Mabilis na lumabas ng taxi si Nathalie at nagbayad sa driver. Late na kasi ito para sa teacher’s day program ng school. Kung bakit ba naman kasi nagpuyat pa ito kakanood ng koreanovela sa bahay nito.
Hindi siya sigurado kung naroon pa nga ba ang mga teacher, ngunit kung wala ang mga ito’y masasayang lang ang binili niyang bulaklak para kay Ma’am Joey. Paspasan itong tumakbo papunta sa school gym nila, “Pambihirang school kasi ‘to, ang laki!” bulong nito sa sarili habang patuloy ang pagtakbo. Unfortunately, wala na siyang inabutang tao sa Gymnasium at naligpit na ang lahat ng kalat. Seriously? Alas-tres pa lang ah!
Dinukot nito ang cellphone sa bag at nag-dial ng 11 digits. “Oh c’mon Pinky, Answer the phone!” parang tangang sigaw ito ng sigaw kasabay ng bawat pag ring naman ng cellphone.
The moment she ended her call, saka lang sumagi sa isip niya na mayroon nga palang gaganaping fair after ng program. Kumaripas ito ng takbo papunta sa garden ng school, kahit pagod na pagod ay parang wala lang iyon para kay Nathalie. Matagal niya kasing hinintay ang araw na ito, ayaw niyang masira pa.
Humihingal na huminto si Nathalie habang nakatukod ang mga kamay nito sa binti. Pagod na pagod na talaga ito. Napalingon si Nathalie sa nagtatawanang mga babae dahil sa narinig nito ang pamilyar na boses ni Pinky. Nilingon nito iyon at nakita nga niya nga ang kaibigan, “Pinky!” hinihingal na sabi nito.
Sa halip na tumingin ay dire-diretso lang si Pinky sa paglalakad kasama ang mga babaeng kasama nito.
Malalim agad ang naisip ni Nathalie sa nangyari, “Galit ba siya sakin o hindi niya lang ako nakita?” bulong ng dalaga sa sarili. Sinubukang sundan ni Nathalie sila Pinky nang pumasok ang mga ‘yon sa lumang faculty. Hindi na rin nakapasok si Nathalie dahil naka-lock naman ito. Sa isip isip ni Nathalie, hindi pa naman narerecover ang faculty na ‘yon kaya bakit pumasok sila doon?
Bumigat ang pakiramdam ni Nathalie. Ayaw na nga ba sa kanya ng kaibigan?
Parang nahugutan naman ng tinik sa dibdib ang dalaga nang maligaw ang tingin nito sa garden at makita si Victor na nakasandal sa may puno katabi ng swing. Nakita niya ring marami pang tao doon. Pero may pagtataka kay Nathalie dahil parang pinapalitan ang mga booths ng mga tent.
Imbis na magtanong ay tumungo na lamang ito sa nakakibit-balikat na si Victor.
“Babe!” kumakaway-kaway na sabi nito dahilan para lumingon ang binata sa kanya.
Umayos naman si Victor ng pagkakatayo bago ngumiti sa kanya. Inayos nito ang buhok at ang damit bago sinalubong ang tumatakbong si Nathalie.
“I’m sorry, ngayon lang ako. Nakatulog kasi ako kanina eh. What did I miss except you?” nangingiti at nahihingal na sabi nito.
“Kanina pa nga kita hinihintay, babe.” Sagot lamang nito sa kanya.
Nathalie frowned, “Ano ‘yang nasa mata mo? puyat ka ba?” tinutukoy nito ang nakapaligid na may pagka-grey na nakapaligid sa mga mata nito. “Don’t mind it, pwede bang magpunta tayo sa ibang lugar, wag dito?”
“Huh?” pagtatakang tanong nito, “Saan naman tayo?”
“Somewhere private, May sasabihin lang ako.” Anito at walang sabi-sabing hinatak siya sa bandang likod ng 2nd building. Paglapag na paglapag pa lamang ng mga paa nila’y malalim na ang mga tingin ni Victor sa kanya. “Ano ba talaga ‘yang sasabihin mo? sabihin mo na! hindi tayo makakapag-enjoy niyan eh,” she smiled.
Victor took a deep breath at bumaba ang tingin. Hinawakan nito ang mga kamay niya, “Babe, it’s not you..it’s me.. Im sorry, but w-we’re over”
Halos gustong mabingi ni Nathalie sa narinig mula sa kaharap, sinubukan nitong ikunot lamang ang noo at h’wag padaluyin ang mga luha sa mata nito.
“Are you kidding?” hinatak ni Nathalie ang kamay mula sa boyfriend sabay tumawa ito. “Nagbibiro ka ‘no? tama na nga ‘yan babe, halika na!” hinatak nito ang kamay ni Victor paalis sa kinaroroonan nila, pero hindi ito nagpahatak sa kanya. Napahinto si Nathalie pero hindi nito magawang lingunin si Victor. Napayuko ito at tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha, unti-unti rin nitong hinawakan ang kamay ni Victor, kahit masakit ay ginawa niya.
“Sorry, but I’m serious..”
She couldn’t help herself from crying kahit siya ang magmumukhang kawawa. She never imagined that this moment will ever come to their relationship that’s why she’s not prepared for it.
“S-sino ang dahilan nito? sino ang ipinalit mo sakin?” hindi parin lumilingong tanong nito.
“H-he’s Lorenzo Madrigal.” He answered.
Tuluyan nang nabasag ang eardrums nito. para siyang guguho at lalamunin ng lupa ng buong-buo. She know it must be a joke pero alam niya kung paano magbiro ang boyfriend, not that way. Nilingon niya ito, “Ano bang pinagsasasabi mo ha? Anong si Lorenzo Madrigal? Pinagtitripan mo ba ko?”
Yumuko lamang si Victor.
“BAKLA KA?” her voice broke again before and after saying it. Sa bawat pagtango ni Victor ay parang winasak ang puso niya. Pakiramdam niya’y nasira ang pagmamahalan nila dahil sa pagdating ni Lorenzo. Renz ruined everything.
“Babe, Im really sorry.” Muli ay hinawakan siya nito.
“HUWAG MO KONG HAWAKAN!” madiing sabi nito sabay tulak naman sa kanya sa damuhan. Tuloy tuloy na tumakbo si Nathalie patungo sa garden ng school at galit na galit na hinanap si Lorenzo.
Tinanong niya ang lahat ng nasa fair kung nasaan ang binata pero wala naman naisagot ang mga ito. Hanggang sa makita na lang niyang pinalalabas nito ang mga nasa lumang faculty including her bestfriend Pinky. Gustong gusto niyang tanungin at lapitan si Pinky pero mas pinili ng mga paa niyang hatakin siya papunta sa kinaroroonan ni Renz. Cold pa rin ang awra nito at para bang may sariling kausap sa sariling mundo. Ngunit imbes na matakot ay matapang paring lakad-takbo nitong nilapitan ang binata. Pumasok ito sa loob ng faculty room na agad naman niyang sinundan.

BINABASA MO ANG
Hypnotized (The man of Revenge)
Romance“Beware of some good looking guys around. Some of them might have the ability to hypnotize you."