ATE ...
Yun ang tawag mo sakin nung magkakasama tayo ng mga kaibigan natin at kung saan nag umpisa ang lahat. May 6 2017 Unang pagkikita natin.Paano nga ba nag simula? Balikan natin kung saan talaga kita unang napansin.
Naalala ko noon, last year. Pinakita ka sa'kin ng tropa ko yung picture nyo, sabi pa sakin ng tropa ko "oh baka type mo" oh diba? Parang binibenta ka lang. hahaha Hanggang sa nag stalk ako at ayun na nga inadd na din kita. Kinabukasan "accepted your friend request " sobrang saya ko nun kasi nga mas makikita ko yung pictures mo at natawa pa ko kasi may t'shirt ka na kagaya nung sa'kin. Hanggang sa nag chat ako sayo pero ang sagot mo lang thumbs up hahaha ano pa nga ba eh di mo naman talaga ako kilala pero ayos lang.May 6 2017
Sakto asa Manila ako at may game nun. Big game pa at ayun na nga nanalo yung team na sinusuportahan natin. At yun ang unang pagkikita natin pagkatapos ng game nagkaayan na mag celebrate kasi nga panalo ang team natin. Ang tahimik ko nuon kasi nga andun ka. Pero sumusulyap ako nuon sayo di mo lang napapansin kasi may kausap ka. Habang kumakain parehas yung meal natin natatawa ako kasi ganado kang kumain samantalang ako di mapakali hahaha bakit? Kasi nga late na yun at tinatawagan na ko ni Mama panay tingin ko nun sa phone ko, kabado pa nga. Pero nawawala yung kaba ko kapag nakatingin na ko sayo kasi sabi ko "ok lang yan, ngaun ko lang sya nakita ng personal sulitin ko na'to."
Pagkatapos nun nag aya ang barkada na punta tayo kung saan pwede makita yung mga idol natin. Hanggang sa dumating yung player, fangirling moment tayong lahat nun at ang cute mo kung alam mo lang hahaha natutuwa ako sa reaction mo kasi sobra kang natutuwa sa player kasi ang approachable nila. Nung makaalis ang player napansin ko na may kinakagat ka sabi ko pa "ayaw mong tantanan yan? Ahahaha may lollipop ako sa bag ko :)"
Sagot mo naman "talaga ATE" para kang bata na sabik sa lollipop HAHAHA
"maka ATE ka naman eh mas matanda ka pa nga sakin HAHAHA at Ou kunin mo na lang sa bag ko"
"Eh? Ilan taon ka na ba?"
"23 lang po ko tanong mo pa kay dude"Hanggang sa pauwi na tayo nuon. Inaasar kita na ATE at ikaw naman nambebelat lang ahaha tapos tawanan tayo nun at sobrang saya ko kasi yung
Crush ko napansin ako.Makalipas ang ilang araw ikaw yung unang nag chat sabi mo pa nga "TE, friend pala kita sa fb idunno HAHAHA"
"Good morning, di lang kasi kapansin pansin ATE"At ayun na nga dyan lahat nag umpisa sa araw-araw mag kachat tayo hanggang sa nag lakas loob ako nun na kung pwede mahingi number mo. Di naman ako nabigo agad mo binigay at mas napapadalas yung pagcchat, txt tipong nakikilala na natin yung isa't isa. Umabot na din sa tumatawag ako para ako ang gigising sayo kasi nga di ka nag aalarm. Maghapon at mag damag magkatxt/chat tayo. Kapag umabot na ng medyo late na pinapatulog mo na ko kasi nga late na. Pero ako umaayaw kasi gusto pa kita kausap. Sabi mo pa nga nuon "bakit kasi? Late na oh matulog ka na. Wag mo na kong antayin. Tyaka mamaya wag ka na mag alarm para tuloy-tuloy tulog mo."
Sagot ko naman "ok lang yan wait parin kita oks lang sakin. Masaya naman ako"At hinayaan mo ko sa gusto ko kasi nga matigas ulo ko ahaha. May pag bilang pa nga tayo nun tanda ko 1-0 tayo eh. Nung di ka kumain kaya sabi ko "ok 1-0 babatukan uh? Naku!"
Umabot tayo ng 1-3 mukhang ako pa ang matatalo kasi nung late ako natutulog pero ok lang napapasaya naman kita. Nasasabayan na kita nuon madali akong nakapag adjust.Pero ayan na naman tayo sa
"Ikaw matulog ka maya, wag ka na mag antay kaya ko na naman yung sarili ko malaki na ko HAHAHA""AYAW KO PO. wait parin kita haha mag-aantay ako :) "
"Ok lang naman, baka mapagod ka nyan haha"