Matapos ang meeting, pinalabas na ni Renz ang lahat ng estudyanteng inimbita niya para i-lead ang buong leadership training na kunyari’y totoo. Kasama kasi ito sa plano ni Renz at ni Jack.
Inutusan niya rin ang mga ito na umuwi pansamantala para kuhanin ang mga gamit ng mga ito.
Nang makauwi na ang lahat, pumasok na ulit ang binata sa loob ng lumang faculty. Pinili na niyang gawing hang-out ang lugar na ito, hindi rin niya alam kung bakit. Siguro’y dahil na rin madilim ito. Kaya mabilis naman niya itong pinalinis at tanging ilang upuan na lamang ang laman nito.
“Mr. Lorenzo Madrigal!” biglang sigaw ng pamilyar na boses kay Renz. Nilingon niya ang taong nangahas isigaw ang buong pangalan niya, at ikinagulat niyang makita kung sino ito.
It’s Nathalie. And he forgot about her, hindi pa nga pala niya ito nahy-hypnotize. Bakit ba kasi ngayon lang siya? bulong nito sa sarili.
Tinaas lang niya ang kilay bilang pagtatanong ng intension nito sa kanya.
Tuloy-tuloy ang dalaga sa puwesto niya. Lakad-takbong lumapit ito at dinampi ng malakas ang palad nito sa mukha niya. “Hindi ko alam kung anong ginawa mo kay Victor, pero kung kinulam mo man siya, please stop it rude grouchy guy!” pawis na pawis na may halong galit ang buong aura nito. kahit yata sino ay matatakot.
He don’t have an idea kung ano mang sinabi ni Victor pero alam niyang wala siyang kinalaman doon. At sa ngayo’y wala siyang ibang nararamdaman kundi pagkamuhi sa babaeng kaharap niya dahil sa ginawa nitong kapangahasan sa mukha niya,
“You don’t want to mess up with me.” Naghahamong sabi nito. He mean it, he’ll never let anyone to mess up with him. Not a single person.
“I can mess up with whoever I want to.” Buong tapang na sagot naman ni Nathalie habang nakakibit-balikat ito. “Ayoko naman talaga sayo simula palang nung unang makita kita, alam ko na may something sa katauhan mo Mr. Madrigal. You can’t hide anything from me,”
Hindi na mapigilan nito ang sarili, He removes his eye glasses and start staring at her but…unfortunately; wala itong epekto sa dalaga. Both of them were just staring to each other at wala manlang reaksyon ang katawan ni Nathalie.
Hindi maaari, kaya niyang i-hypnotize ang kahit na sino! Pero iba, iba ang babaeng nasa harap niyang ngayon.
What’s with her?
“S-sino ka?” he asked her with a frown.
“Ikaw! Ikaw ang sino? Don’t change the topic, ibalik mo na si Victor sa katinuan niya, h’wag mo na siyang kulamin, Hindi mo ba nakikita? imposibleng magustuhan ka niya dahil hindi bakla ang boyfriend ko!” sagot naman nito. Ang sagot na iyon ni Nathalie ang nagpatunay sa binata na wala itong alam sa kung ano mang meron sa pagkatao niya. But he know there’s also something about her. His hypnotizing power never fail, lalo na sa babae. Even anger cant stop it, pero ang babaeng ito, para bang may kumokontra sa balak niyang pagsailalim dito sa hipnotismo.
Hindi nito pinahalata ang pangamba at pagtataka, sa halipay ngumisi pa ito at nagkibit balikat sa harap niya, “So it’s you at hindi si Pinky ang girlfriend ng hambog na lalaking ‘yon?” tumawa ito ng nang-aasar.
“Sorry, pero hindi ko alam ang sinasabi mo Ms. Nathalie, mabuti pa umalis ka na.”
“Diyan ka naman magaling hindi ba? Sige lang, Keep on denying!” He heard her voice broke. Nilingon niya ito pero nakatalikod na ito at paalis sa faculty na iyon, “Sana lang, masaya ka sa ginagawa mo!” pahabol pa nito.
Pinagmasdan lamang ni Renz si Nathalie na kasalukuya’y palabas ng pinto. Pero bago pa man ito makalabas, sumama ang pakiramdam ni Renz sa paligid.
The door closed because of the strong air. Pumutok rin ang lahat ng bumbilya na nakapaligid sa faculty at maging ang mga electricfan ay namatay na.
Dumilim ang buong faculty. Bintana na lang sa taas ng faculty ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Nang marinig ni Renz ang malakas na pagsigaw ni Nathalie ay napaharurot ito ng takbo sa kinaroroonan ng dalaga, “What happened? Ayos ka lang ba?”
“A-anong nangyari?” takot na takot na sabi ni Nathalie.
He frowned as he stare at the door. “I don’t know,” anito sabay tayo naman at sinubukang buksan ang pintuan ng faculty. Naka-apat na hatak ito sa pinto bago tuluyang magreact, “Shit! We’re locked!”
“WHAT?!!” lakad-takbong lumapit si Nathalie dito para tulungang mahatak ang pinto, but they both failed. Nathalie started to worry, hinampas nito ang braso ni Renz at pinagsisigawan ito, “Ano bang ginawa mo? bakit tayo na-lock dito? Mangkukulam ka talaga! Paalisin mo na ako dito!” she screamed while glaring at him.
Renz frowned. “Ano bang pinagsasasabi mo? bakit ko naman ila-lock ang sarili ko dito? Para makulong kasama ang maingay na babaeng katulad mo?”
“Malay ko ba kung gusto mo akong pagsamantalahan!”
“What? Do I really look like a rapist?”
Nathalie looked away. Sa halip na sumagot, tinalikuran niya ito. Pakiramdam niya kasi’y gumagwapo lalo ito kapag naco-concious lalo na kapag nagagalit.
“Paano na ‘to? We’re locked! Nakakainis!” halos masabunutan na ni Nathalie ang sarili. Kanina lang, na-broken hearted siya at ngayon naman ay mala-lock siya kasama ang weirdong lalaking ito?
Tinadyakan nito ng malakas ang pinto, pero sa kasamaang palad ay nasaktan lang ang paa niya
“Ouch, Ouch!” tatalon talon ito habang hawak-hawak ang nasaktang paa niya,
“Hey, Are you okay?” worried na sabi naman ni Renz, “Bakit mo naman kasi sinipa ‘yung pinto?” dagdag pa nito.
“H’wag mo nga kong hawakan!” she yelled as she walk towards the corner of the room. Doon na lamang siya naupo sa sofa habang patuloy pa rin ang pagmamaktol.
Hindi maintindihan ni Renz ang nangyayari, ‘Is jack behind this?’ Sa isip isip nito. wala naman kasi talaga siyang kinalaman sa biglaang pagsara ng pinto. He also know that the aura of the air inside the faculty isn’t normal. Doon na lamang naalala ni Lorenzo ang cellphone. Mabilis na dinukot nito ang cellphone sa bulsa at nag-dial ng number to call jack.
…but It didn’t ring.
Nilingon nito ang kaklase, “May dala ka bang cellphone? Nawalan ako ng signal. Try to call somebody who can help us.”
Nathalie glanced on him pero sinunod niya rin ito. Padabog nitong dinampot ang cellphone sa bag at nag-dial. Maya-maya’y buong pagtatakang nilingon nito si Renz, “Wala rin akong signal! Ano ba talagang nangyayari?”
“I don’t know! Wala akong kinalaman sa nangyayari… Look,” bahagya siyang lumapit rito, “Yung accusation mo sakin, na mangkukulam ako? It wasn’t true! Kaya don’t talk to me like I was the one who planned this!”
“Eh sino nga kasi?!” parang batang ngangawa ngawa si Nathalie. Gusto na kasi nitong makauwi agad dahil bukod sa gutom ito’y gusto na rin niyang magmukmok sa kwarto dahil sa sinabi ni Victor sa kanya.
“Hindi ko nga alam!” naiinis na sagot naman ng binata.
Lalo nang dumilim ang paligid, sa tingin niya’y wala nang araw. Halos hindi na sila magkakitaan dalawa dahil hindi na rin nabibigyan ng liwanag ng bintana ng faculty. Nagbuga ito ng hangin at marahang hinilot ang ulo nito, ayaw niya sanang sabihin ang dapat niyang sabihin sa dalaga but he have to do this, kahit alam niyang lalong magngangawa ito.
“I think uhmm—“ pagsisimula niya, “I think magpapalipas tayo ng gabi sa faculty na ‘to.”
Imbes na magsisigaw ay wala manlang sinabi ang dalaga. Hindi niya ito nakikita pero sa tingin niya’y tulog na ito. Dinampot niya ang cellphone para mailawan ang dalaga, but he was so surprised of what he saw.

BINABASA MO ANG
Hypnotized (The man of Revenge)
Romance“Beware of some good looking guys around. Some of them might have the ability to hypnotize you."