5

15K 170 84
                                    

Kuyom ni Zac ang kamao habang naglalakad pabalik sa back stage ng Gym. Kanina pa niya gustong dapuan ng kamao ang pagmumukha ng lalaking yon. Kanina ay kaya pa niyang magtimpi, kahit na kitang-kita niya ang malalagkit na tingin at malisyosong haplos nito sa katawan ni Sofia, tiniis niya 'yon. Maging ang paghuli niya dito na akmang hahalikan ang dalaga, pinili niyang tumalikod at lumayo, mapag-isa. Pero ngayon, na nalaman niya na binastos nito si Sofia, may paglalagyan ito sa kanya.

Naabutan niya itong masayang nakikipagkwentohan sa ibang mga kasamahan nito. Nakaupo ito sa couch habang nakaakbay sa isang seksing babae.
"Hoy ikaw!!" Sigaw niya habang nakatitig sa lalaking makakatikim sa kanya.
Katahimikan. Lahat ng naroon ay napatingin sa kanya maliban sa lalaking tinawag niya.
"Hey Asshole!!" Gigil na muling tawag niya sa lalaki habang panay ito sa pakikipaglandian sa ibang mga estudyante na nagperform kanina. Napatingin ang mga kasamahan nito sa kanya. Bumulong ang babaeng kaakbay nito saka siya nilingon.
Tumayo ito at parang nanghahamon na lumapit sa kanya.

"Anong problema mo pare?" Maangas na tanong nito. Lalo siyang nanggigil. He even grit his teeth, makakapatay talaga siya ng tao ngayon.

"You! Son of a bitch!!" Sabay duro niya sa dibdib nito.

Tumawa ito ng pagak.
"Teka? Kilala ba kita? Anong problema mo pare? Anong atraso ko sayo?"

"Bakit mo binastos si Sofia??" Asik niya dito.

Lumiwanag ang mukha nito ng marinig ang sinabi niya at demonyong ngumisi.
"Ah si Sofia? Oh, Hindi ko naman talaga intensyon na bastusin siya. She's acting like an innocent young girl kaya na-curious ako and I tried to seduce her but she neglected me." Anito at lumapit pa sa kanya. Tumikhim ito.
"Well, i can say she's boring, pare. Kahit na gaano siya kagaling gumiling walang silbi yon kung hindi siya magaling sa kama." Nakangising saad nito at agad na nagtilian ang mga babaeng nakaupo sa couch. Nakahiga si Eric sa sahig habang dugoan ang gilid ng labi nito dahil sa lakas ng suntok niya. Pumaibabaw siya sa lalaki at parang punching bag na pinagsususuntok ito.

"Zac!!" Tili ni Sofia habang inaawat siya. Mahigpit itong humawak sa braso niya. Pero hindi pa siya tapos, gusto niyang tumino ang bastos na lalaki.

Hinawakan din ni Yeshia ang isa pa niyang braso.
"Kuya, stop it!! Please!!"

Tumayo siya at marahas na napapabuga ng hangin. Gigil na tumitig siya sa nakahandusay na lalaki.
"The next time I saw or heard that you're talking shit about Sofia, I swear Man, you really pay for it!!" Duro niya dito. Tumalikod siya at naglakad palabas kasunod ang dalawang dalaga.

TAHIMIK si Sofia na kumakain ng Lasagna sa Greenwich kasama ang pinsang si Yeshia, si Nick at ang lalaking bumugbog kay Eric, si Zac. at magkaharap sila ng lalaki.

"Excuse me, CR lang ako." Ani Yeshia at tumayo. 

"Sasamahan na kita." Saad ni Nick at agad na sumunod sa dalaga. Naiwan silang dalawa ni Zac.

Tinignan niya ang binata. Seryoso itong nakayuko habang paikot-ikot na pinaglalaruan ang straw ng soft drink nito. Nakita niya ang sugat sa kamao nito, may mumunti pa iyong dugo.

Nais niyang gamotin iyon o punasan pero napaka-awkward niyon para sa estado ng relasyon nila ni Zac. Pero hindi na siya makatiis, kailangan niya itong kausapin.
"Ahm, Zac.." tawag niya dito. Nag-angat ito ng mukha at naglapat ang mga mata nila.
"S-salamat nga pala, s-sa pagtatanggol mo sa akin." Aniya. Gumuhit ang ngiti sa labi nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIEND SERIES: BOOK II - Revenge of a Queen (Zac & Sofia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon