SIMULA.May isang lugar kung saan ako lagi tumatambay, lagi ako nandoon dahil bukod sa magagandang tanawin , Madami din taong sumasayaw. Kahiligin ko na din ang sumayaw kaya madaming lugar na ako napupuntahan at kung sino sino nasasalamuhan ko.
Hindi ko inaasahan makakakita ako ng isang babaeng ubod ng ganda pero may pagkataray at may pagkanerd sya, Tinititigan ko siya hanggat magtama ang amin mata at dumating ang isang kaibigan ko na si Leo Chua kinausap nya ako kaya hndi ko na natitigan ng matagal ang babae.
Bro ano ginagawa mo dyan parang ang lalim ng iniisip mo? aniya habang kumakaen sya. " Wala bro may nakita kasi akong babae ang ganda nya bro" sabay turo doon pero nawala agad yung babae at bigla ako umalis iniwan ko ang aking kaibigan.
Hinanap ko agad yung babae kung saan ko nakita pero ang lungkot ko ng hndi ko siya makita. Pero may narinig ako na isang boses at tumingin ako doon , nagulat ako ng makita ko siya ang lakas ng tibok ng puso ko parang mahihimatay ako ang corny ko diba kakalaking tao ko?! HAHAHAHAHA at nagbalak ako lapitan siya kaso pasakay na sya ng sasakyan. Mukhang nakakatakot ang kanyang magulang bukod sa mayaman sila dahil sakanilang magarang kotse.
Nanginayang ako at bwiset na bwiset ako sa sarili ko minsan na nga lang ako magkatagpo nawala pa, Sana nalaman ko na pangalan niya kung hndi ako kinausap ng kaibigan ko na ugok, habang naglalakad ako kitang kita sa mukha ko ang panginginayang at hindi ko namalayan nakabalik na pala ako sa park kung saan ako lagi tumatambay
Pinanuod ko nlng yung isang grupo na sumasayaw. Ang galing nila sobra gusto ko sumali sa kanilang grupo pero baka hindi nila ako tanggapin dahil may grupo na ako.
Habang padilim na ng pamadilim nagbalak na ko umuwi dahil nakaramdam na din ako ng gutom.
Paguwe ko sa bahay, mukha agad ng aking ina ang nakasalubong, syempre wala na pagbabago doon lagi naman ganoon ang mukha nya pagdating sakin. Iniisip ko tuloy kung anak ba talaga niya ako o hindi at Bigla ako tinawag......
JAYSON LEE nagulat ako imibis na paakyat na ako sa kwarto ko naudlot pa .. " Saan ka nanaman galing ha? Araw araw nalang wala ka dito sa bahay at pagumaalis ka hndi ka man lang nagpapaalam" Sa isip ko paano ako magpapaalam kung yung mukha mo lagi nakasimangot sakin at busy ka man sa trabaho. " Mama lumabas lang ohh ako para magpahangin , ang sama na kasi ng environment dito sa bahay at lagi naman kayo busy.
Sino sinasabi mong busy? Aniya
"Diba mama kayo lang nmn lagi busy uuwi nalang kayo para kumaen at matulog hndi nyo ba naisip may anak kayo na kailangan din ng oras parang family bonding pero ayun ang problema sainyo buti pa ang ibang kapatid ko nasusuportahan nyo samantala sakin hindi. " sagot ko habang papunta sa kusina para magluto.
Anak, kahit kelan hindi kita tinuruan sumagot ng ganyan sakin kung nandyan ang tatay mo baka pinalayas kana, Baka naman may ipagmamalaki kana? kaya ka ganyan sakin, Halahanin mo Mag HighSchool ka palang kung hindi sakin hindi ka makakapagtapos ng elementary.
Sa isip ko sumbatan ba ako "Mama Oo wala pa akong ipagmamalaki pero sana naman suportahan nyo ako sa mga ginagawa ko , Nung una tanggap ko na hindi kayo nakaattend sa graduation ko kasi alam ko busy talaga kayo pero ngayon maghihigh school na ako iba pa rin ang turing mo sakin"
Nainis ako sa sarili ko dahil hindi saknila hindi ako magkakaganito daig pa ko broken family pero sana nga broken family nalang eh matatanggap ko pa , kaysa yung ganito buo nga pero wala man lang oras para sa pamilya.
Ang alam ko ORAS ang pinakamahalaga sa isang pamilya kahit busy sa pagttrabaho kailangan pa rin bigyan ng oras ang kanilang mga anak. Pero samin hindi ganon eh huhuhuhuhu.
Bigla na ako umakyat sa taas baka kung ano ano pa sabihin ko sa ang aking magulang.
Pagkaayat ko sa kwarto ang tahimik tulog na siguro ang mga kapatid ko, Kadalasan kasi pag ganitong oras kinukulit nila ako "Nakakapanibago sobra"
Humiga agad ako sa kama napatingin ako sa kisame " Iniisip ko kung ano pangalan nung babaeng nakita ko sa park, Gusto ko siya maging kaibigan kahit alam ko mayaman sya at hindi kame pantay dahil mahirap lang kami"
Hindi ko namalayan nakatulog na ako. Pero alam ko nakatulog ako na may ngiti sa labi kahit nagaway kami ang aking ina..
HAHAHAHAHAHAHAHA Chapter 1 palang sa magustuhan ninyo. Hindi ako mahilig gumawa ng story first time talaga to.
Follow Me
Fb: JohnSantos@Yahoo.com
Twitter: @AdrianS24970493
IG: JohnAdrianSantosII