Yoongi❤
Musta na?
Kumakain ka pa ba?
Kain ka ng mabuti ha?
Uy
Miss na kita..
Nakatitig ako sa mga text messages na hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang sagot mula sa kanya.
Nagtanong ako pero sabi naman nila nasa maayos siyang kalagayan. Masyado lang sigurong busy.
Pero bakit ganon?
Parang may mali?
Napabuntong hininga ako. Siguro hindi lang ako sanay na hindi siya nagtetext o nagpapakasweet sa akin.
Siguro kailangan ko ng sanayin ang sarili ko.
***
"Oy my friend asan na si Yoongi? Diba birthday mo ngayon? Asan na yung walking gluta na yon?" Tanong sa akin ni Soorim.
"Papunta na siguro yun" ngumiti nalang ako sakanya at napabuntong hininga bago tinignan kung may text man lang ba siya sa akin.
"Hay nako friend mamaya kinalimutan ka non ha! Subukan lang talaga niya!"
"Baliw!" Nasambit ko nalang. Malakas ang tibok ng puso ko, kinakabahan. Hindi niya naman sigiuro kinalimutan diba?
Oy lalaki! Asan ka na?
Hindi mo naman siguro kinalimutan na birthday ng maganda mong girlfriend diba?
Subukan mo lang talaga Min Yoongi.
Nagluto ako alam mo ba yon?
Nakatitig parin ako sa cellphone ko umaasang balak niyang magreply. Ngumiti nalang ako sa mga bisita ko at kinausap sila.
"Ano sugurin na ba natin sa Seoul?" Habang nagi-stretching na akala mo ay may boxing match na pupuntahan.
"Hayaan mo na yun baka pagod lang." Pagpapaliwanag ko.
"Ay trainee na pala siya doon noh?" Tumango nalang ako bilang pag sangayon.
Pagod ako ngayon, gusto ko nalang magpahinga.
Matutulog na sana ako ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Agad akong napangiti, sabi ko na nga ba hindi niya makakalimu-
Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang message na galing sa hindi kilalang no.
From: Unknown
hbd.
YOU ARE READING
Letting Go
Fiksi PenggemarNot all stories ends with together you and me.. And the right thing to do... Is to let you go....