Tracy's POV
Nagulat pa ako nang may biglang sumulpot sa unahan ko.
"Nancy?" sabi ko na nagtataka.
Bakit hindi niya tulungan si Gio my gosh? O awatin manlang.
"Hey, there she is. The reason why they are fighting" sigaw ni Nancy sa mga kasama niya.
Nagsilapitan naman ang dalawa niyang tinawag. Lalapit sana sakin yung dalawa nang humarang sa harap ko ang dalawa kong bestfriend.
"Gigi? Cheche?" nasabi ko nalang
"Anong kailangan mo sa bestfriend namin?" sabi ni Gigi
"It is true that girl is the reason why they are fighting right now" si Nancy na nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin.
"Girls, no need to fight. She doesn't worth it. It's a waste of time" sabi ko at nilagpasan silang tatlo na nakanganga.
Nagsitawanan naman lahat ng nandun. Kaya napatakbo si Nancy. Umalis na rin naman ang lahat.
Mabilis kong tinungo si france na nakaupo na sa sahig.
"France?" nasabi ko at tinulungan siyang makatayo.
"P-pare! inuulit ko, d-di ko maga-gawang lokohan ang p-prinsesa ko" sabi ni France na hirap na sa pagsasalita. Halata naman kasing hindi siya gaanong lumaban kay Gio kasi wala halos kasugat sugat si Gio
"Gioniel? Ano bang kasalanan ni France sayo?" sabi ko sa mahinang tono.
"Baboy niloloko ka lang niyan. Nakita ko siya kanina nakikipaglandian sa seat mate niya" sabi ni Gio
Naiinis ako sa sarili ko kasi kahit anong pilit ko na magalit ako sa kanya at husgahan siya, hindi ko magawa. Bakit naman kasi sa tuwing may iba nang tao ang nag aalala sakin saka siya sisingit at ipapakita na concern siya.
"Baby maniwala ka nagkakwentuhan lang kami ng bago kong seatmate sa algebra. Di ko akalain na mamimis---" di natapos sa pagsasalita si France dahil sumingit si Gio.
"LIAR!" galit na sabi ni Gio.
"Gioniel stop pretending that you are concern! Unang una wala kang pakielam kung masaktan ako kasi in the first place ikaw ang laging dahilan kung bakit ako nasasaktan at pangalawa tigilan mo na ako. Please lang." sabi ko at saka ako tumalikod.
"Tracy-" rinig ko pang sabi ng dalawang lalaking mahalaga sa buhay ko pero di ko yun pinansin at nagdire-diretso kina gigi at cheche na kasalukuyang nakatayo lang hinigit ko ang magkabilang braso nila at saka sinabing "It' s time for hang out girls" patuloy ang pagpatak ng nga luha sa mga mata ko at saka naman kami pumunta sa kotse ni Cheche.
Sumakay sa driver seat si Cheche at sa pasenger seat naman si Gigi. Samantalang ako, ito at tulala na nasa likod.
Paano ko ba nakayanang sabihin lahat yun sa harapan nila Gio at France. Lalo ko lang yatang nasaktan si France at si Gio. Paano ko siya pakikiharapan sa susunod na mga araw lalo pa at nakaplano na ang trip to hongkong naming dalawa. Yun ang regalo sa kanya ng Mom and Dad niya sa kanya at ako ang pinili niyang makasama sa araw ng kaarawan niya. Paano ko din pakikiharapan sa sabado si France. Yung promise ko sa kanya na bibili kami ngayon ng damit para sa darating na sabado. Anong gagawin mo Tracy? Bakit ka umamin na mahal mo padin siya. Di mo ba naisip na masasaktan si France sa mga sinabi mo. Akala mo ba isang robot na walang pakiramdam si France? Mahal ka niya natural na masaktan siya. Naging selfish ka nanaman for this time Tracy. You always speak without thinking. Idiot! Idiot, Tracy.
"Wahhhhhhh!!!!"
BINABASA MO ANG
Destiny:Tracy Walter(COMPLETED)
Romantizm#28 seohyun #1 Greece Minsan ang mga bagay bagay ay talagang tinadhana ng mangyare. Kung magkakalayo man ang mga bagay na ito ay gagawa ang tadhana ng paraan upang muling pagtagpuin ang mga landas nila. Pero paano kung sa pagkikita nila ay hindi na...