King of My Life

74 5 2
                                    


Minsan kong napagtanto sa buhay ko na hindi porket mahal ka ng isang tao ay hindi ka na niya kayang saktan.

Sabi nga ng isa sa mga paborito kong mang-aawit, "Everybody is going to hurt us, we just gotta find the one who is worth suffering for"

Ang akala ko kapag mahal ka ng isang tao hindi ka niya kayang iwan, pero mali pala ako.

Wala pala talagang permanente dito sa mundo. Lahat pala talaga nagbabago pero nang malaman ko ang dahilan mo, mas lalong nawasak ako.

***

"Happy 3rd Anniversary Kaylah. I love you till my last breath" sabay halik niya sa aking labi.

Cheesy mang pakinggan pero ilan lang yan sa mga salitang aking pinanghahawakan.

Ang sarap isipin na kahit 3 years na kaming mag boyfriend-girlfriend ay wala pa ding nagbabago sa amin. Sana habang buhay na kaming ganito. Sana walang magbago. Sana.

Kahit hindi pa kami kasal, nagtanan na kami kasi alam naman naming sapat na ang pagmamahalan naming dalawa.

Kahit hindi ako pinayagan ni mama sa pakikipagrelasyon kay King ay wala pa din silang nagawa. Totoo nga talaga ang katagang " You can do anything, in the name of love"

Wala eh. Tinamaan talaga ako eh. Tinamaan ako sa taong mahal na mahal ko at alam kong mahal din ako.

Sa ngayon, nasa bahay nila sa probinsya kami naninirahan para hindi kami matunton nila mama. Alam kong mali ito but why something wrong feels so good?

"Haystt. Bakit ba ang ganda ganda kasi netong mahal ko."

"Asus. Binola mo na naman ako. Oh siya kumain na tayo, my King"

"Okay sige. May sasabihin pala ako sa'yo mamaya" seryoso niyang sabi.

Hindi ko naman mapigilang mag-isip kung ano ang sasabihin niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ma-feel. Dapat ba akong kabahan or what? Siguro wala naman akong dapat ikabahala kasi mahal naman namin ang isa't isa at alam kong sapat na iyong sandata para magsilbing pananggalang sa mga nais sumira ng relasyon namin.

Pagkatapos naming kumain ng agahan ay gumayak na siya para pumasok sa opisina.

"I love you, my King. Mag-ingat ka ha." Sabay halik ko sa kanya.

"Yeah. Take care, too. Babawi ako sa'yo mamaya. Pasensya kung anniversary natin pero papasok pa din ako sa trabaho."

"Okay lang yun. I Love You so much " he smiled and started to walk away.

Pagkaalis niya ay nanood ako ng paborito kong K-drama pero may something na bumabagabag sa isipan ko kaya pinatay ko na yung TV.

Bigla kong naalala na nung isang gabi, may kausap sa telepono si King. Rebecca ata pangalan nun, hindi ko masyadong marinig ang usapan nila dahil inaantok na ako nun.

Pero bakit sila magkausap sa telepono ng ganung oras? Imposibleng work-related pa din ang pinaguusapan nila sa mga oras na yun.

Napa-paranoid na naman ako. Kung anu-ano iniisip ko. Sinubukan kong kalmahin yung sarili ko. Kailangan kong maging maintindihing girlfriend kaya kailangang ipasawalang bahala ko na lamang iyon.

Imbis na mag-isip ng kung anu-ano ay nagbalak akong gumawa ng surpresa kay King dahil anniversary namin ngayon. Sayang nga lang dahil may trabaho pa siya.

Pumunta ako sa mall para bumili ng mga pang-decorate sa bahay namin at nga anek-anek. Bumili din ako ng cake at ng kung anu-ano. Matagal kong pinag-ipunan ang lahat ng 'to para lang sa anniversary namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

King of My Life (One Shot Story)Where stories live. Discover now