After namin kumain ni Luther ng Chocolate Flavor icecream we decided na pumasok sa school. Naiinis daw siya sakin dahil unang araw ng klase ay ayaw ko pumasok. I don't know how we got this far. I mean-- hindi naman talaga kami friends noon. We still not now. Ano kami? I really don't know.
I admit I have something special for him. Natatakot lang kasi ako baka isang araw mahal ko na siya pero laro lang pala ang lahat sa kanya. I don't want a relationship like my Mom and Dad have.
"Whatever's bothering you.. just ignore it." Salita niya ng makatuntong kami sa tapat ng room kung saan ang sunod na klase. Luther kindness to me means a lot to me. And I think he's sincere for what he's giving me.
But still, wala kaming label. Walang attachment, walang strings.
"Still in my class, Vera Cruz?" Napayuko ako ng makapasok kami. Si Miss Ana pa din ang prof namin sa isang subject namin.
Humiwalay ako ng landas kung saan uupo si Luther. Ni hindi ko na nga liningon kung saan row ako napa-upo.
"Is that your way to say you miss me, miss?" Preskong salita niya sabay upo sa gitnang row katabi ng kumpol ng mga babae. Nakita ko kung paano nag alburuto sa sobrang kilig ang mga nakatabi niya. I rolled my eyes instantly. Gago talaga niya! Pagkatapos iparamdam sa akin na may special sa amin eh maglalandi na naman.
"Jesus! Vera Cruz! I'm happy that this is your last year here.." umiiling na salita ni Miss Ana kaya nagbulungan ang klase, ang iba naman ay humigikgik sa hindi mo malaman na dahilan.
"Why people are so rude nowadays?" Sagot ni Luther. Hindi ko alam kung na offend siya or what pero seryoso lang ang mukha niya.
Nagdiscuss si Miss Anna about sa usual stuff.. like the do's and the dont's etc..
"Okay, tutal eto naman ang huling year niyo as students. I want you to get a partner for the whole year activities. I prefer a boy and a girl." Pagkasalita ni Miss Ana ay napuno ng ingay ang silid. Tila ba nagtuturuan kung sino ang para kanino at kanino ang para kay sino.
Umikot ang mata ko. Isa isang nagtayuan ang mga kaklase ko para pumili ng partner nila. Tahimik lang akong nakaupo waiting for the right time to approach Luther. Sino pa ba ang pipiliin ko? I'm comfortable and happy to be his partner. Ang tanong lang eh kung gusto niya din ako.
Umiling ako ng makita ko si Luther na napalibutan na ng kababaihan. How will he choose me now? Sa dami ng putahe sa harap niya malamang ay hindi na niya ako maalala.
I sighed heavily and roamed my eyes para makahanap ng partner. And the heck with the rule that it should be a girl and a boy? Ano pinaglalaban ni Miss Ana dito?
"Hi," halos mapalundag ako sa gulat ng may magsalita sa gilid ko. Sa sobrang daming tumatakbo sa utak ko ay hindi ko manlang namalayan na may katabi pala ako.
"Hello?" I answered him awkwardly. Naiilang kasi ako sa maitim at very expressive na mga mata niya. "Transferee ka?" Sunod na tanong ko. Hindi ko naman siya kasi nakita ever sa campus.
Bahagyang tumawa ang lalaki. Lumabas ang magkabilang dimples niya na nakakuha ng buong atensyon ko. There is something with this guy na hindi ko alam kung ano.
"Yup." Maikling sagot niya sabay lahad ng kamay. "Eros Fuen--" kumunot ang noo ko ng hindi niya na natuloy ang sasabihin niya.
"Eros, what?" Pag-ulit ko. Bahagyang lumunok ang lalaki tila ba nagdadalawang isip kung magsasalita o ano.
"Eros Fuentebella." Ngumiti siya kaya tumango ako at tinanggap ang kamay niya. It's really weird. Mayroon talaga akong nararamdaman kakaiba para sa kanya. I can't explain pero meron talaga.
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
Ficción General(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..