[Flashback]
Marceline's POV
"Di po ako nagsusuot ng dress, Young Master Marcus," agad kong reklamo ng makita ko kung ano ang ipapasuot sa'kin nito. Seryoso ako, di talaga ako nagsusuot ng dress. "Nakakahiya po ako, promise !"
Nginitian niya ako at itinaas ulit ang isusuot ko. "Bakit ba ina-down mo na agad ang sarili mo ? Wearing a dress won't really kill you, Marceline. And besides, three days kang magsusuot ng dress, kaya kailangan mo ng masanay ngayon pa lang."
Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang Young Master ko. Alangan namang magreklamo ako, di ba ? Actually, maganda 'tong dress. Kulay itim na lantad ang likod. At kung heto talaga ang mga sinusuot ng mga secretary niya, di ba masyadong sexy ? Pero promise talaga, hindi ako sanay sa mga dress. Sana na lang kahit paano e, bumagay naman sa'kin.
Ngumiti ulit siya ng kinuha ko ang dress na hawak niya. Lumabas na siya ng kwarto ko.
Napabuntong hininga ako. Kung hindi lang talaga 'to trabaho, baka kahit lumuhod sa'kin ang kasing gwapo ni Young Master Marcus e tatanggi pa rin ako. Nagsimula na akong magbihis. Wala naman kasi akong kaalam-alam sa pagiging isang secretary, at isa, ayos na agad ang mga gamit ko para sa lakad na yun kaya paano pa ako makakatanggi.
Iba daw ang magiging sweldo ko para dito. Sino ba naman ang aayaw doon, di ba ? Sabihin niyo ng mukha akong pera pero kailangan talaga nila Mama ngayon ng tulong ko. Nagsabay sabay kasi ang babayaran ng mga kapatid ko.
"Marceline, hija, may pinabibigay pa sayo si Sir Marcus," sabi ni Mayordoma Violy sa'kin.
Agad naman akong nagbukas ng pinto, buti na lang at naisuot ko na 'tong dress. "Ano po iyon, Mayordoma ?" tanong ko. "Stelletos mo daw, hija. Siya nga pala..." tinignan niya ako ng mula ulo hanggang paa sabay ngiti. "...ang ganda sayo ng dress, Marceline. Bagay na bagay. Sige na, mag-ayos ka na rin at aalis na yata kayo."
Kinilig naman ako dun. Hahaha ! Agad akong tumingin sa salamin. May full lenght mirror kasi dito sa kwarto kaya naman makikita ko kaagad ang itsura ko.
Wow. Ang sexy ko pala ! Hahaha XD
BINABASA MO ANG
Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)
UmorExpect the unexpected... [Ashfords and Marceline Apostol's Story] © MissHandsomeGray / August 15, 2014 [Ashford's Series] WARNING: (CAPSLOCK PARA INTENSE HAHAHA) I ADVICE PO NA WAG NIYONG BASAHIN TO AS LONG NA MAY REVISING OR EDITING NA NAKALAGAY. B...