2nd Letter

4.3K 69 0
                                    

Dear Mom,

Mom..
Bakit hindi ka nagpunta? Umasa ako na pupunta ka sa meeting ng mga parents sa school kanina. Kahapon ang sabi mo kasi pupunta ka at sigurado na yun kaya naging masaya ako at halos mapa-talon pa dahil sa tuwa. Sobrang saya ko kaya napa-yakap ako sayo pero tinulak mo lang ako kaya napa-upo ako sa sahig. Pero alam mo ba Mom? Di ko na pinansin yun kasi sobrang saya ko. Ang babaw ng kaligayahan ko kasi, parang iyon lang halos mapaiyak na ako. Paano ba naman kasi, dati puro si Daddy lang yung pumupunta sa meeting o kahit anong event sa school. Kahit yung Family Day, hindi ka rin pumunta kasi may reunion kami, pero hinayaan ko na din yun kasi alam kong minsan nalang kayong magkita-kita pero Mom, nangako ka sa akin ngayon pero nasaan ka? Hindi ka dumating Mommy.


-Arianna

The Daughter's Letter (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon