Chapter 15
Chelsea POV
Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Jake Kapalmuks ! Hayys. Ayan na naman sya sa pagtatanong ng walang kwentang bagay. -_____-
"Nakapunta ka na ba sa bahay nila Kath?"tanong ni Jake.
"Syempre. Kaya nga ako nandito sa kotse mo para ituro ang direksyon ng bahay nila ! "pambabara ko sa kanya.
"Tinatanong ko ba kung bakit ka nandito ?"sagot pa nya. Aargh ! Sungal ngalin kita e ! ><
"Bakit? Gusto ko lang sabihin ! This is a free country, so I can do what I want !"saad ko sa kanya. Saglit nya akong tinignan at itinuon nya ulit ang tingin sa kalsada. Ano? Palag ka pa?
"Ang dami mong alam , tumahimik lang hindi !"sabi nya. Tinaas ko lang ang kilay ko na parang nakikita nya.
"HINDI KO HINIHINGI ANG OPINYON MO !"sigaw ko sa kanya. Nagpatuloy pa ang bangayan namin sa buong byahe. Tss -_______- Letse !
-----------------------------
Kei POV
Nandito ako sa kotse ni Troy Kolokoy ! Pagkapasok ko pa lang dito ay bangayan na agad. Hayys.
"Kei bakit ba ang init ng dugo mo sa akin?"seryosong tanong ni Troy. Bakit nga ba? Hindi ko alam ! Basta alam ko naiinis ako sa pagmumukha nya. Hard ba?
"Nakakainis lang yang pagmumukha mo !"pranka kong sabi. Ngumuso lang sya na parang bata. Hayys . CHILDISH >_< Isa yan sa nakakainis e.
"Tigilan mo nga yang pag pout mo ! Naaalibad baran ako sa iyo ! Hindi bagay"walang preno kong sabi. Malapit na kami sa subdivision nila Kath ! Woo ! Makakatakas na ako dito sa mokong na ito. Nagpark na kami ! Aakmang lalabas na sana ako kaso hinawakan ni Troy ang kamay.
Dug dug...
Dug dug...
Aish. Ano ba itong nararamdaman ko? I hate this feeling -____-
Humarap ako sa kanya at Uh-oh.. Wrong move ! Mga 2 inch na lang ang pagitan ng mukha namin. Nararamdaman ko na ang mainit nyang hininga. Tumingin lang ako sa mata nya at ganun din sya. Nahihirapan akong huminga kasabay ng pagwawala ng puso ko.
Inilapit nya ang mukha nya sa akin, pumikit na lang ako at ilang sandali pa ay..
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAH PFT-HAHAHAHAHAHAH !"halakhak ni Troy. Tumingin ako sa kanya ng masama. Aargh ! Nakakahiya -___-
"Akala mo HAHAHAHA hahalikan ki-HAHAHAHA -ta ! EPIC !"tawa pa ni Troy. Nakatingin lang ako sa kanya at hinintay na kumalma pero hindi.. Tawa pa rin sya ng tawa !
"HAHAHAHAAHAHAHAHAHA-Hmmmp"
Hinalikan ko sya na naging dahilan para tumigil sya. Bigla akong namula dahil sa ginawa ko at siya naman ay gulat na gulat !
O____________O
"Ayaw mo kaseng tumahimik e, ano ka ngayon?"sabi ko sa kanya at lumabas na ng kotse. Naiwan naman syang tulala at naka nganga. Loko ka kase ! Nakita ko na sila Kath, Chelsea at Yumi na kadadating lang kasama ang ibang boys kaya't nilapitan ko na. Hindi pa rin lumalabas si Troy sa kotse. First kiss ata ng loko? Hahahahahahaha. ^________^
------------------------------
3rd person POV
Pumasok na sila at tahimik naman si Troy na nakasunod lang sa kanila. Lumingon si Jake kay Troy at lumapit dito para sana'y asarin ngunit hindi naman kumikibo si Troy.
"Troy anong nangyari sa inyo ni Kei kanina sa kotse? Sinusungitan ka pa rin ba?"pang aasar ni Jake kay Troy na ikinapula naman nito dahil naisip na naman nya ang paghalik sa kanya ng babae. Ang kanyang FIRST KISS ! Hindi pa rin kumikibo si Troy.
