Ma, Sorry

11 0 0
                                    

"Ma! asan na yung uniporme ko? wala na naman ba?"

palagi nalang ganyan, di pa siya nakakapagplantsa ng damit ko

"Ma! bakit wala na namang kanin at ulam dito!! di ka na naman ba nagluto? palagi nalang ba?"

Palagi kong sinisigawan si mama pag walang kanin at ulam.

"Bwisit naman ma! bakit ba ayaw nyo akong bigyan ng pera! gagawa nga ako ng assignment!"

sinisigawan ko si mama pag hindi nya ako binibigyan ng pera para mga assignment ko. at kapag di mo ko binigyan ng pera ay nagwawala ako at papasok sa kwarto, dahil nakakahiya pag pumasok ako sa skwelahan ng walang assignment.
pero pupunta ka sa kwarto at maglalabas ng pera at ibibigay saakin.

"ito, anak pumunta kana sa computeran ng makagawa kana ng assignment mo, dalian mo at baka magsarado na"

binigyan mo ko ng 40 pesos na barya barya, at nung mabigay mo na ito ay..

ihahagis ko ito sa harapan mo at sisigaw.

"Anak pasensya na talaga, kailangan nating magtipid"

nagagalit saakin si mama pag di niya ako mautusan

"Ma! bat ako nalang palagi! andyan naman si ryle! palagi nalang ako! nakakainis naman eh!"

padabog akong umalis sa harapan niya

"Ma! san na naman kayo galing ha!, nakikipaglandian na naman ba kayo ha?, grabe di ka man lang nagluto noh! inuna mo pa yung kalandian mo noh! bwisit na buhay toh oh!"

Naiinis ako sa tuwing umaalis si mama sa bahay, tapos uuwi siya ng madaling araw.

"Ma! pahingi nga ako ng pera ng makabili ako ng mga kailangan para sa project na gagawin ko!"

nanghihingi na naman ako ng pera mo pero di mo na naman ako binighan ng pera, at palaging sinasabi mo ay ..

"pasensya na anak binili ko na ng ulam at kanin natin, pasensya na talaga anak ha"

"Ma! bilhan mo ko ng bagong sapatos, tignan mo oh! sira sira na!"

ang palagi mo namang sinasabi sakin ay ..

"wala pa akong pambili anak, kailangan kong mag-ipon ng pera"

"kung ganyan nalang palagi! di na ako mag-aaral, bwisit na buhay toh! nakakasawa na ma!"

nung sinabi ko yan sayo ay, di na talaga ako pumasok sa skwelahan.

"anak, pumasok kana kailangan mong makatapos ng pag-aaral para makahanap ka ng magandang trabaho"

Ma, wala pala talaga tayong pera noh?? pasensya dahil palagi akong nanghihingi ng pera sayo, kaya pala ginagabi ka ng uwi dahil nagtatrabaho kapa para samin, palagi ka palang pagod ma? pasensya na ma masyado pa akong bata noon masyadong akong naging selfish, sarili ko lang ang iniisip ko at dahil sa kaselfishan ko di ko alam na palagi ka palang pagod kaya pag umuuwi ako ng bahay wala ka..

Ma, sorry! dahil sa mga kagaguhan na ginawa ko ay sumama ka sa iba, sumama ka sa lalaking di mo pa MAHAL, sumama ka para makapag-aral ako ng mabuti at para mabayaran ang utang natin.

Ma, sorry

patawadin nyo ako ma dahil sa mga ginagawa ko sayo, maraming maraming salamat sa lahat!
sorry kasi palagi kitang sinisigawan at palagi akong nagagalit sayo. Sorry Ma, kasi hindi ako malambing na anak. sorry kasi 'di ko maamin ang mga mali ko. sorry kasi di ko masabing MAHAL KITA o mayakap man lang ng mahigpit kapag umiiyak ka sa harapan ko ng dahil sa mga kagaguhan na ginawa ko. Sorry kasi nahihiya ako at naduduwag, SORRY KASI NAGING MASAMA AKONG ANAK SAINYO

--------------------­--------------------­-----------

A/N: Hope You'll Like it, unang una sa lahat maraming maraming salamat sa mga nagbasa o magbabasa palang nito!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ma,Where stories live. Discover now