~*~Tumigil lamang ako sa pag-iyak nang namanhid na ang aking dibdib sa lahat ng emosyong nadarama. Unti-unti kong itinayo ang nanghihina kong katawan at mabilis na sinulyapan ang dalawang taong nagdulot ng iyon sa akins.
Kumalas na si Arlene sa halik nila pero ang paghaplos niya sa pisngi ni Chris ay nagdulot na naman ng pinsala sa dibdib ko. Manhid na ako, diba? I should be! Bakit ko hahayaang gumuho ang pader na itinayo ko ng mahabang panahon para lang sa pangyayaring ito?
Walang wala ito kumpara sa sakit na naramdaman ko noon. I thought I am now stronger than before but...I just lost it again!
I shouldn't let my heart fell for him again in the first place. Or did I ever stop loving him?
Natigil ako sa aking pag-iisip nang makita kong umalis na si Arlene. Nasaan na siya? But that was the last thing I should be worrying right now. Kailangan ko ng umalis dito.
Nakahanap ako ng tyempo nang bumalik na si Chris sa loob. Maingat akong nagtago ng dumaan siya. Nang nakasiguro akong wala na siya ay saka ako lumabas doon at agad na pumara ng taxi. Nakahinga ako ng maluwag nang matagumpay akong nakaalis doon.
Alam kong kabastusan ang bigla kong pag-alis ng hindi nagpapaalam man lang kila Kiana. But I don't want to be morbid in front of them. Nagkakasiyahan sila at ayokong humarap muli sa kanila na mugto ang mga mata.
And most of all, I don't want to face Chris right after I witnessed that scene.
Hatred. That was all I'm feeling for him right now.
How dare he to make me feel like I am so special to him? That he still care for me? And he even lied to me when he denied that he's not in a relationship to her or to any woman?
He's still the same cheating bastard I know. I just feel so disappointed but I have to blame myself also. I should be using my head and not with my freaking weak heart!
"Mel? Bakit hindi ka hinatid ni Chris? May nangyari ba?" Tanong ni Ate sa nag-aalalang tono nang makauwi ako.
Nasa sala siya at kasalukuyang nanood nang madatnan ko. Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso nalang sa kwarto. Marahil ay napansin niya ang pagiging matamlay ko at ang namumugto kong mga mata kaya sinundan niya ako sa kwarto para intrigahin.
"Wala, Ate. Pagod ako kaya magpapahinga na ako." sagot ko sa kanya sa pagod na tono habang inaabala ko ang aking sarili para makaiwas ng tingin sa kanya.
"Melissa, sabihin mo sa akin ang nangyari—" pagpipilit niya pero agad akong nagsalita.
"Ate, please. Will you just leave me alone? Please, hayaan mo muna ako ngayon. I need to fucking rest!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses sa kanya.
Sa sobrang pagod, sa sobrang poot, sa sobrang pagkadismaya...wala na akong lakas para makipag-usap at magpaliwanag pa sa kanya. I am so damn drained.
Hindi ko na hinayaang sumagot siya. Tumuloy na ako sa bathroom para maligo at makapagpahinga na. Sana naman ay maintindihan niya ako.
I put my robe on and went out of the bathroom after taking a cold shower. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang tumingin ako sa labas. Mula sa kwarto ko ay natatanaw ko ang paligid sa baba ng aming mansyon. When my eyes landed at the gate, agad sumikdo ang puso ko nang makita ang sasakyan ni Chris doon.
What is he doing here again?
Bigla akong nangamba na baka pumasok siya pero nawala din agad iyon nang makita kong naroon siya sa harap ng gate at kinakausap si Ate Margaux.
They were talking seriously and I saw Chris nodding gently. After a while, sumakay na si Chris sa kanyang sasakyan at umalis na. Tumingala si Ate at nahuli niya akong nakatanaw doon. Walang emosyon sa kanyang mukha pero ang pag-iling niya ay sapat na para iparating na alam niyang may nangyari na namang hindi maganda.
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
ChickLit[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...