"Hoy kayo a! Nag k--"sabi pa ni Jake na agad na pinutol ni Troy.
"Hindi kami nagkiss a ! Wala.. walang nangyari!"defensive na sabat ni Troy. Natawa lang si Jake dahil sa pagiging defensive nito. Naging mas mapula ang pisngi ni Troy gaya ng kamatis. Itatanong ko lang kung nag KAUSAP ba talaga kayo ! Hindi nagkiss ! DEFENSIVE !! Ayan sana ang nais sabihin ni Jake.
"Hindi ko namang sinasabi na NAGKISS kayo. Ang sasabihin ko sana ay kung NAGKAUSAP ba talaga kayo? Defensive brad!"pang aasar ni Jake. Umirap na lang si Troy at nauna ng pumasok sa bahay nila Kath. Lahat sila ay namagha dahil sa laki ng bahay ni Kath except kay Drake na poker face pa din.
-______________-
Kath POV
Nakapasok na kami sa loob ng bahay at ang mga boys ay iniikot ng tingin ng bahay namin. Nakita ko naman si Kuya Enzo na pababa ng hagdan.
"Alexie, nandyan na pala kayo ! Aalis lang ako at pupuntahan ko si Nikki ! Girls, Boys ! Feel at home !"sabi ni Kuya Enzo na nakapolo at pants ! Gwapo talaga ni Kuya ! Haha. Hinalikan nya ang pisngi ko at lumabas na. Sumalampak naman sila sa sofa kaya sumunod na ako.
"So ano ng gagawin natin?"tanong ko sa kanila at umupo sa tabi ni Xander. Niyakap nya lang ako at hinilig ang kanyang ulo sa balikat ko.
"Aam. Food Trip ! Bake or we cook !"suggestion ni Kei. Psh ! Puro pagkain talaga nais nito ! Umiling iling lang kami bilang hindi pagsang ayon.
"Kung maglaro na lang tayo ng Xbox !"suhestiyon naman ni Jake. Naghiyawan naman ang mga boys except Drake !
"Hindi din yan pwede dahil kayo lang ang makakapag enjoy ! No "sabi ko sa mga boys. Sumang ayon naman ang mga best friends ko.
"Eh kung magmovie marathon na lang tayo? HORROR !"sabi naman ni Yumi. Siya at si Chelsea ang mahilig sa Horror ! Mas gusto ko ang Romance-Comedy ! ^O^
"Tsatsansingan niyo lang kami ! Lugi !"sabi naman ni Xander. Nag highfive lang ang mga boys.
"Sabihin nyo takot lang kayo ! Kaya kayo ganyan ! TAKOT!"pang aasar ni Chelsea.
"TAKOT ! TAKOT ! TAKOT ! TAKOT !"sabay sabay na sabi namin ng mga girls. Sabayang pagbigkas ang peg? Haha.
"Sige na.. Movie marathon ! HORROR !"matapang na sabi ni Troy at lumunok. Umoo na lang sina Xander at Jake at tumango naman si Drake. As usual -____-
Umupo na kami sa kung saan namin gusto at si Yumi naman ang naghanap ng panonoorin. Tumayo ako para kumuha ng makakain.
Pagkabalik ko ay nakaupo na silang lahat at nagsisimula ng yung movie. Ganito po ang seating arrangement :
Yumi - Drake| | Kei - Troy
Xander - Ako Chelsea - Jake
Lahat kami ay nakasuot ng 3D glass para mas exciting manuod. Ang 1st movie namin ay "Evil Dead" !
♥♥♥Nahahalata nyo po ba yung laging by partners? Haha. Sorry naman ! Destiny ba? Hehe. Baliw po kase si Author :) ^^ Salamat sa patuloy na pag babasa ! Loveyou guyth :* Please vote ! read ! comment ! ^^
#CutiienessOverload ♥
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy meets Ms.Playgirl
Teen FictionNagsimula ang kwento sa landian na nauwi sa lokohan at pakikipaghiwalayan. Ang kanilang hiwalayan ang naghudyat ng pagmamahalan, pagmamahalan na kahit na sinong tao ay hindi malaman. Pero bakit kapalaran sadyang kay lupit? Pagsubok ay dumating na na...