(AN: HAPPY VALENTINES NA TALAGA, PARA SA MGA MAY KADATE, MAGPAKASAYA KAYO, PARA SA MGA ESTUDYANTE, MAG ARAL KAYO, PARA SA MGA COMPLICATED, MAGMOVE ON NA KAYO. PARA SA MGA BITTER, HAHAHAHA WALA KAYONG MAGAGAWA ARAW NG PAG IBIG NGAYON :P
-Araruuu)
Tracy's POV
Nagulat ako nang may humarang na isang kotse sa nilalakaran ko. Nagbaba ang driver nito ng salamin at saka ko lang nakilala ang nagdadrive nito.
"France?" Nasabi ko.
"Do you want some ride babe?" sabi nito na pa cool pa. Sira talaga at ewww tinawag nanaman niya akong babe nakakainis.
"Kung sayo lang wag na 'no.Dyan ka na nga!" Sinimulan ko na uli ang maglakad pero napagkakulit din nitong lalaki na 'to. Wag daw ba akong layuan. Aba naman talaga.
"Please?" sabi pa nito.
Tinignan ko siya. Hala ang cute niya.
Sinabi ko ba yun? Talaga bang sinabi ko yun? Oo na nga sinabi ko na. E totoo naman kaya ang cute niya mapapuppy eyes mukha siyang aso. Hahahah pero syempre joke lang yun.
"Please?" sabi pa uli nito.
Wahh tamana please. Nakakadiri na.
"Oo na" sabi ko at nagulat ako ng bumaba siya sa sasakyan niya at bigla nalang ako binuhat at nagsisigaw.
"Hoy! Daig mo pa sinagot ng nililigawan ah. Bitawan mo nga ako" Sabi ko sa kanyang kunot na kunot na ang noo at magkasalubong na ang kilay.
"Okay"
Kanina pa siya nagpapacute e. Kakaburaot 'tong lalaking 'to.
Makasakay na nga lang pasakay na sana ako ng bigla niya akong pigilan.
"Wait!" Mabilis niya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya. My gosh! Gentleman din pala siya and sweet?
"My princess you may now seat on the pasenger seat. Tighten your seatbelt" Sabi pa niya pagkatapos niyang buksan ang pinto ng kotse at ikinabit ang seatbelt.
Nakakainis siya ang sarap niyang banatan. Napaka ewan. Hindi ako sanay pero kunsabagay lagi naman kasi yang ganyan sakin. Sadyang si Gio lang talaga ang pinagkakaabalahan ko. Naalaala ko nanaman yung kahapon. Hindi naman kasi ako yung may kasalanan, ako pa nga 'tong nasampal. Di ko na nga siya pinatulan.
"My princess?" Nagising lang ako sa katotohanan ng marinig ko si France na ang huling sinasabi ay 'My princess'. Buti pa siya tinuturing niya akong prinsesa kahit hindi kami. Samantalang yung panget na 'yon. Ampanget panget talaga ng ugali. May iba nang prinsesa. Nakakainis.
"Hey baby? Are you okay? Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka lang. May problema ba? Wag kang mahiyang magsabi" Sabi nito at ako di ko alam bigla nalang akong may sinabing kakaiba.
"France? Are you inlove? I mean nainlove ka na ba?" Tanong ko sakanya
"Yes of course. Wag mong sabihin ang problema mo ay inlove ka?" Pabiro pero alam ko seryoso naman niyang sabi
"Yes, Im inloved with a wrong person because he doesn't love me back" Nasabi ko nalang sakanya.
"Ako din naman e. Kahit anong pagpapacute ang gawin ko. Kahit anong pagpapasikat yung gawin ko sa iba parin siya nakatingin. Iba parin yung nagugustuhan niya at akala ko gusto lang deeply inlove pala siya sa iba. Kasi minsan nakita ko siyang umiiyak." Sabi niya.
Napatingin ako sa kanya at nagulat ako nang humarap din siya.
"Nandito na tayo" Sabi niya. Mabilis na bumaba at pinagbuksan ako.
