HE WAS so amazed watching her performing on their opening number.
God! He can't believe na talagang ito na ang batang yun na ilang beses niyang pinaiyak at pinagtawanan noon. Napakagaling nitong sumayaw. She dance like a Goddess of dancing. Na lahat ng lalaking makakakita dito ay siguradong magpapaalipin dito.
"Saan dyan si Sofia?" Pukaw na tanong ni Nick sa kanya. Katabi niya itong nakaupo di kalayuan sa stage. Nilingon niya ito. Titig na titig ito sa nagpeperform. Ibinalik niya ang paningin sa mga nagsasayaw.
"Yang maganda at maputi na nakasoot ng white." Sagot niya.
Ngumuso ito sa banda ni Sofia.
"Yan ba?" Tumango siya. Kitang-kita niya sa gilid ng mga mata ang pagguhit ng makahulugang ngiti nito. Siniko niya ito."She's mine!!" Saad niya na para bang pagmamay-ari ang dalaga. Tumawa ito dahil sa tinuran niya.
"Relax Bro, hindi ko naman sya liligawan. I just adored her the way she dance." Anito at umakbay sa kanya.
"Mabuti ng nagkakaliwanagan tayo." Seryosong saad niya at muling tumitig sa nagsasayaw na dalaga.
Pagkatapos ng opening number ay nagsalita na ang host ng program. Isa-isang tinawag ang mga Department at kanya-kanyang hiyawan kada Department. At maya-maya pa ay muling tinawag ng host ang apat na pangalan, kasama ang pangalan ni Sofia, kasabay niyon ang pagpatay ng ilaw.
Sa muling pagbalik ng ilaw, ilang beses siyang napalunok at nanlaki ang mga mata dahil sa nakikita niya sa ibabaw ng stage.
Sofia!! Sigaw ng utak niya habang nakatitig dito na nakikipagsayaw, sensual na sayaw sa dalawang lalaki. Nakuyom niya ang kamao.
Gigil na gigil si Zac habang nakaupo na pinapanood ang dalawang lalaking kasayaw ni Sofia sa stage. Gusto niyang umepal, umakyat sa stage, pero anong gagawin niya? Parte iyon ng program. He felt insecurities, ngayon lang sa buhay niya na nakadama siya ng insecurity sa ibang kabaro. Nasanay siyang siya ang kina-iingitan ng iba. Unfortunately, hindi siya biniyayaan ng talento sa pagsasayaw kaya kahit kelan ay hindi niya maisasayaw si Sofia sa harap ng maraming tao."Boyfriend nya ba ang isa sa kasayaw niya? I think yung isang yon ang boyfriend niya." Ani Nick at tinuro ang isang lalaking kasayaw ni Sofia.
No! Hindi siya pwedeng magboyfriend!! Sigaw ng utak niya. Ayaw tanggapin ng utak niya ang sinabi ni Nick. Hindi siya makakapayag na magboyfriend si Sofia. Hindi pwede!! Pero possible iyon dahil ang paraan ng pagtitig at paghawak ng lalaki kay Sofia, may ibig sabihin yon. Alam niya, lalaki din siya. Napatiim bagang siya.
Ilang mga studyante din ang nagperform. Maging si Yeshia ay may solo performance din. May showdown din ito sa ibang Department. Pero ang pagpatigil sa paghingi ni Zac ay ang dance show down ng dalawang kilabot ng dance floor.
Sofia and Trish. The Battle of Queens.
God! She is seductively amazing on their dance showdown. Sinasayaw ng dalawang naggagandahang babae ang 'CHANTAJE' ni Shakira, At hindi na mabilang ni Zac ang papuring sinisigaw ng loob niya sa twing lalabas si Sofia para sa dance number nito. Kahit kanina, noong kasama nito si Yeshia na sinasayaw ang 'SHAPE ON YOU', grabe ang paghanga na umuusbong sa puso niya para dito. At ngayon, kasama nitong nagsasayaw ang studyanteng pambato din ng kabilang department. Lalong nangislap sa paghanga ang mga mata niya habang titig na titig kay Sofia na gumigiling.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND SERIES: BOOK II - Revenge of a Queen (Zac & Sofia)
RomanceSofia Kate Villafuente. Unica hija of Jake Jaime and Monneth Villafuente. Everybody know her as a princess and treats her as a little girl. Pero sa edad na 21, hindi na sya bata para magkaroon parin ng bodyguard. She cannot do what she want every ti...