Chapter 9

1.6K 20 0
                                    

Sapphire's POV

☆BHO CAMP☆

Nandito kami ngayon sa clinic ng BHO CAMP kasalukuyang ginagamot ni Tita Autumn si Ysh.

"Sapphire may tama ka rin kailangan mo ring magamot. Jeralden paki asikaso si Sapphire." -Tita Autumn

"Tita... Please save him." Tinanguan nya lang ako, bago sya muling nagpatuloy sa pag alis ng bala sa dibdib ni Ysh.

Inasikaso na rin ako ng nurse na inutusan ni Tita Autumn.

"Ma'am natulala ka na sa kagwapuhan ng lalaking yun. Ma'am alam nyo gusto ko dito, sana dito na lang ako magtrabaho habang buhay! Kahit libre pa. ang gugwapo  ba naman ng mga dinadalang pasyente dito, busog ang mata ko. Hihihi." Hindi naman ako na inform na madaldal pala ang isang to.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?."

"Ay si Ma'am ang ganda ganda ang bingi naman. Jeralden po ang pangalan ko. Ma'am ang ganda nyo po, kutis artista pa. Ay wait lang ma'am kamukha nyo yung isang car model ni Sir Phoenix. Oh em jiii!! Ma'am ikaw yun!. Alam nyo Ma'am ang ganda nyo sa picture pero mas maganda pala kayo sa personal. Ang ganda nyo talaga... Ma'am selfie tayo." Nilabas nya pa ang cellphone nya at nagpapicture nga sya sakin. "Ma'am smile! One.. two.. three.. pretty!. Ma'am ang ganda natin o post ko to sa Instagram account ko, kayo po Ma'am anong UN nyo? Itatag ko kayo pati ifollow na rin kita. Siguro andami nyong followers ang ganda nyo po ehh. Hihihi"

"Aasikasuhin mo ba ako o magpapapicture ka na lang?."

"Pwede pong magpapicture na lang?."

"Abat?! Gusto bang mawalan ng trabaho?, Rule number one bawal gumamit ng cellphone sa oras ng trabaho."

"Ang sungit. Hmmp!" Naramdaman kong itinurok nya sa akin ang syringe.

"Aaaaaarrrrraaaayyy!" Nagulat sya nang marinig ang pagsigaw ko maging ang mga nurse staff ay napatigil sa ginagawa nila at napatingin sa pwesto namin.

"Ay si Ma'am naman nung tinamaan ng bala ni hindi manlang umaray, tapos nung tinurukan, dun umaray parang kagat lang ng langgam ehh. Yung totoo Ma'am tao ka po ba?." Abat ehh sa takot ako sa karayom ehh!. Don't get me wrong hindi lang naman ako ang takot pati rin kaya ang mga Elite Agents no!. Oo hindi kami takot sa bala pero takot kami sa karayom. (*>_<*)

"Aish! Tapusin mo na nga! Andami pang sinasabi." Nagmadali naman sya. Hindi rin nagtagal natanggal na nya ang bala sa balikat ko. At tinahi ang sugat ko.

Matapos nyang gawin yun umalis na ako sa harap nya baka mamaya isaksak ko sakanya yung syringe na ginamit nya sakin. Magiging criminal pa ko ng dahil sa babaing yun.

Pumunta ako sa lagayan ng mga gamot dito, kailangan kong kumuha ng gamot para hindi magkapeklat ang sugat ko. Sayang ang kutis ko noh!. Buti na lang nakaimbento ang mga experiment department ng ganito. Astig namin no?.

Nang makuha ko na ang kailangan ko, binalikan ko na si Ysh. Pag bukas ko ng pinto ng kwarto nya nakita kong nakahiga sya sa gurney nagulat ako ng makita ko dun si Ycz.

"Mommy!. Dad... Daddy Ysh nandito na si Mommy." Gising na pala si Ysh.

"Hi,. Kamusta ang pakiramdam mo?." Sinubukan nyang umupo kaya naman tinulungan ko sya.

"I'm fine, you how are you? Ok ka na ba?." -Ysh

"I'm fine too.." -me

"Mommy, pwede na daw umuwi si Daddy Ysh!. Daddy tara na punta na tayo sa room namin." Hinila na ni Ycz ang Daddy nya palabas dito.

"Ycz be careful kakaopera lang ng Daddy mo!."

"Ooppss sorry, I love you!" Napailing na lang ako sa kakulitan nya. Lumabas na rin ako ng Clinic.

BHO-CAMP:  His Secret Agent FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon