IVAN'S POV
"Grabee Bro! You know what hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na bumalik na si CM." Wika ni Renz habang nakahiga sa sofa.
"At ibang iba na siya ngayon! From the nerdy maldita transform into a fierce Maldita!" Comment naman ni Ethan habang nagbabalat ng mansanas.
"Ou nga eh, grabe kung gaano siya nakakatakot noon mas nakakatakot siya ngayong kalabanin. Tumaas pa nga lahat ng balahibo ko kaninang nakikipag away siya eh, paano pa kaya pag ako yong kaaway niya! Hooh!" Parang tanga tong si Vander, may paakting akting pa na kunyareng natatakot.
"Isa lang ang masasabi ko.... NAGBAGO NA SIYA.." Malungkot Kong pahayag.
"Sa tingin niyo.. May pinaplano ba si CM kaya siya bumalik?" Napaangat ako ng tingin Kay Ethan.
"I don't think so.. Pero kung meron man, I think gusto niyang maghigante." Yan lang ang naisip Kong pwedeng dahilan ng pagbabalik niya.
"Sa tingin ko din." Sang ayon ni Renz.
"Alam mo bro, kung ako sayo.. Magpapakatotoo nalang ako sa sarili ko. Itama mo na Ang mga Mali mo habang maaga pa." Seryosong wika ni Vander.
"Paano?"
"Humingi ka ng tawad Kay CM. Ipaliwag mo yong totoong nangyare at higit sa lahat itigil mo na ang pagpapanggap." Ano bang ibig niyang sabihin?
"Basta! Matalino ka naman eh, paganahin mo yang utak mo." Makahulugang sabi niya.
"Minsan na akong nagkamali dahil utak ang pinairal ko at hindi puso."
"Ano bang sinasabi ng puso mo na kasalungat ng nasa isip mo?" Mapanuring tanong ni Renz na nakaupo na ngayon.
"Ang sabi kasi ng isip ko ipagpatuloy ko lang itong ginagawa ko para makatakas sa katotohanan subalit sa puso ko pwede akong magsisi sa huli dahil sa ginagawa ko." Ano bang dapat kung gawin?
"Alam niyo ang lalabo niyo!" Natatawang Turan ni Ethan.
"Anong Malabo dun?" Tanong ko.
"Isa lang naman ang solusyon dyan eh, ang magpakatotoo. Dahil kahit iniisip mo na magiging okay din ang lahat sa pagprepretend mo, ang tanong masaya kaba sa ginagawa mo? Sabi mo nga diba minsan ka ng nagkamali.. So this time wag mo ng hayaan na mangyare pa ulit yon. Kung ano yong sa tingin mong tama yon ang sundin mo. Wag ka lang dumepende sa nasa isip mo at sinasabi ng puso mo. Just be real to yourself ang go with the flow." Spell nganga.. Kami yon. Minsan lang kasing mag seryoso tong si Ethan pero tinamaan ako sa mga sinabi niya.
"Ethan is right bro! Just be real." Vander.
"Yeah, don't worry Ivan.. Tutulungan ka naming maayos lahat ng pagkakamali mo. At sisimulan natin yon sa paghingi mo ng tawad Kay Sab." Renz.
SABRINA'S POV
"Hi CM." Bati ni Ethan ng madaanan namin sila sa hallway. Magkakasama silang apat.
Hindi ko sila pinansin ganon din ang mga kaibigan ko at nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad.
"Okay kung ayaw mo ng CM, Sab.. Gusto ka daw makausap ni Ivan." Makausap? For what?
"You know what? Please say to your friend that I'm busy.. And can you please excuse as I don't talk to strangers." Mataray Kong sabi sabay bangga pa sa braso niyang nakaharang sa daanan namin.
"You hear my best right? She doesn't talk to strangers.. Tsk. Alis!" Gwen sabay bangga ulit sa kanya na natulala.
"Teka nga lang Sab, bakit CM tawag non sayo? Tanong ni Aleah habang naglalakad kami.
"Oo nga!" Sang ayon naman ni Tin at Gwen.
"That's what students they call me here way back then.. CM stands for Certified Maldita!" Actually naaalala ko pa kung sino yong nagpangalan saakin niyan.. Si Vander, siya yong pinaka close ko sa grupo nila dati. I also remember na siya rin yong first na naging guy best friend ko.
"Ah, I see.." Chorus na wika ng tatlo.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Novela JuvenilSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...