"He's never gonna like you."
"I know right."
Convo namin ni Jenna habang pinapanuod na sumasayaw si Kurt. Ang long time crush ko na hindi naman ako napapansin. Hahahah! Kaklase ko yan, pero di kami masyadong nagpapansinan. Minsan lang.. Kung sabay kami'ng uuwi or sabay gagawa ng group project. Or kung naaatasang maglinis ng classroom.
KC Lianne Lenovo. Yan ang pangalan ko, senior high ako na typical student lang. Joke, sobrang taba ko, 40 ang waistline ko at 78kg ang bigat ko. Astig diba? Bigatin. Lagi nga akong natutukso dito eh, Lechon daw ako. Eh paki ko ba, atleast maganda! Joke ulit. Di naman ako maganda.
"Huy.."
"Oh?"
"Iaanounce na yung panalo oh."
Bumalik ako sa katinuan ko, kahit kasi ilang beses ko pa'ng ulit ulitin sa isip ko kung gano ako kataba, walang magbabago. Mataba parin ako.
"And our champion for interpretative dance is..... Kurt Lee Lepardo!"
Ayun nagpalakpakan sila. February 5 ngayon, feast day ng school namin. Saint Agatha Academy ang pangalan ng School namin.
Nakita kong tumingin sa'kin si Kurt. Ngumiti siya, ngumiti sya!!!!!!!!! Crush siguro ako nun.. Joke. Assumers ko talaga!! Tapos ngumiti din ako, tapos ayun. Pinalibutan na sya ng supporters at barkada nya.
"Uwi na tayo Jen."
"Ha? Maaga pa ah."
"Ge na, tapos na rin naman siya sumayaw eh."
"Ge, mauna ka na."
"Ha? Bakit?"
Lalandi pa siguro to si Bestfriend.
"Wala lang. Tsupe! Alis na."
"Ge,"
Ayun, pumunta ako ng classroom, at nagtambay muna. Nagbabaka-sakaling dadating si Jen. Ako lang ang andito....
"Ay butikiki!!"
Nagulat ako kasi may pumasok. Si Kurttttt!
"Oh! S-sorry!"
"Ay, ayos lang."
Tumayo na ako para umalis, humarap ako sa kanya..
"Uuh..Uh.. Kurt. Congrats.."
Tapos inabot namin yung kamay namin sa isa't isa. Magkaholding hands kami!!! Joke. Nagshake-hands lang kami. Ayun, inalis ko na yung kamay ko kasi baka nag ba-blush na ako eh!
"S-salamat ah."
Ang puti niya talaga, nag ba-blush yung pisngi niya. Ang gwapo niya, sobra! Ang lamig pa ng kamay, parang patay lang. Ba't naman kaya? Tapos umalis na ako. Nagtatatakbo ako pauwi. Na kilig na kilig. Eh first time kasi eh.
Naabutan ko si Papa na kumakin.
"Hi Papsy." Tapos nagmano ako.
"Oh, musta?"
"Ays lang paps."
"Ba't tumakbo ka papasok? Hinabol ka ba ni ADIK-ADIK?" (Dog namin yun.)
"Naku, hindi paps! Nagshake hands kami ni Crush ko paps! Naalala mo yun? Yung tinuro ko sa'yo nung isang araw sa iskul. Yung gwapo!"
