10th Letter

3.4K 85 0
                                    

Mom,

This will be my last letter for you. Ilang oras na lang ang natitira sakin mom. Mamimiss kita ng sobra.

Mommy, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at palagi lang akong nasa tabi mo at babantayan ka. Sa labing-pitong taon kong pamumuhay sa mundo, ikaw lang at si Dad ang minahal ko. Kahit na hindi mo naipakita na mahal mo ako, alam ko na sa puso mo, kahit sa kailaliman nyan. Mahal mo ako dahil anak mo ako.

Wag kang umiyak mommy ah? Gusto ko na malaman mo na masaya kong lilisanin ang mundo na to. Maging masaya ka para sa akin mom kasi makakasama ko na si Dad. Wag mong hahayaan na malunod ka sa depression o stress. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal ka namin ni Daddy at palagi lang kaming nasa puso mo.

At sa tuwing malulungkot ka, isipin mo lang kaming dalawa at bahala na ang hangin na yumakap sayo.

Mahal na mahal kita, Mommy.
This will be my farewell. We'll see you soon. We'll wait for you, Mom. :)

                                             -Arianna

The Daughter's Letter (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon