Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Niya Ako Crush (One Shot)

103 1 0
                                    

“Uy Ches, wag mo nang tignan ‘di na titingin sa’yo,” banggit sa’kin ng bestfriend kong si Tin.

Totoo naman siya. Tinitignan ko nanaman kasi ang crush ko simula pa ng 1st year ako. Graduating na kami pero ni hindi man lang siya nagpakita na kahit papano gusto niya ako. Siya si Drew Ferrer ang MVP ng varsity namin sa basketball. Sobrang gwapo niya tsaka mabait sa babae. Para sa’kin bagay kami. ‘Di sa pagmamayabang pero may itsura din naman ako, pareho kaming mabait, pareho din kami sa star section ng batch, tapos di naman nagkakalayo height namin, tsaka pareho din kaming sikat. Kung baga, napakacompatible namin. Kaso nga lang, ‘di niya ako gusto.

Binaling ko nalang ulit ‘yung tingin ko sa teacher namin. Nagdiscuss siya sa amin. Practical test naming sa Music ‘yung kakanta ng any song sa harap ng buong klase. After nun, dinismiss niya kami. May mga 30 minutes pa naman bago mag lunch eh.

“Tin, baba na ba tayo?” Tanong ko kay Tin. Sa canteen kasi kami lagi kumakain ng lunch eh.

“Maya na Ches. Kokopya pa kasi ako kay Sky ng homework eh.”

“Ah sige.” Pagkatapos ko sabihin ‘yun, pumunta nalang ako sa may corner ng classroom. Nagsoundtrip lang ako habang pinapanood (or rather, inoobserve) ‘yung mga kaklase ko.

Si Drew, as usual nandun sa mga kaibigan niya. Nagtatawanan sila. Haaay. Ang sarap talaga pakinggan ng tawa ni Drew. Sana naririnig din niya ‘yung tawa ko no? Sana nagagandahan din siya sa tawa ko.

---

Oh shit. Ngayon ‘yung kantahan session namin. Ano ba yaaan. Di pa ako ready. Sa totoo lang, never ata ako magiging ready. Nakakahiya kaya kumanta sa buong klase. Si Tin pa nga lang ata nakakarinig sa boses ko eh!

“Okay class, random ang magiging pagpili ko okay? Sige, magsimula tayo kay Ms. Lim.”

WHAT?

WHY?

NO.

Hindi maari.

Habang ako sobrang kinakabahan, lahat ng mga kaklase ko, chinicheer pa ko. Aba’t mga loko pala ‘tong

mga ‘to eh.

Sinimulan ko na ‘yung kanta. I Wish ng One Direction.

Habang kumakanta ako, sinisulyapan ko paminsan-minsan si Drew kaya lang hindi naman siya tumitingin sa’kin. Para bang lahat ng tao nakikinig sa’kin, pwera lang siya. In fairness, masakit ah.

‘Yung tipong may isang bituin na lahat ng tao nakakakita pero siya walang bituing makita.

Bagay na bagay talaga yung ‘I Wish’ sa kanya eh. Except wala siyang girlfriend – ata.

Pagkatapos nung kanta, umupo na agad ako. Nagpalakpakan naman sila.

“Ches! Ang galing mo kanina ah,” pangiting sabi sa’kin ni Tin.

“Onga eh. Di man lang niya napansin,” sabi ko sabay tingin sa direction ni Drew. True enough, he didn’t seem like he cared at all. Ayun, nakikipagdaldalan lang siya kasama mga kaibigan niya.

After ilang minutes, tinawag na din si Drew. Siyempre naccurious ako kung ano kakantahin niya. Baka kasi may meaning behind his choice of song eh.

Pagkapunta niya sa harap, kinanta niya na ‘yung Crazy Beautiful ni Andy Grammer.

So siguro nga may special someone na siya, ‘yung kanta kasi eh!! ‘Yung lalaki sinasabi niya na kahit anong mangyari, maganda pa din ‘yung girl.

Hay :(

Kaya siguro hindi ako mapansin-pansin ni Drew kasi may iba na siya.

---

Weeks after nung presentation naming sa Music, naging mailap na ko kay Drew. Kung dati tinatry kong magpapansin sa kanya at matutunaw na siya sa kakatingin ko, ngayon sobrang iniiwasan ko na siya. As far from him as possible. Siyempre no, par mapadali yung pagmove on ko, kelangan ko na siyang iwasan. Hindi na nga din ako nagpapapansin eh. Yoko na. Ang pathetic eh.

“Hoy Ches!” Tawag sa’kin ni Tin.

“Oh?”

“Ano meron ba? Ba’t mo siya iniiwasan?”

“Para makamove on ano ka ba! Tsaka di ko siya iniiwasan. Ganto naman talaga kami dati eh. Sadyang di

ko nalang siya tinutunaw.”

“Eh ba’t di mo na tinutunaw?”

“Narealize kong di kaya ng hotness ko ‘yun eh.” Binatukan ba naman ako ng kaibigan ko! Ampotek. Nagjojoke lang naman eh.

“Leche. Minsan na nga lang magseryoso eh.”

“Di kasi dapat minsan. Dapat matuto kang magseryoso lalo na kung seryoso yung tao sa’yo.” At isa nanamang batok! Di na nga joke eh. Humugot nalang ako, may batok pa rin. Ano bang klase kaibagan ‘tong si Tin. He he he joke lang. Siyempre bff ko pa din yan!

“Tama na hugot. Pasama nalang sa Student’s Lounge.”

Bilang isang mabuting kaibigan, sinamahan ko siya.

Pagpasok namin sa lounge, sobrang onti lang yung tao which is unusual. Bale yung mga tao lang ay ako, si Tin, at ‘yung tropa ni Drew, pero wala siya.

“Huy! Nasan si Drew?” pabulong – pero napalakas – na tanong ni Tin.

Nako! May binabalak ata ‘yun eh.

“Ewan ko! Torps kasi eh.” Sagot naman nung kaibigan niya.

Ano daw? Torpe si Drew?

“Ayun na pala si Drew eh!” Turo nung isa pang kaibigan ni Drew sa likod ko.

Pagkatalikod ko naman, obviously, nandun si Drew.

Hay.

Ang pogi niya talaga. Medyo nakataas buhok niya. Tapos amputi at may pagka chinito. Pano ako

makakamove on sa gantong mukha?

“H-hi.” Pashy na sabi sa’kin ni Drew. Enebe! Kinikilig ako.

“Hello,” pangiti ko namang sagot sa kanya.

“K-kasi, may sasabihin ako.”

“Ano ‘yun?”

“Naalala mo ‘yung kanta ko nung sa Music?” Tumango naman ako. Ba’t ko naman makakalimutan ‘yun

eh sobrang heartbreaking nung scene na ‘yun para sa’kin

“Kasi, sa’yo ko siya dinededicate. Hindi man couple-y stuff ginagawa na’tin, pero sobrang cute mo pa din. Para bang kahit anong gawin mo ang ganda mo pa din pagmasdan.”

OH MAY GULAY! Nagcoconfess ba siya?!?

“Pero Drew, alam mo namang crush kita eh. Ba’t di mo man lang pinaramdam na mutual?” Oo na, hayagan na kung hayagan. What’s the point din naman kung itago diba?

“Kasi, feeling ko ang layo ng mundo natin. Basketball lang alam ko. Pero ikaw, dance, volleyball, ice skating. Ano pang laban ko dun diba? Feeling ko I’m not and will never be good enough for you. Pero nung isang araw, kinausap ako ni Tin. Tinatry mo daw magmove on. Kaya tinry kong irisk ito. Baka sakaling may patunguhan.”

“Siyempre Drew, meron. You’re good enough for me okay? Akala ko talaga di mo ko crush.”

“Di naman talaga kita crush eh.” Seryosong sagot ni Drew. WHAT? Eh ano yung kanina?

Sasagot na sana ako pero pinutol niya ulit ako.

“Di kita crush kasi crush na crush na kita to point na mahal na ata kita!”

Pagkasabing pagkasabi niya ‘yun, niyakap ko siya. Words are not enough to express how happy I am right now, how happy I am with Drew by my side.

~~~~~~~

A/N: Hello po. First ever one shot. Nasa gilid 'yung Crazy Beautiful :)

🎉 Tapos mo nang basahin ang Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Niya Ako Crush (One Shot) 🎉
Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Niya Ako Crush (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon