Prologue

3 0 0
                                    


Pagkabukas ko ng mata ko I suddenly feel dizzy. Napahawak ako sa ulo ko while scanning the room.

' Nasa bed pala ako. ' I thought.

Pink walls, pink ceilings, pink cabinet, even the door was painted pink. Napansin kong  maraming nakakalat na mario stuffs at PINK BOXERS?!?!?

Teka lang, never pa akong nagka-interest sa pink tho babae ako, hindi ko type and pink, girly masyado. At never akong bumili ng boxers, duh.

This is not my room. And there where reality hit me.

Tinignan ko ang sarili ko sa loob ng pink blanket na 'to at napanganga ako sa nakita.

Bakita naka-panty at bra lang ako?

Tatayo na sana ako habang nakatalukbong parin ako sa kumot, nang biglang may lumabas sa pinto which I guess ay papunta sa bathroom.

I gasped in shock and I stared at him wide-eyed. Yes, him. Well, not totally to him since katawan niya lang naman  ang tinitignan ko. Mahirap na baka ang pangit pala nito, mahimatay pa ako.

Naka-boxers lang siya habang papalapit siya saakin. Take note, kulay pink 'yon at may print pa ni Patrick from Spongebob.

Siguro kung hindi lang ako nasa ganitong sitwasyon, natawa na ako. Sino bang matinong lalaki ang magsu-suot ng boxers na ganyan?

Bumaba ang tingin ko sa.... oh my God, Rhia stop yourself. Kaya naman napatingin ako sa likod.

Buti nalang at dim yung lights kung hindi halatang pula na ng mukha ko siguro ngayon.

Naramdaman kong umpo na siya sa tabi ko since naramdaman ko yung pag-shift ng kama. I tried my best na hindi tumingin sakanya.

Napapikit nalang ako.

' Lord, ito na po ba yun? Oras na po ba para isuko yung Bataan? '

Rhia, ang tanga mo. Hindi mo nga alam kung virgin ka pa sa nakita mo kanina eh.

"Rhia."

Napa-igtad naman ako sa biglaang pagbanggit niya sa pangalan ko at it sent shivers to my spine.

Wait, kilala niya ako?

Mabilis naman akong napatingin sa pwesto niya at mas mabuti palang hindi na ako tumingin sakanya.

"Rhia, from now on, you're tied to me."



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TiedWhere stories live. Discover now