Chapter 8 - Behind the Mask

406 28 4
                                    

AKESHA REIN’S POV:

“oh Beejhay? Bakit ka nandito?” gulat na tanong ko.

“Oh! It seems that you’re busy with SOMEONE.” At inemphasize talaga yung word na someone. Yung mukha nya parang seryoso na ewan. Ano bang problema neto?

“Nga pala, Si Arvin, friend koand nasa Section – B sya. Arvin, si Beejhay, classmate ko and transferee lang sya after sembreak.” Dirediretso kong pagpapakilala sa kanila. Pero parang may namumuong tension sa pagitan nilang dalawa, and I see it through their eyes.

“Akesha, sige. Salamat sa mga tinuro mo, sa susunod nalang ulit ah! Here’s your food pala.” Sabay abot ni Arvin ng isang paperbag with food.

“uy thank you. Anyway, no problem with that. Pwede mo akong lapitan anytime basta di ako busy.” Sabi ko sakanya.

“Gotta go! See you tomorrow. Bye!” sabi ni Arvin sabay takbo sa sa Car nya. Naalala ko nasa likod pala si Beejhay and to my surprise nakatitig pa din sya ng masama kay kay Arvin habang papasok ito sa kotse.

“Uy! Anong problema?” sabi ko sakanya while poking him. Nakita ko naman syang nagulat pero hindi nya pinapahalata.

“Tara, samahan mo ko. Kanina pa kita hinahanap.” Sabi ni Beejhay, still in blank expression. Ano ba problema neto?

“Hmmm. Saan naman? Saan pala sila Drea?” tanong ko.

“umuwi na sila. Tara na. Sagot ko.” Sabay hawak nya sa kamay ko papuntang kotse nya.

“teka? Saan ba tayo pupunta?” tanong ko habang hinahatak nya ko papunta sa kotse nya. Yung totoo? May moodswing ba ang lalaking to?

“Basta. Sakay na!” sabi ni Beejhay pero parang inuutusan nya ko. Nagulat naman ako sa sigaw nya. Syempre papayag ba ko na ganunin nya ko?

“At bakit ako sasakay aber? Sino ka ba sa akala mo para sigawan ako ng ganyan? Hoy Beejhay, ikaw palang ang nakagawa sakin nyan! At ano ba nagawa ko sayo para hatakin mo ko at sigawan dito?!” galit na tono ko sakanya.

Aalis na sana ako ng hawakan nya braso ko.

“What?!” sigaw ko.

“Sorry.” Walang expression na sagot nya. Tinabig ko ang kamay nya at tumakbo na paalis. Hindi na nya ko napigilan dahil dun.

BRENT JOSEF’S POV:

F*CK!! Nakita ko nanaman ang isa sa mga mortal kong kaaway since birth. OA ko ba? Hindi siguro. Dahil ultimo parents namin magkaaway at magkaribal sa negosyo. At isa sa mga kalaban ko sa gang sa underworld society.

YES. May gang ako. Kami ni Miguel.

BLACK KNIGHTS yan ang pangalan ng grupo namin ni Miguel. At kaya kami umalis panandalian ni Miguel, ay para mabuhay kahit papano ng normal. Kaso andito rin pala si ARVIN JAMES VILLAVICENTE, ang Heir ng Villavicente group of companies. Bakit niya ba nilalapitan si Rein? May gusto ba sya kay Rein?

Nang mangyari ang insidenteng titigan kanina habang andun si Rein, talagang nag-init at kumulo ang dugo ko. Sya ang dahilan kung bakit ako nababadtrip kanina. Nakita ko sya sa kabilang Classroom habang naglalakad papasok sa Classroom namin.

Dito pala sya nag-aaral sa Freedom Academy. Bakit di ko naisip na alamin kung saan sya nag-aaral.

Sa sobrang init ng ulo ko, di ko napigilang hatakin lpalayo si Rein at ayain umalis. Kaso andami nyang tanong.

“Basta sakay na!” kaya nasigawan ko sya ng di sinasadya. Nagulat ako sa sarili ko nang masigawan ko sya at kita sa mukha nya na nagulat din sya.

The Real Elite Princess (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon