Dear Mom,
Hi mom. Naisipan kong isa-sulat nalang yung lahat ng gusto kong sabihin sayo kasi lagi kang busy e. Palagi nalang work ang inaatupag mo. Simula noong mawala si Dad, puro trabaho nalang ang inisip mo. Siguro, gusto mo lang na mailayo yung isip mo mula sa pagkawala ni Daddy kaya ganyan. Pero Mommy, paano naman akong nag-iisang anak mo? Simula bata pa lang nga ako kay Dad ko nalang naramdaman na mahal nya ako pero bakit sayo wala? Hindi mo pinaparamdam na mahal mo ako. Gabi-gabi umiiyak ako sa tuwing nilalagpasan mo ako pag umuuwi ka. Kaya ang iniisip ko nalang, pagod ka lang kaya di mo ako napansin. Pero kahit ano kasing pag-iintindi ko, hindi ko pa din maiwasang malungkot. :(
-Arianna
BINABASA MO ANG
The Daughter's Letter (SHORT STORY)
Short StoryA daughter's message to her Mom before she died at the age of 17. Story Started: June 09, 2017. Story Ended: June 11, 2017 at 8:53pm. Highest Rank as of April, 05 2018: #92 in SHORT STORY.