HSP Ch. 24

578 7 2
                                    

HSP Ch. 24

// ALEX's POV //

“Ahahahaha! Grabe! Oo nga noh! Parang ewan lang ang itsura ni Jileen nun eh!”

Habang nagke-kwentuhan kaming tatlo nila Majo at Jileen, napansin namin na papasok na si Kira ng room at papunta sa'min..

Ngumiti at nakipag-appear-an si Majo kay Kira, “Uy, Kira! Aga natin ngayon ah!” Tapos pati kami nakipag-appear-an na rin habang nakangiti sa kanya.

“Oo naman! Kailangan maging maaga eh!” Sumagot naman siya na may purong ngiti na nakaplaster sa kanyang mukha. Walang halong pagkukunwari ang tawa ngayon ni Kira. Ang saya ko dahil balik na ulit kami sa dati. Pero hindi pa rin mawawala kay sa aksyon ni Kira na parang may kulang. Kulang na hindi ko rin naman mawari kung ano nga ba 'yon.

Umupo siya sa tabi ni Majo, “Oh, kamusta?” Tanong ni Majo sa kanya.

Natahimik siya saglit pero sumagot rin, “Ok lang naman. Masaya na ulit.” Ngumiti ulit siya na abot hanggang mata. Hindi nga namin, maipagkakaila, masaya siya.

***

// KIRA's POV //

“Uy, nandyan na si Ma'am!” Napalingon kaming lahat sa may bukana ng pinto ng room at nandun nga yung unang teacher namin. Agad agad kaming nagsibalikan sa kanya-kanya naming upuan. Syempre, tabi kami ni Alex ulit. Nandun pa rin naman kasi ang malditang Kim sa upuan ko kahit wala pa siya. Baka late na naman. Pa-importante kasi.

“Magandang umaga.” Bati sa amin ng teacher namin na siya namang ginantihan din namin ng pagbati.

Umikot ang paningin niya sa buong room at tumigil ang mata niya sa akin, “Kira? Halika, dito ka na maupo sa tabi ng upuan ni Acosta.” Parang natigalgal pa ko saglit nung palipatin ulit ako ng teacher. 

“Bakit po? Dyan po nakaupo si Kim.

Ngumiti lang siya sakin, “Hindi na siya uupo dyan kahit kailan. Pagkatapos niyang maupo sa upuan ng principal's office, lilipat na siya ng school.” 

Nagkaroon ng bulungan sa buong room. Lilipat na ng school si Kim? Kung ganon, siya nga talaga ang nagpakalat ng litrato na iyon. Siguro nga, dapat din niyang matutunan ang leksyon niya. Buti nga't pinalipat siya.

Tumingin muna ako kay Alex at tumango sa kanya habang nakangiti, ginantihan niya rin ako ng ngiti. Pagkatapos nun, inayos ko na yung mga gamit ko at lumipat na sa dati kong upuan.

Umupo na nga ako dun pero wala naman yung dati kong katabi. Ang DUWAG kong katabi. Nakakainis siya.

Nanatili na lang akong tahimik sa buong subject na iyon, hanggang sa dumating ang adviser namin sa ika-apat na subject.

Pumasok siya sa room at bumati ng magandang umaga. Syempre, katulad ng tipikal na pangyayari, batian at pagtatalakay ng mga turo. Pero ngayon, bago siya magturo may sinabi na muna siya, “Bago ako magsimula sa pagtuturo, may gusto pala muna akong ipakilala sa inyong lahat.” Tumanaw siya sa labas ng room at nagsalita na parang yung taong 'yon ang kausap niya.

“Sige, hijo, pumasok ka na.” At pumasok nga ang isang tao na hindi ko inaasahan na papasok sa room na ito.

Lumapit ito sa teacher, tumabi sa kanya. Inakbayan ito ni Ma'am, “Ok, class. Ito ang bago niyong classmate. Sige hijo, ipakilala mo na ang sarili mo.

♀♂  High School Parents  ♂♀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon