"di ko mabuo tong sinasabi ko. pero lalakasan ko na yung loob ko, mahal kita! sobra. kaya masakit sakin to kasi alam kong nasasaktan kita."
naiiyak na ako sa sinasabi nya, pero wala pa din akong idea.. "a-ano bang ibig mong sabihin?"
"aalis na ako, mahirap kasi magkakalayo tayo. gusto ko maging masaya ka, wag mong ikulong sarili mo sakin na hindi sigurado kung makakabalik ba ako."
"K-kala ko ba, napag-usapan na natin to?" umiiyak kong sinabi sakanya, oo umiiyak na ako di ko napigilan. "Sinabi ko naman na mag-aantay ako diba."
Umiiyak na din sya. "Mahirap sakin to."
"Anong akala mo sakin? hindi nahihirapan?" pinunasan ko yung luha ko "b-bahala ka na. gawin mo kung anong gusto mong gawin." ngumiti ako sakanya "kung saan ka masaya, dun ako." tumalikod na ako at iniwan ko syang nakatayo.
niyakap nya ako. "p-pano kung hindi ako masaya?"
"gusto mo yan diba?" kumakalas na ako sa yakap nya
"Yana naman eh." nararamdaman ko nang nababasa yung leeg ko, dahil sa luha nya.
Humarap ako sakanya. "Gab, diba sinabi ko sayo? Gawin mo kung anong gusto mong gawin. alam mo naman na sinusuportahan kita sa lahat ng bagay, kaya susuportahan din kita dito. mahal kita." hinalikan ko sya sa pisngi. "Maghihintay pa din ako."
_______________________//
"Hey!" pinitik ni jules yung noo ko.
"Aray!!" Reklamo ko sakanya sabay hawak sa noo ko.
"May yana pa ba kaming kausap dito?" Sabi ni jules kay jam.
"Wala na ata." I rolled my eyes
"wag naman kayong ganyan! hahaha." kung wala sila malamang sobrang lungkot ko na.
Andito nga pala kami sa canteen ng school, vacant.
umupo yung grupo nila gab sa lamesa naming tatlo.
"Look who's here" sabi ni jam.
"Si mones, yung crush ni jules" Sinigaw ko talaga para marinig ni mones.
"Tyaka si gab, yung nanakit kay yana." Punyetang jules to!!! sinamaan ko sya ng tingin at binigyan nya lang ako ng 'oh ano ka ngayon? look.'
"pwede naman kami umupo dito diba? wala na kasing available seats eh." Sabi ni paulo.
"O-okay lang." Sabi ni jam
"Wait. i smell fishy." bulong ko kay jules
"Oo nga sis." pano naman kasi kung maka tingin si jam kay paulo sobrang lagkit.
Dine-dedma ko lang yung appearance ni gab, para kunyari di masakit.
"Ah, gab." oo nga pala, may naalala ako. "Pwede peram ng el fili mo?"
"yieeeeee" sabay sabay nilang sabi.
"ah, pwede naman. kaso nasa taas eh."
"sige, puntahan nalang kita mamaya. thank you!" ngiti ko sakanya.
Umakyat na kami ng matapos kaming kumain, at mga 15 minutes ay pinuntahan ko na si gab sa likod ng stage.
"Making, samahan mo ko." sabi ko sa kaklase ko na naging kaklase nila gab.
"Saan?"
"Dun oh." tinuro ko yung direksyon nila gab. binigyan nya ko ng 'ano meron? look.' "ah, hinihiram ko kasi el fili nya."
"Oh. okay." Tas bumaba na kami at pumunta sa backstage.
"Gab, tawag ka ni yana." sabi ni making habang malayo-layo ako sakanila. pero naririnig ko pa din pinaguusapan nila.
Nasa hagdan sila gab, kaya pagbaba nya nakita ko kung ano yung sumunod na nangyari.
Tugsh. Tugsh. Tugsh.
"Pfft." pagpipigil ko nang tawa.
"Wahahahahahahahaha" Sabay-sabay na tawa nila mones, paulo at making.
Tumalikod ako para kunyari di ko sya nakita.
"Guys naman. wag na kayo tumawa!" pamamaktol nya.
Umakyat na kami sa 3rd floor kung saan yung room nila.
Pagka-abot nya sakin nung el fili nya, may naka-dikit doon na papel sa harap.
'Pwede ba tayo mag-usap? Aantayin kita sa likod nang auditorium. Walang makaka-kita sa atin doon. Uwian natin ha? Please come.' -gabriel