Chapter 23: Who are you?

41 2 0
                                    

**✿❀ Accidentally In Love With My Destiny ❀✿**

Kylee's POV

"Mr. Brayan, please proceed," sabi ni Miss Devina.

Bigla na namang naghiyawan ang mga babae sa loob ng classroom. Except na lang sakin, kay Hadley, at kay Insan??

Nagulat ako nang biglang tumili si Insan.

"Kyahhhh!! Hindi man kita kilala, pero like na kita!! Ang wafu mo!! " sigaw ni Insan dahilan para mapatigil ang lahat at nagsitinginan sa kanya.

Nakita naming masama ang tingin nila dito kay Insan kaya dahan dahang binaba ni Insan ang kaninang nakataas na kamay.

"Ahh. Hehe. So-sorry. Nadala lang. Hehe," sabi ni Insan sabay peace sign.

Napa-iling na lang ako dahil sa ginawa ni Insan. Ano bang meron sa lalakeng yan at pinagkakaguluhan nila?? Aaminin ko, I find him cute pero grabi naman ata yung kagwapuhan nya kasi pati yung bakla napapatili at napapakilig nya.

Sino ba talaga sya?? Anong meron sa kanya??

"Isa sya sa pinaka sikat sa buong mundo. Kung buong universe, pwede na. Isa sya sa pinakasikat na model sa Peru dahil sa isang magazine na tinatawag na 'Trend Magazine'. Halos lahat ng babae dito sa university merong kopya ng Trend Magazine. Mas lalo na sa labas ng university ," sabi ni Hadley.

Teka nga. Di naman ako nagtanong sa kanya, ah! Wag nyo sabihing nakakabasa sya ng utak??

Ano sabi nya?? Halos lahat may Trend Magazine?? Bakit wala ako nyan?? As if namang, interested ako sa kanya.

Naglabas pa si Hadley ng Trend Magazine galing sa bag nya. Girl scout na girl scout ah! Always ready. Haha!

"Tignan mo kung hindi ka pa kontento sa sinabi ko," sabi ni Hadley.

Bubuksan ko na sana yung magazine na binigay ni Hadley nang magsalita na si Mr. New Classmate.

"Ehem! " pag-aayos nito ng boses. "Hello classmates!! " bati nito sa amin. "I'm glad dahil meron akong classmates slash fans na katulad ninyo. Maraming salamat sa pag suporta," sabi nito sabay bow.

Anong meron kuya?? Fans fans pang nalalaman. Magpapakilala ka lang sa harap, uy! Hindi ka mag po-promote ng magazine. Duh!

"Kahit alam kong kilala nyo na ako. Magpapakilala pa rin ako para mas makilala nyo pa ako ng mabuti. Yes, ako ang isa sa mga iniidolo nyo sa Trend Magazine. At ikinagagalak ko yun. Pero dahil dito ako nag-aaral sa isa sa mga sikat na university na to, sana ituring nyo akong kaklase sa loob ng university na to. Yun lang ang tangi kong hiling. And! Yes, I am the most handsome Jandaryl Marco Brayan. Thank you! " sabi nito sabay bow.

Ang hilig nyang magbow. Kumindat pa ito dahilan para magtili-an at mag-ingay na naman ang mga estudyante. Hay naku naman, o!

"Thank you Mr. Brayan," sabi ni miss Devina. "Pwede ka ng umupo."

"Ahh. Eh, ma'am. San po ako uupo?" tanong nito kay miss Devina.

"Baby boy! Dito ka na lang sa tabi ko! " sambit ng isang lalaki este bakla.

Tinignan naman ni new classmate este ni Marco yung bakla. Mukhang nandiri ito dahil nakanguso na ang bakla habang nakapikit. Haha!

"Ay. Miss Dev! Dito na lang po si Marco! " biglang saad ni Hadley. Seriously??

Agad namang tumango si Marco at umupo sa tabi ni Hadley. Kaya pala may extra chair dun.

*"Yes, I am the most handsome Jandaryl Marco Brayan"*

↗*O*↖

Mga linyang pumasok sa utak ko. Ano?? Jandaryl?? Marco?? Brayan?? Totoo ba ang narinig ko??

Agad naman akong napatingin kay Insan kung anong naging reaksyon nya. Sabay pa kaming nagkatinginan ni Insan. Mukhang sabay na pumasok ang linyang yun sa isip namin.

"Totoo ba yung narinig ko, Insan?? " tanong nito sakin ng pabulong.

"Mukhang totoo nga, Insan," sagot ko rin ng pabulong.

"Kyahhh!! Sya ba si Marco?? Na anak ni Tita Hope? Na pinsan mo? "

"Mukhang sya nga, Insan."

Agad naman kaming napatingin sa direksyon kung saan naka-upo si Marco. Tinignan namin ng maigi yung mukha nya. Mukhang may pagkahawig nga.

Nakita naming sabay pa silang nagtawanan ni Hadley. Close sila??

"Nu ba yan Jan Jan? Para kang badjao. Bat ka nagshe-shades, eh wala namang araw. Tanggalin mo nga," utos ni Hadley dito.

Tinanggal naman ni Marco yung kanina pang nakatakip na shades sa mata nya. At nakita namin ni Insan ang kabuuang mukha nito.

O____O

"Okay na ba Angel?? Gwapo na ba?? " tanong ni Marco kay Hadley pagkatanggal nya ng shades. Nag pogi sign pa ito.

"Gwapong gwapo Jan Jan! " sabi ni Hadley. Nag-apir pa silang dalawa. Mukhang close na close nga sila.

Owemji! Sya nga! Sya ang Marcong tumulong sakin malapit sa restaurant ni Xyrus!! Posible kayang sya din si Daryl?? Ang anak ni Tita Hope?? Ang pinsan ko?

Agad naman akong napatingin kay Insan.

"Mukhang sya nga Insan," bulong ko rito.

"Baka magkapangalan lang,"  bulong rin ni Insan. "Aray! " hinaing nito nang binatukan ko ito.

"Shongaks! Pwede ba yun?? Parehas na parehas ng pangalan?? Pati yung apelyido?? "

"Malay mo," sagot ni Insan. Tinakpan pa nito ang ulo nya gamit ang dalawa nyang kamay nang akma ko sanang babatukan ulit sya. "Tama na. Kawawa yung utak ko. Sige ka, baka makalimutan kong maganda ka," dagdag pa nito.

Kukutusan ko sana sya nang magsalita sya. "Si Insan naman. Di na mabiro. Syempre di kita makakalimutan, nuh! Pati yang ganda mo. Hehe," sabi nito sabay peace sign pa.

**✿❀ Accidentally In Love With My Destiny ❀✿**

"Bye Xyrus! Thanks sa ride!! Alagaan mo yan si Insan, ah!!" sabi ko nang makababa na ako sa kotse ni Xyrus.

"Ingay mo Insan!! Sshhhh ka nga! " suway naman ni Insan. Sus! Kinikilig lang yan, eh. Haha!

"Oo naman Kylee! Syempre!! Mahal ko to, eh! " sabi ni Xyrus sabay akbay kay Insan na nasa front seat.

"Tumigil ka nga Xyrus!! " sabi ni Insan sabay palo kay Xyrus. Yung pabebeng palo. Haha!!

"O, sya sya! Papasok na ako! Nilalanggam na ako dito, eh! " pang-aasar ko.

"Sige, Insan. Mag-ingat ka sa pag-uwi, ah! Bye!" sabi ni Insan.

Tumango na lang ako at dun na nga pina andar ni Xyrus yung kotse at umalis.

Hinatid kasi nila ako dito sa mansion ni Sungit. Kailangan ko na naman kasing manilbihan bilang maid nya. At oo. Magkasama sina Xyrus at Mariana ngayon. Magde-date este kakain daw sila sa labas. Hindi pa sila. The feeling is mutual daw kuno sabi ni Insan. Nililigawan pa sya ni Xyrus ngayon. Ang daming chuchu ni Insan, nuh? Alam naman nating gusto nya rin si Xyrus. Bat di nya pa sagutin??

Baka naman kinikilala nya pa si Xyrus.

Oo nga, noh! Hayy. Buti at may matinong nasagot din tong si utak ko. Ganyan ka lang palagi utak, ha! Pati na rin sa academics tulungan mo ako.

Bigla na lang rumehistro ang mukha nina Hadley at Marco sa utak ko na tumatawa. Sino ka nga ba talaga Marco?? Who are you?

**✿❀ Accidentally In Love With My Destiny ❀✿**

Vote. Comment. Share
Thanks!





Accidentally In Love With My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon