Dear Mom,
Mommy, kanina sa school hinimatay ako at agad na dinala sa hospital. Ilang araw na akong maputla at sobrang tamlay pero pinipilit ko pa din na pumasok at ngumiti kasi alam ko na magagalit at madi-dissapoint ka na naman. Natatakot ako na baka magalit ka sa akin. Ikaw nalang kasi ang natitira sa akin kaya naman ayoko na magalit ka pa. At saka ayoko naman na dumagdag pa ako sa pagod mo sa trabaho kaya hinayaan ko nalang.
Pero Mommy, masamang balita na kasi yung nakuha ko. Meron na daw akong Stage 4 na Cancer at ilang araw nalang ang natitira sa akin. HAHAHAHA! Nakakatawa diba mommy? Napaka-lakas at sigla ko kaya, kaya panong mangyayari yun diba?
Pero habang tumatawa ako, sunod sunod din ang pagpatak ng luha ko. Paano ka na lang mommy? Hindi kita kayang iwanan ng ganon nalang. Mahal na mahal kita My.
-Arianna
BINABASA MO ANG
The Daughter's Letter (SHORT STORY)
Short StoryA daughter's message to her Mom before she died at the age of 17. Story Started: June 09, 2017. Story Ended: June 11, 2017 at 8:53pm. Highest Rank as of April, 05 2018: #92 in SHORT STORY.