyon. Kinuha ko ito at linapag sa desk. Tinitigan ko lang ito. Parang ayong buklatin o galawin man lang. Nag cross arm kong linapag ang kamay at ulo tsaka ako natulog. Wala namang mag e-entertain sa akin. Si Nikki lang talaga ako ka close ko. Wala ng iba.
Nagising ako nang may yinugyog ni Nikki ang balikat ko.
"Huy. Ciana, gising na!" Pasigaw niyang bulong. Minulat ko ang mga mata ko at umupo ng maayos. Tinignan ko ang desk ko ngunit wala na doon ang ang Journal.
Bakit biglang nawala?
"Nikki nakita mo ba iyong journal ko dito? Nakalapag lang iyon dito eh," tanong ko sa kanya.
"Baka iniligay mo kanina diyan sa bag mo kanina," sagot niya. Ha? Eh tinulugan ko nga dito eh.
Hinalungkat ko ang bag ko at nakita ko ito dito.
Papaano nakalagay ito dito?
"Oh ano, nadyan?" Tumango ako.
"Sabi kasi sayo eh."
Lutang parin ang utak ko dahil nabigla ako. Kakaisip kung bakit ganito, bakit ganyan. Naguguluhan na ako. Ano bang meron diyang sa Journal na iyan?Natauhan nalang ako noong narinig kong nag ring iyong bell.
Hindi nga naman ako nag iisip, tumayo agad ako at lumabas bitbit ang bag ko.
"Huy! Ciana wait!!!" Tumigil ako sa pag lalakad nang narinig ko si Nikki.
Kasabay ko pala siya sa pag uwi! Magkapit bahay kasi kami.
"Hello! Ci-a-na, okay ka lang?" Kinaway ang kanyang kamay niya sa mukha ko.
"Oo,"simpleng sagot ko. At nagsimula na kaming mag lakad papuntang gate. Ang layo pa naman.
"Kanina ka pa wala sa sarili ah, ano bang nangyari kaninang wala ako? May problema ka ba?" Tanong niya.
"Wala naman. Nakatulog lang ako. Napuyat ako kagabi eh, alam mo na excited." Palusot ko. Buti at gumana.
"Kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin ha?"
"Oo na. Basta siguraduhin mong tatalab iyong advice mo na ngayon ha," sabi ko at parehas kaming natawa. Paano kasi kung mag advice siya hindi nakakatulong.
"Oo na, oo na,'' natatawang sabi niya.
"Uy, na saan pala si Rowen? Diba sasabay siya sa atin," tanong ko.
"Bakit mo naman siya hinahanap, namiss mo no?" She smirked.
"Ha? Ano, hindi! Ano kaba uulitin ko ah, diba sasabay siya sa atin?" Nauutal kong sabi.
"Pag break time lang! May sinabi ba siyang sasabay uuwi?" Umiling ako. "Oh diba? Naku, luma love life kana ha! Isumbong kita kay tita."
"Hoy, hindi ah. Pumara ka na nga lang."
Pumasok na kami sa pinara niyang tricy at sinabi ang destinasyon namin.
"May assignment ba tayo?" Tanong ko.
"Hindi ka ba nakikinig? Wala kaya at first day of classes, no freaking way!" Sabat nito.
"Andami mong sinasabi. Oo at hindi lang ang isasagot mo." Tugon ko.
Tumahimik nalang kami.
"Huy dito na tayo," sabi niya at lumabas na kami. "Lutang ka na naman? Pasok kana sa bahay niyo," at nag paalam na kami.
Wala naman akong kasama. Si mama kasi nurse, mamayang hating gabi pa yun uuwi. Si papa nasa Canada kasama niya si ate Celena, nag tatrabaho doon. Si kuya Jake naman, may sariling pamilya na. Ako nalang ang nag aaral. 6 years gap namin ni ate at 9 years naman kay kuya.
Busog pa ako, kaya umakyat muna ako.
Kinuha ko yung journal ko at sinulat lahat ng nangyari kanina.
Pagkatapos non, nag shower at nag toothbrush ako. Natulog nalang ako, tutal wala naman na akong gagawin. Nakakatamad manood eh.
Alas siyete palang ng gabi tulog na ako.
May inabot sa akin ang isang babaeng parang mangkukulam pero hindi naman daw.
"Ano ito?" Tanong ko sa kanya at kinuha ito.
"Kwaderno. Pero huwag mo iyang mamaliitin, dahil may taglay itong kapangyarihan," sagot nito.
"Anong kapangyarihan?"
"Lahat ng isusulat mo dito magkakatotoo. Ngunit mawawalang bisa lang ito kung, maarawan ang bitwuing birthmark mo sa balikat. Kaya huwag kang mag susuot ng walang manggas," aniya
"Totoo ba? Wala naman akong birthmark sa balikat eh,"
"Tignan mo."
Tinignan ko ang balikat ko at meron nga! Bituin tulad ng sabi ng babae. Ngunit nawala na siya. Bigla namang sumakit ang balikat ko.
"Aaaarrrrghhhhhh!" Napadaing ako sa sakit ng kanang balikat ko. Hinihingal pa ako. Napahawak ako sa balikat ko at may nakita akong birthmark. Di to pwede.
Paanong nagkaroon ako ng birthmark bigla? Diba dapat meron na ako nito pagkapanganak ko.
Hindi ito pwede!
_______________
Thanks for reading! Kapag naguguluhan po kayo, sorry po.
BINABASA MO ANG
My Journal
FantasyNoong napasakamay na niya ang journal, maraming nagbago. Hindi niya alam kung nay kinalaman ba ang kwaderno o ang bagong kakilala niya sa mga nangyayari o purong coincidence lamang. Lingid naman sa kaalaman niya na may mahika pala ito. Ngunit ano pa...