(🔝Photo of Alex Monterozo🔝)
"Seb??!!" hindi ako makapaniwalang after all this years ay nakita ko na siya.
"Hmmmm?" habang nakatitig sa akin si Seb.
"Ako to si Alex! Yung ka dorm mo nung nag-aaral ka pa sa Princeton." excited kong sabi sa kanya.
Tinitigan niya ko ng husto dahil mukhang hindi na niya ko namumukhaan.
"What the heck?!! Alex ikaw yan?" biglaang sabi naman ni Seb.
"Yup ako nga."
"Kumusta ka na Alex! Ang tagal din nating hindi nagkita."
"Kasalanan mo yon, marami kang ikekwento sa akin."
"Tara magcoffee muna tayo at doon ko sasabihin lahat ng nangyari sa akin." sabay akbay niya sa akin.
Parang nanliit naman ako sa katabi ko ngayon. Iba iba na yung mukha niya, katawan niya, basta yung aura niya nag-iba. Base sa pananamit niya mukhang napakasuccessful na niya, samantalang ako ito ordinaryong tao lang.
Niyaya niya ako sa Starbucks, walang kamatayang cappuccino yung akin at caffè americano naman yung kanya. Aba mukhang na-adapt na niya yung culture ng west side.
"So?" tanong ko sa kanya.
"Hmm saan ko ba sisimulan? Masyado kasing maraming nangyari sa akin sa loob ng ilang taon na ba?" sabi sa akin ni Seb.
"Simulan mo kung anong nangyari sayo doon." sabi ko.
"Ahmmm kaya bigla bigla na lang kaming umalis dito sa pinas ay nagpagamot ako ng sakit ko, I know naman na alam mo na yon kasi sinabi naman ng kasambahay namin na dumadalaw ka daw minsan doon para makibalita."
"Hindi naging madali sa family namin yung pagpapagamot sa akin, halos maubos yung pera nila Mom at Dad. Kaya at some point sinabi ko na lang sa kanila na pabayaan na nila ako. Pero hindi nila ako pinakinggan at tinuloy yung pag-oopera sa akin. At sa awa naman ni God ay naging successful naman yung naging operation." sunod sunod na sabi ni Seb.
"Eh bakit naman parang biglaan naman yung naging sakit mo? Hindi ka ba manlang nakaramdam ng sintomas or what?"
"Ok, ganito kasi yon. Siguro mga 4th year high school ako noon ng madalas akong makaramdam ng hilo, tapos minsan nagsusuka. So nagpacheck ako mag-isa sa isang hospital dahil busy sila Mom at Dad noong time na yon. Doon ko nalaman na ganito pala yung sakit ko." sabi niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko na tila ba naghahanap ng reaction.
"Tapos?" tanong ko sa kanya.
"Nang maconfirm ko din sa ibang hospital yung findings ko ay nagpasya akong magdorm at tumira mag-isa. Ayaw ko man mahiwalay kela Mom at Dad ay nagdorm pa rin ako dahil natatakot akong malaman nila na may sakit ako. Habang tumatanda kasi ako ay napapadalas yung pag-atake ng hilo ko."
"Hmmm kaya siguro madalas ka noon nawawala na lang sa dorm, kasi nagpapacheck up ka?" unsure ako sa sinabi ko.
"Yep, atleast kapag solo lang ako ay walang nakakaalam ng mga kinikilos ko. Unlike kapag nandoon ako sa bahay ay malalaman at malalaman nila na may secret agenda ako." si Seb.
"Pero sa tingin mo ba nakatulong yung ginawa mong paglilihim sa kanila? Hindi ba mas lumalala lang yung sakit mo?" walang halong panunumbat na sabi ko sa kanya.
"I know na mali yung naging decision ko dahil inilihim ko pa sa kanila na may sakit ako. Pero hindi rin kasi madali para sa akin na makita yung mga parents ko na malungkot at depressed sa sakit ko, kaya noong time na yon mas pinili ko na lang na itago sa kanila."

BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
General FictionLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...