"Thanks for the ride" Sabi ko at maglalakad na sana nang may bigla siyang sinabi.
"Susunduin kita mamayang uwian. See you around" Bulong niya sakin.
France Villanueva is the only son of the owner of this school kaya naman sikat na sikat yan dito.
Nagulat pa ako ng sumalubong sakin ang mga mababagsik na mata ng mga estudyante ng kolehiyo at highschool. Wag na kayong magtaka kasi nga 'King France' raw nila yun at hindi raw yun pwedeng dapuan ng langaw at sure ako na langaw ang tingin nila sakin ngayon.
Ehem Ehem. Hindi ako ganun kasikat dito pero kilala ako dito bilang palaban. Kaya hanggang titig lang ang mga yan.
Bigla na lang ako napalingon ng magtilian ang mga babaeng nakatambay kanina sa bench. Nakita ko si Nancy at si Gio. Magkahawak padin ang kamay. Ang lalandi naman.
Tumalikod na ako para magsimula na uling maglakad. Nang bigla naman akong tawagin ng mga kaloka kong kaibigan. Hay nako pahamak talaga.
"TRACYYYY" Sigaw ng dalawa kong magagaling na kaibigan.
Huminto ako pero di ako lumingon. Naramdaman ko nalang na nasa likod na sila.
"Where's Papa Gio?" Tanong ng magagaling ko talagang kaibigan. Umiiwas na nga ako, ipapaalala pa. Nang aasar ba sila. Nakakainis ah.
"Aba malay ko!"
Naglakad na lang ako at di pinansin ang usap usapan ng mga estudyante tungkol sa amin ni France.
Pagpasok ko sa room namin. Aba naman, titigan daw ba ako ng masama ng dalawa kong kaibigan pag kaupo ko. Hay wag naman sana nila akong lamunin.
"Hoy babae. Loka loka ka. Pati si King France? Alam mo naman na mamamatay ka sa dami ng fans nun dito" sabi ni Cheche
"Meron pang fans yun sa labas. Alam mo naman na sikat yun bilang model" Sabi naman ni Gigi
Hah? si France? Model? Di ko yata yun alam kung sabagay wala naman kasi talaga akong interes sa kanya. Itong dalawa lang ang fans ng mga sikat dito.
"Ahh hindi naman kasi ako yung nagyaya o nagpresinta. Siya yung habol ng habol diyan" Sabi ko.
Hindi naman sa nagmamayabang ano pero siya naman talaga diyan yung habol ng habol.
"Grabe ka talaga"
*kringgggggggggg*
Tumunog na ang bell kaya naman umayos na kami ng upo at dahil nga mas matanda sakin si Gio, hindi kami magkaklase. Im a Senior student siya naman ay 2nd year college bilang BSBM kaklase niya si France na BSBM din ang course.
Dumating na yung teacher namin.
Nakakabagot, kasi nagtatanong lang yung teacher namin about sa christmas vacation namin at di po kami nagklase.
After ng mahaba habang kwentuhan about sa christmas vacation tumunog narin ang bell.
*kringgggggggg*
Uwian na yehey. Iintayin ko nalang si Gio. Inayos ko ang mga gamit ko ng makita ko sa pinto si France?
"Susunduin kita mamayang uwian. See you around"
"Susunduin kita mamayang uwian. See you around"
Hala oo nga pala. Lumabas ako ng room nang makita ko si Gio na naglalakad na papunta sa room namin.
Sinong sasamahan ko yung taong nandyan kanina para damayan ako o sa taong naging dahilan ng problema ko?
-End of Chapter-
(AN: So guys :) Comment niyo na mga nararamdaman niyo. Sige kayo mahirap magtago :) HAHAHAH
-Araruuu)
BINABASA MO ANG
Destiny:Tracy Walter(COMPLETED)
Roman d'amour#28 seohyun #1 Greece Minsan ang mga bagay bagay ay talagang tinadhana ng mangyare. Kung magkakalayo man ang mga bagay na ito ay gagawa ang tadhana ng paraan upang muling pagtagpuin ang mga landas nila. Pero paano kung sa pagkikita nila ay hindi na...