" FOUR GODS "
" HAHHHH! HAAAAHHHH HAAHHHH!! " ( " Walanghiya! Magpakita ka Duwag!!! " ) " Rodney
BANG!!!
Rodney : AAAAAARRGGHH!!
Sapul sa Hita si Rodney ng isang Bala na hindi nya alam kung saan nagmumula.
BANG! BANG! BANG!
Rodney : EYAAARGGGH! Iiigghh! Raargghh!! Hahhh! Hahhhhh! Hahhhh!! Magpakita Kaaa!!!
Windtakers : Unti unti... Mas nakakatuwang tingnan ang mga Taong unti-unting nakikita kong namamatay..
Pero dahil mabait ako.. Tatapusin ko na ang Paghihirap mo..
Rodney : AAAAAAAARRGGHH! NASAAN KA DUWAAAAAG!!!
Windtakers : Aaah! Makapal ang Vigor sa Itaas na Bahagi ng Katawan mo ah. Lalo na sa iyong Ulo...
Pero walang nakakaligtas sa Bala ko alam mo ba yun?... Terror Hawk!?!?!
BAAANNGG!!!
SETHRO ACADEMY ( FEW WEEKS EARLIER, 4 DAYS AFTER POLLY REI BEACH OUTING )
" Wow! Ang ganda naman ng Uniform na Design mo, Diamari! "
Diamari : Salamat, Chin Yi
Chin Yi : Ito na ba yung Final ng Uniform ng Goliath?
Nishea : Uu Chin Yi. Ako din gusto ko nang suutin eh.
Harold : KAILANGAN BA ANG SUKATAN (CHOMP! CHOMP! CRUNCH! CRUNCH!)
Diamari : Next week daw sabi ni Admin Leidi
Harold : GANUN BA?... YUNG IBANG SECTION TAPOS NANG SUKATAN. TAYO TALAGA LAGI HINUHULI KAHIT STAR SECTION TAYO!
Nishea : Oo nga yung iba nga din may Uniform na.. Kakainggit tuloy.
Ilang sandali pa ay parating na si Erikka sa kinapupuwestuhan nilang Apat. Nagmamadali ito at nagkakandarapang makalapit sa Kanila
Erikka : GUYS! GUYS! GUYS!
Chin Yi : Oh, Erikka bakit humahangos ka?
Erikka : Kahhhhh! Hahhhhh! Hahhhhh!!!.....Guys! Nakapaskil na yung mga Section sa Bulletin Board!!!
Chin Yi : Talaga!?!?!... Teka! Puntahan natin Dali!
Nishea : Ano kaya section ko?! *Flapping Wings*
Harold : HUUY! SANDALI HINTAYIN NYO 'KO!
INFORMATION PLATFORM
Pagdating nila ay marami nang mga Estudyante ang tumitingin sa Bulletin Board
Chin Yi : Excuse me lang oh! Excuse me! Makikiraan po!!!
Nauna nang makarating si Nishea at sinu-swipe ang listahan ng mga Estudyante
Nishea : Teka...Saan pangalan ko?.. Hmm..
Chin Yi : Peste, Xiaofu...Xiaofu.. X..X..X...AYUN! GOLIATH! WOO, SAFE!!!
Nishea : Yes! Goliath Ako..Hihihi!
Erikka : Oo nga Goliath na tayo halos ah. Yung iba kaya?
Diamari : Whoa!?!?! Goliath ako?!?...Pero paano?...Ang Galing *Smile
