The Stranger Next Door

8 0 0
                                    

All Rights Reserved.

© 2014

Written by Madeline Gothico

-------------------------**

(No prologue, sorry.)

Chapter 1. SAPPHIRE

"Sapphire, kanina pa tayo naghihintay dito sa Mcdo. Anong oras ba dadating 'yang soulmate mong supot? Tsk." Bored na sabi ni Jewel habang unti-unting dumudukot na ng fries sa fries ko!

Tinapik ko yung kamay niya. "Alam mo, Alahas. Kung nayayamot ka na, pwede mo ng puntahan yung boyfriend mong tukmol. Hindi 'yung fries ko ang target mo." Sabi ko.

"Oo nga, friend. Basta, kami ni Sapphire mag wait lang dito. Hanggang sa dumating na 'yung soulmate namin." NAMIN?! Bigla naman nagpantig yung tenga ko sa sinabi ni Aya.

"Excuse me?"

"Oh, bakit dadaan ka? Alam mo, friend. Lahat tayo pinapangarap siya. Wag kang madamot 'no, at isa pa, hindi ka naman 'yung naunang makakita sa'kanya 'no. Ako kaya ang unang naka-sightchi!" Gatong pa ni Aya.

Wala na kong nagawa at nagmukmok na lang. Kung basehan lang pala ang first sight para lang mapansin niya ko, edi sana matagal ko na siyang hinanap para sa sarili ko. T__T

"Kainis naman e. Ba't ang daming nagkakagusto sa'kanya? Dagdag mo pa sila Raymond! 'Yung baklang 'yun! Nagpapansin pa talaga kay Fafa Stranger! Nakakawala tuloy ng pag-asa na mapansin niya ko. Asar!"

Tiningnan ko sila. At nakakairita, si Aya ayaw pa din sumuko magpaka-matanglawin. Kanina pa siya lingon ng lingon sa labas. Ugh!

At si Jewel? Etong gagang 'to. Kunwari pang hindi interesado kay Fafa Stranger pero kung makapag-search. Dinaig pa ang giraffe sa pagpapahaba ng leeg! Di pa niya kasi nakikita si Fafa in person. Kung baga, asa lang siya sa description namin.

At sino ba si Fafa Stranger?!

*FLASHBACK*

Saturday. May meeting kami for project sa English. At ang meeting place namin? Sa Mcdo. Syempre, eto yung malapit sa school e.

Halos lahat yata ng buong section ng 3rd year ay narito. Busy kasi talaga dahil last quarter na. Kaya, wala sa'min ang balak pumalya, lahat competitive.

Kasalukuyang, inaayos namin lahat ng importanteng crafts nang may biglang pumasok. Wapakels naman ako dun dahil may ginagawa nga ako, pero ang pinagtataka ko lang, halos ang paglipat ko na lang yata ng papel ang naririnig kong tunog. Natauhan na lang ako nang kinurot ako ni Aya, kaya napatingin ako sa tinuro niya,

AND HOLY BLOODY SHIT OF HELL!

Nasa langit na ba ko?! Or rather in hell?! Kasi, oozingly perfectly hottie handsome ang nasa harap ng cashier ngayon. Parang may Greek God na dumaan at lahat ng nasa paligid ko ngayon ay na-freeze at lahat nakanganga? Of course, mostly girls. Ang lakas ng appeal niya, mga bregs. Even Daniella, the chic & probably gorgeous that will fit him. Mataas standard niya, but she cursed when she saw Mr. Stranger.

Yun nga lang, may kasama siyang higad na mukhang nanghiram sa mukha ng asong supot. Ewan? Girlfriend niya 'yata? Pero, bitch please. Nahihiya naman daw ang mukha nila Mahal at Mura sa pagmumukha niya.

*END OF FLASHBACK*

Kaya, lahat ng nakasaksi 'don. Wala na, in love na agad sa'kanya. At may tiwala din na may pag-asa pa sila kay Mr. Stranger dahil na din siguro sa higad na kasama niya. Ang masama nga lang, halos lahat yata ng 3rd year nasa Mcdo 'nung mga panahon na 'yon. Kaya pilit talaga nilang tina-target si Fafa Stranger. Asar lang. Kaya, madalas kami dito sa Mcdo e. Hay, sana talaga makita ko ulit siya, at sana mapansin na niya ko. Hihi.

Oo nga pala, dismissal na namin kaya kami nandito sa Mcdo. Syempre, hindi naman kami marunong mag cut 'no. At, 'yung mga kasama ko? Sila ang drugs ko for eternity. Nakakabaliw kasi sila, este nakakabaliw kasi pag nagsasama kaming tatlo. Kung may Crazy Trios, meron namang Lunatic Trios.

Si Jewel, kahit hot-heated 'yan, baliw 'yan. May boyfriend nga 'yan e, si Lucas Alexander Ramos. Hot ng name 'no? Pero hot talaga siya. Pero mas hot pa din si Mr. Stranger. Si Aya naman? Ayun, hopeless romantic sa crush niyang till infinity na din yata na si Gerard Louie Ortega. Ewan ko lang ah, mukhang may namumuo na nga sa kanila. Pero, wala pa naman na-kwento si Aya kaya wapakels muna ko. Saka na lang, pag nabalitaan kong nag break na sila nang hindi ko pa nalalaman na naging sila pala. Ako pa mismo ang puputol sa where-it-hurts-the-most ni Gerard at ako na magpapa-rehab kay Aya. Ako naman? Wala lang. Pero syempr joke lang. Hindi naman kasi talaga ako interesado sa mga lalaki. I admit na di ko talaga sila feel. Pero, yung incident talaga na 'yun ang nag push para tumibok 'yung puso ko?

Hindi ko alam. Baliw na nga yata talaga ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Stranger Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon