6th Letter

3K 78 2
                                    

Dear Mom,

Sa bawat araw na lumilipas mas nararamdaman ko na nanghihina ako My. Gusto kitang yakapin. Gustong gusto ko na maramdaman yung pagmamahal mo kahit sa ilang sandali lang. Gusto kong maranasan yung mga naranasan ng mga batang kalaro ko dati. Yung sinusuklay ang buhok bago matulog. Yung magkasama tayong magsho-shopping at magsi-simba tuwing linggo. Gusto kong maranasan yung may hihingan ng advice tuwing may problema, yung mapagkwe-kwentuhan tungkol sa mga naganap sa school.

Pero sobrang labong mangyari nun My. Kanina kasi, nalaman mo na bagsak ako sa lahat ng subjects. Sinigawan mo ako at sinabihan ng walang kwenta at bobo. Na, napaka-tanga ko at wala na akong naidulot na maganda sayo, na pahirap lang ako.

Mommy, sorry ah? Masyado na akong nagiging pabigat sayo. Hindi na kasi kaya ng katawan ko na pumasok sa school kaya bumagsak ako. Sorry mom.  Mahal na mahal pa rin kita kahit nasabihan mo ako ng mga salitang ganon.

                                             -Arianna

The Daughter's Letter (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon