An Accident

13 1 1
                                    

I woke up in a wrong side of my bed. My head is aching like there's no tomorrow. Para akong masusuka na hindi ko alam. Araw-araw ganito ang nangyayari sa akin. Then next, I'm going to vomit. I immediately ran towards to my own comfort room. I opened the toilet tapos sinuka ko lahat ang nakain ko kagabi. I flushed the toilet pagkatapos kong ilabas ang lahat ng suka.

Tumayo naman ako at binuksan ang sink. Naghilamos naman ako ng mukha para hindi mahalata na galing lang ako sa matinding pagsusuka. Pinunasan ko ang aking mukha and faced the mirror. My face looked pale even my lips are dry. Mas naging maputla ang aking kulay ng aking balat ng biglang naging pula ang aking mata.

Damn.

What the hell is happening to me?

Now my eyes turned into red. Pwede na ata akong mag-extra sa mga palabas bilang isang drug pusher o isang adik na nakahithit ng isang kilong marijuana. Iba na 'to.

Putcha.

Pula.

Sobrang pula.

Na parang isang dugo.

Palaging ito nangyayari sa akin. Hindi naman ako nakararamdam ng takot o 'di kaya kaba man lang. Mas nararamdaman ko ang excitement sa katawan ko tuwing lumalabas ang pulang mata ako. Normal lang naman ang pagtibok ng puso ko. Wala rin naman akong sakit sabi ng doctor. Lahat ng parte ng katawan ko ay normal. Sobrang normal. Pero napapa-isip minsan ako kung ano ang nangyayari sa akin. Nasapian ba ako? Mamatay na ba ako? Baka naman kukunin na ako?

Napalunok naman ako sa aking mga naisip. Kung totoo man iyon ay baka katapusan ko na. Putcha. Anong gagawin ko dito? Tumingin naman ako sa salamin at tiningnan ng maigi ang aking pulang mata. Sobrang pula.

Nakokonsensiya na ako. Hindi pa rin alam ni Mama ang nangyayari sa akin, baka atakihin siya sa puso at ma-ospital pa. Mabuti pa ay i-sarili ko lang muna ito. Ayoko rin naman na mag-alala sila sa akin. Dapat ako ang bumuhay na sa kanila hindi na siya.

I sighed and brushed my hair. I should stop thinking about this, baka matuluyan na ako at ipatapon sa malapit na mental hospital. I should divert my attention for finding a job.

I just put a contact lens para hindi mahalata. Baka mamaya maging pagkain ako ng mag kulto sa mga ligid-ligid diyan. Patay na. Tch.

Hinanap ko sa aking bag ang address sa trabaho na mapapasukan ko. Kinuha ko ito at binuksan, iniiwasang mapunit.

"Saan ko naman kaya ito ng parte ng Pilipinas mahahanap?" I sighed in frustration. Sana naman swertehin naman ako dito. Well, I deserved to have a work. I need money. Kailangan kong tustusan ang pangangailangan ng pamilya.

Nababagabag na ako sa address na ibinigay sa akin ng matanda. Ito ay bago palang sa aking pananaw. Hindi normal sa isang matanda na ibigay kaagad ang trabaho ng isang binatang naghahanap nito. Matanda naman ang matanda, maputi na ang mga buhok at ang mga mata nito ay makikitaan mo kaagad ng pagod sa pagtratrabaho.

"Lux Rus" sambit ko. Bigla naman humangin ng malakas. Lumamig ang paligid. My body became stiff. I didn't know how to react. Hindi ko rin alam kung paano magrere-act sa naramdaman ko. Nanlalamig ang nararamdaman ko sa aking loob. Kaba. Excitement. Takot. These feelings are new to me. Sobrang bago. Mamatay na ba ako?

Kung malamig ang nararamdaman ko kanina ay mas lumala ang naramdaman ko ngayon. Lumamig pa lalo. Nararamdaman kong may tumitingin sa akin sa malayo. Malalim. Mapanganib. Tagos sa kaluluwa. Sa likod. Nanggagaling ito sa aking likod. Nakakapaso ang kanyang titig, mga titig na parang kakainin na aking kaluluwa.

Huminga muna ko ng malalim at dahan-dahang tumingin sa aking likuran habang nakapikiit ang aking mga mata. Kung mamatay naman ako, sana naman 'wag muna. Ang pangit ng magiging title ng pagkamatay ko – ISANG LALAKI NAMATAY NG DAHIL SA TAKOT.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon