And The More That I Ignore This Feeling

384 24 8
                                    

"Sigurado ka sa desisyon mo Henry?" seryosong tanong nang ama niya.

Hindi naman ito galit sa kanya. Hindi rin nagulat sa sinabi niya, bagkus, mukhang naa-amuse pa ang hitsura nito.

"I'm serious, 'Pa."

"O akala ko ba, when you reach 30, saka mo gagawin yan? You're only, what, 21, 22? Heck, you're too young to even go there!"

"I maybe 22, 'Pa, but I feel like I'm 50 sa responsibilidad na ibinigay nyo sa akin ni Lolo!"

"Are you complaining now?"

"Hindi sa ganun, 'Pa. I'm just feeling too old already, that's all."

"At pagpapakasal ang solusyon mo para bumalik ka sa pagkabata? What kind of decision is that? Naturingan kang genius pero parang pumapalpak ka sa aspetong yan."

"'Pa, all I wanted to say is that I want to get married, but not now, as in now. Maybe next year, or 2 years after. Depende as isasagot niya."

"Who?"

"Pa...."

"Sino nga eh wala ka namang ipinapakilala sa amin ng Mama mo."

"Kailangan ko pa ba siyang ipakilala sa inyo? You know her already!"

"Marami akong kakilalang posible mong maging asawa. Andyan si Monique, si Andrea, si Beatrice, si Liza, si Yasmine. Sino pa? Si Aida, si Lorna, si Fe..."

"Pa!"

"Ano bang problema ninyong mag-ama at halos nanggigigil ka na sa papa mo, Henry?" narinig niyang bungad agad ng mommy niya ng pumasok ito sa library.

"Si papa kasi!"

"Tikin?" sita ng mama niya sa asawa nito.

"Eh mag-aasawa na daw ang panganay mo. Tinatanong ko lang naman kung sino ang malas na mapapangasawa niya," kaswal na sagot nito.

"Asus! Mag-aasawa lang pala, ginagawa mo na namang.....what?!?!?!??

Biglang naging hysterical ang nanay niya. Humarap ito at hinawakan ang magkabilang balikat niya. He is towering his mother, mas matangkad pa nga siya kesa sa tatay niya, yet his mother held him as if he's a one-year old kid.

"Mag-aasawa ka na talaga Henry?!?!?" hindi makapaniwalang tanong ng mama niya. "Don't tell me it's not her! It should be her! It must be her!!! Tell me it's her, her her!!"

"Ma!" Mas malala pa pala ito sa tatay niya.

"Tell me it's her!Please, please, please?"

"Of course it's her, Ma. Alam mo namang walang iba, di ba?"

"Aaayyyyyyiiiieeee!" tili nito nang sobrang lakas.

"Ma!" gulat pa rin siya sa lakas ng power nitong tumitli. Naturingang bansot sa pamilya nila, sobra namang lakas ng boses ng nanay niya lalo na kapag tumitili, not mentioning ito rin ang "boss" sa bahay nila.

"Maja!" saway naman dito ng papa niya.

"Whhaatt??"

"Ang boses mo! Gusto mo bang mabasag ang mga muebles dito sa bahay?" his father complained.

"I don't care kung mabasag sila lahat!" sagot naman nito. "Papalitan mo naman di ba?" mataray na sagot nito.

"Of course, dear!" malumanay naman agad ang boses ng papa niya.

Bumalik ang atensyon ng mama niya sa kanya. "Did you propose to her anak? When? Where? Was she excited? Teka, hindi ko pa naman ibinibigay sa 'yo yung heirloom ng lola mo ah, what ring did you give her?" Umatake na naman ng kadaldalan ang nanay niya.

Afraid For Love To FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon