MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *40*

178 1 0
                                    

Hindi ako makapaniwala, parang magic pa din ang nangyari. I can't believe I would fall for a man that always ruin my day, has made me cry and always argue with me all the time! Sino ba naman din ang magaakala na ang katulad niyang gwapong mayabang na masungit at bipolar ay mamahalin ang katulad kong simpleng babae.Hindi mayaman.May white heads, never nagsusuklay at never naging fashionista!

Pakisampal nga ako! Feeling ko panaginip lang lahat ito! If this is a dream, please don't wake me up anymore.

Naglalakad kami ngayon pauwi sa bahay. Take note: Holding hands while walking! Hinalikan lang, holding hands agad?

Eh kasi siya eh, hinawakan ako pagkatapos akong halikan! Medyo nahihiya pa nga siya eh at nanginginig. Pero.. Ooohh,that kiss.I remember it again! Kung okay lang ulitin, gusto ko sana eh.Nakakabitin!

Teka! Zoe! Ano ba sinasabi mo? Sira na ba talaga utak mo? Eh nakakaadik kaya! Hindi! No! Erase erase! Ang manyak manyak mo! Nahawa ka na ba kay Brian?

Inalog ko ang ulo ko para alisin ang buwiset na nasa utak ko, kailan pa ako naging adik sa kiss?

"Okay ka lang?"

"Hindi-este oo! Oo, okay lang ako!"

Nawala ako sa pagmumuni muni nang biglang nagsalita si Brian, siguro nakita niya na inalog ko ang ulo ko, baka akala niya nababaliw na ako.

"Ano ba iniisip mo?"

Iyong halik mo.

"Wala."

"Asus, ano nga?"

Iyong halik mo nga!

"Wala nga sabi!"

"Ano nga sabi eh!"

"Sinabi nang 'yung halik mo nga!!"

Napatigil siya sa paglalakad at nagtaka naman ako. "Baket ka tumigil?"Ngumiti siya ng nakakaloko.

Huh? Bakit siya ngumingiti ng pang manyak? Wala naman akong nasabing—

"Sinabi nang 'yung halik mo nga!!"

"Sinabi nang 'yung halik mo nga!!"

Nanlaki ang mata ko at napatakip ako ng bibig! Anak ka ng limang pating!! Ano ba itong nasabi ko!! Whaaaaa!!

Nakakahiya! As in! Narinig niya kaya? Malamang Zoe! Hello? Hindi iyan ngingiti nang pang manyak kung hindi niya narinig!! Whaaa!!! Oh dagat, alunin mo na ako!

Nag fake cough ako at bumitaw sa kamay niya, "A-Aray ang sakit ng ulo ko, nahihilo ako! Una na ako ah! Bye!"

Dali dali akong tumakbo. Nilingon ko siya at nakitang tumatawa tawa, buwiset siya! Nakakainis kasi! Dapat nasa isip ko lang iyon eh! Bakit ko ba nasabi! Muntik pa akong matapilok sa sobrang pagmamadali para hindi niya ko mahabol! Kainis talaga! Ang clumsy slash ang tanga mo talaga, Zoe!

[PHOTOGRAPHER'S POV]

"Heto na po ang mga panibagong litrato," Iniabot ko ang mga litratong nasa loob ng maliit at pahabang brown envelope.

Kinuha ng kausap ko ang mga litrato doon. Tiningnan niya isa-isa. Tumaas ang kilay niya sa pangatlo hanggang panghuling litrato, crinumpled niya iyon gaya ng iba niyang ginawa sa mga binigay ko.Galit at pagkabwisit lang ang nakikita ko sa mga mata niya.Halatang hindi niya nagugustuhan ang mga pangyayari.

"Ayan ang ipinasa nilang bago saakin, ayan daw ang kaganapan sa kanila ngayon."

Hinampas lang niya ang kamay niya sa lamesa at hinimas himas ang noo.Yumuko ako bilang respeto, "Kung wala na kayong ibang ipaguutos, mauna na po ako.Iuutos ko nalang na ikalat ulit sa school nila ang mga pictures na iyan para lalong maging kumplika—"

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon