I

21 0 0
                                    

"OMG! YUNG MGA MONTEFALCO!!!" Rinig kong sigaw ng mga fangirls ng magpipinsang montefalco.

Nandito kami ni Aria nakaupo sa bleachers habang naghihintay magsimula ang laro ng Xavier University yung school namin at ng Mcfreuon Academy. Wala akong choice kundi manood nalang dahil intramurals namin ngayon. Walang klase. At sinabihan kaming suportahan ang mga player. Kaya andito ako. Wala naman talaga akong hilig sa basketball, or anything about sports. I'm more of a sleep-read-study person.

"Kei, do you think mananalo tayo? Mukhang magaling yung kabilang team. Ilang beses na daw silang nagchampion eh."

"Kaya nila yan. Ilang beses narin naman tayong nagchampion." Sagot ko habang nakatutok pa din sa librong binabasa ko.

I'm reading the universe of us by lang leave.

Hinampas nya ako ng marahan sa balikat kaya napatingin ako dito.

She frowned. "Hindi ka ba nagsasawa sa kaka basa? Akin na nga yan! Take a break, nandito tayo para panuorin yung game." Ani nito at agad na hinablot ang libro sa kamay ko.

"Fine, psh." Apila ko

Ini-cross ko ang mga binti ko at tinuon ang tingin sa laro.

24-30 na ang score. Yung 24 yung samin, yung 30 yung sa kalaban.

Honestly, hindi talaga ako makarelate sa laro kasi wala akong alam.

Binigyan sila ng 5mins break bago ituloy ang laro. They go to their bleachers at uminom ng kanya kanya nilang tubig, ang iba naman ay nagp-plan ng mga gagawin sa game para malamangan ang kalaban.

Someone caught my attention. It's Azrael Montefalco, he's pouring his water to his self. At marahang ginugulo ang buhok para tumalsik ang pawis nito, I don't know why but I find him hot right now. Gosh, what am I saying?

I stared at him, he's so dreamy. His tan skin that suits him well, those biceps damn. His thick eyebrows and those beautiful hazel eyes of him. And his lips, damn. Oh my god, what the hell is happening to me!? He unexpectedly stared back at me too, that made me jump from my seat.

Nakakahiya! Umiwas ako ng tingin at tinuon ang tingin ko sa ibang players. Nakakahiya talaga, baka isipin niya pinagpapantasyahan ko siya.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya para alamin kung nakatingin parin ba siya, at hindi inaasahang nahuli niya na naman ang tingin ko.

Naglapit ang dalawa niyang kilay, at nanatili paring nakatingin sakin. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. He just shrugged it off, and continued the game.

Nagsimula na ulit ang game at ilang oras pa'y natapos din ito.

"Xavier University, wins!" Sigaw ng MC at agad na nagtayuan at nagtilian ang lahat ng tao dito sa gym.

Di na ako nagtagal pa at kinuha ko na ang libro ko kay Aria at nagpaalam na umalis dito. Tutal magtatagal pa naman sya dito kasi nandito yung crush nya, Si Rafael Montefalco.

Naglakad ako at nakiraan sa mga tao papunta sa exit. Palabas na sana ako ng biglang may humawak sa wrist ko.

Si Azrael.

Nagtama na naman ang paningin namin. He's eyes is so perfect. It's so enchanting.

Nakaramdam ako ng pag-init ng pisnge kaya bumaba ang tingin ko sa kamay nyang nakahawak sa pala-pulsuhan ko.

Nang makaramdam ng awkwardness, maraang binitawan nya ito.

"Hi." Sabi nito at marahang ngumisi.

Hindi ako sumagot.

Magsasalita pa sana siya ng biglang dumating ang mga pinsan niya.

"Wow, bago na naman?" pangungutya nung rafael na crush ni Aria habang tumatawa.

"Care to introduce your beautiful friend, azi? Hi, I'm Josiah." Saad ng isa sa pinsan nito at inabot ang kanyang kamay.

"Hi." Nahihiya kong sagot, aabutin ko sana ang kaniyang kamay ng biglang hinila ni azi ito at pabirong sinapak at muling itinuon ang tingin sakin.

"Woah, possessive." Pagreact ng kanyang mga pinsan.

"So, what's your nam-" Magsasalita pa sana ito ng may biglang sumigaw sa likuran nila.

"Kei! There you are!" Napapagod na saad nito.

"Uh we-"

"Sorry, guys. But we need to go! Bye!" Pagputol ni Aria sa dapat na sasabihin ko at hinila ako palabas ng gymnasium.

Hingal na hingal na narating namin ang classroom namin. Inilapag ko ang libro ko sa desk at umupo dito. Wala pa namang tao, bukod saming dalawa.

For sure magtatagal talaga ang mga ibang estudyante, yung iba magtatagal pa sa gymnasium dahil manonood pa ng next game.

Nang mabawi ang hininga agad na nagsalita si Aria.

"Omg! Why are you with Azrael, kei? What's happening there?" Tanong nito at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"I don't know, okay? Nung papalabas na ako bigla niya akong hinila, then the whole bunch of montefalco came." Sabi ko at agad na kumalas sa paghawak niya para umupo ng maayos sa upuan ko.

"My god, I can't believe it! It's the montefalco! It's Azrael Montefalco, my friend!" Excite na excite na sabi neto. I just rolled my eyes and buried my head in my desk.

Well, I can't blame Aria. Montefalco's are like the most popular family in our school. Bukod sa napakadami nila, hindi din naman maitatanggi yung looks ng isa't isa. They look like some hollywood models na nakikita ko sa magazines, tho filipino features padin.

Uwian na, wala naman kami gaanong subjects today dahil din intrams. Hindi ko na hinintay pa si Aria dahil may importante pa daw siyang pupuntahan.

Binitbit ko na ang bag ko, at lumabas ng pinto ng room. Habang naglalakad sa corridor kinakapkap ko sa loob ng bag ang earphones ko. Patuloy kong hinanap ito habang naglalakad, hindi ko makita. Gumilid pa ako para lang makita ang kabuohan ng bag ko.

Hindi ko mahanap ang earphones ko. Earphones are like my whole life.

Nagulat ako ng biglang may sumulpot sa likod ko. Si Azrael, winawagayway ang earphones ko.

"Nahulog mo habang naglalakad ka." Seryosong sabi nito, at inabot sakin ang earphones.

"Are you following me?" Nagtataka kong tanong habang nakakunot noo.

He just chuckled. Mas lalong kumunot ang noo ko.

Hello, am I a joke?

"So, that's how you say thank you. Well, I'm not following you. Hindi naman siguro masamang dumaan dito?" Sabi niya at marahang ngumisi.

Well, he got a point. Nakakahiya, ang assuming ko sa part na yun.

"Well, you got a point. I'm sorry and thank you." Sagot ko, at sinalpak ang earphones sa magkabilaang tenga.

Tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita muli.

"If you're really sorry, go out with me. Tommorow, I'll pick you up at 3." Saad nito, habang confident na confident na naghihintay ng sagot ko.

"Okay." Sagot ko at iniwan siya.

So smooth. Damn you, Azrael.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life with Azrael Ian Montefalco ||| (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon