Chapter 3

15 4 3
                                    

Chapter 3

Vocabulary

"Huy! Ang aga aga nakasimangot ka? Miss mo na siya? Puntahan mo na kaya," seryosong sabi ni Nikki sa akin habang hinihintay yung teacher namin.

"Ha? Hindi, kaya! Sinong nagsabing na miss ko si Rowen?!" Bulway ko sa kanya.

"Sinong nagsabing si Rowen ang binanggit ko?" A playful smile plastered on her face. "Si ate Celena ang sinasabi ko. Ikaw ha!"

Nakakahiya! Paano kasi nabigla lang ako eh.

"Ano speechless? Uyy, nag ba blush. Totoo miss mo Ro-" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya, nakita ko kasing papasok na Si Rowen.

"Ano ba!" Sigaw niya sa akin.

"Ang ingay mo hindi naman totoo." napairap na lamang ako.

"Defensive mo nga kanina eh." hindi parin maalis ang nakakalokong niyang ngiti.

Bigla nalang ako napahawak sa kanang balikat ko dahil sa sakit.

"Omo! Are you okay," alalang tanong sa akin ni Nikki.

"Shit! Ang sakit!"

"Diba diyan na part na yan, may birthmark ka?" Tanong Niya. Shit! Paano niya nalaman! Sarili kong katawan wala akong kaalam alam.

"Oo, papaano mo nalaman na may birthmark ako. Eh kanina ko lang nalaman na meron ako nito?"

"Duh! Mas matanda ako sayo ng isang taon kaya nakita ko na yan noong isinilang ka. Kahit bata palang ako noon, hinding hindi ko yan makakalimutan dahil ang weird ng BM mo! Akalain mo star?" seriously? 1 year old? Nakalimutan ko na nga yung nang yari this last few years. Grabe, may powers kaya to?

"Oh? Nandoon ka noong isinilang ako?"

"BFF kaya mama mo at si mommy!" Oo pala. "Sabi ni tita, pag sumakit daw diyang parteng may BM mo, lumalaki daw yan. Pero nakakapagtaka, ngayon lang sumakit. Siguro mag kalapit na kayo ng soulmate mo!" napakawirdo nito. Anong pinagsasabi niya?

"Ang seryoso ng usapan natin, naisingit mo pa yan?" Tanong ko. Ang dami niyang alam!

"Eehh, sabi ni tita, pag sumakit daw yan at nasa tamang edad kana, makikilala mo na yung Knight in shining armor mo!" saan niya nakuha niyan? Naku, siguro nawili na ito kababasa ng romantic books.

"Naniwala ka naman? Bakit ang ingay mo na ngayon? Ano bang nakain mo?"

"Of course, love life mo! Siyempre kailangang i-chika!" Chismosa na siya ngayon. Naku, naku.

"Nikki, ikaw ba talaga yan?" Bakit na siya naging chismosa? Nag bakasyon lang nagbago na agad? As in agad na pagbabago?

"He-llo! Ako nga ito! By the way, patingin!"

Kung makatingin, parang gusto na niya akong hubarin.

"Dahan dahan nga, nahuhubad na ako oh," reklamo ko.

"Lumaki na talaga!" Buti naman at hindi OA niyang pag kasabi.

Pagdating ng break time, lalabas na sana kami nang may humila sa braso ko.

"Uh, pwede bang makisabay?" Okay si Rowen ang humila sa akin. Yan lang talaga sasabihin niya? Pwede namang hindi niya ako hilain eh. Naka titig lang ako sa kanya.

"Pwede bang makisabay?" Ulit na tanong niya. Pinilig ko ang ulo tsaka tumango. Speechless, huh?

"Nakatulala ka diyan? Upo na!" Rinig kong sabi ni Nikki sa akin. Dito na pala kami?

"Ano tutunganga ka nalang diyan? Di kaba bibili?" Eto nanaman si Nikki.

"May baon ako" sagot ko.

"Pala! Edi ilabas mo at kainin mo."

"Nagwapuhan siya yata sa akin," biglang sabi ni Rowen at ngumisi. Nanlaki ang mata ko.

"Hindi ah! Ang kapal naman ng mukha mo!" tumawa naman siya.

"Nag bibiro lang eh."

"Huy! Ilabas mo na sabi eh! Anong gusto mo ako pa ang mag lalabas ng baon mo?" Singit ni Nikki.

Ilinabas ko nga pero pag kalapag ko palang iyong baon ko sa lamesa inagaw na agad ni Nikki at binuksan.

"Huy sa akin yan! Kaya naman pala pinalabas mo eh hihingi ka." Inagaw ko sa kanya at nakakuha siya ng tatlong cookies.

"Thank you!" Sabi niya at linagay sa bunganga ang tatlong cookies, at nag kasya! Grabe!

Bigla namang natawa yong katabi ko. Si Rowen pala. Tinignan namin siya ng masama.

"Peace na! Nakakatawa kasi kayo." Nag peace sign siya ngunit Di parin tumigil kakatawa.

"Balibhasa walang kaibigan," biglang tugon ni Nikki at umirap. Sumeryoso naman si Rowen.

Okay, tumahimik. Ang awkward!

"Hehe, sorry Rowen," sabi ni Nikki.

"Don't call me Rowen, Duke nalang." Pagkasabi niya, tumayo siya at nag walk out.

"Nangyare?" Tanong ni Nikki.

"Tss," that's only I manage to say.

Pagdating namin sa classroom may sumigaw.

"Yohoo! Vacant time na naman!" Si Jurie yun ah. Siya ang pinakamayabang hindi lang sa room kundi sa buong school. Lagi niyang kasama sa pang bubully sina Troshen at Drake. Mga playboy rin ang mga yan.

"Nagsimula na namang mag ingay ang feeling gwapo," rinig kong bulong ni Nikki. Sobrang naiinis talaga siya sa mga F3 at pinangalan niya pang 'Da feeling gwapo' ang grupo nila. Pero ako, wala akong pakealam.

"Niks, ano pwedeng gawin?" Tanong ko sa kanya.

"Punta tayo sa likod, doon kay Rowen-este Duke," sumangayon naman ako kaya pumunta kami dun.

Nakita kong nag susulat si Duke sa kanyang notebook. Umupo Si Nikki sa tabi niya at inagaw iyon.

"Huy! Ano ba, ibalik mo sa akin yan!" Ayan nag habulan na sila.

Sinimulang basahin ni Nikki ang sinulat no Duke habang tumatakbo.

"Yesterday was fun. I enjoyed a lot even if -" naputol ang sinasabi niya nang sumigaw ulit Si Duke. Ano 'yun? Dear Diary lang ang peg? Hahaha. Bakla ba siya?

"Ano ba! Alam mo ba ang salitang PRIVACY? " Binigyan niya pa ng diin yung 'Privacy' . Pero nag hahabulan pa sila.

"It's not in my vocabulary, sorry," patawa niyang sagot. Nang bigla niyang binato sa akin yung notebook ni Duke. Parang Journal.....?

Babasahin ko na sana iyon ngunit bigla niyang hinablot. Pero hindi parin siya nakaligtas dahil nakita ko iyong pangalan ko doon. Anong kinalaman ko kaya doon? Baka siguro kwinento niya lang na nagkaroon siya ng kaibigan kahapon at kami ni Nikki iyon.

____________________

Thanks for reading!

My JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon